Kasabihan na ang huwag nang gagala bago mag-graduation kundi may mangyayaring masama. Pero para sa graduating members ng theater club sa San Juan Senior High School, haka-haka lang ito.
Magpapasya silang manood sa Teatro Uma, isang di-kasikatang pa...
Makakapasok si Evon sa loob ng elevator. Dahil natataranta, pipindot lang siya kahit hindi alam ang numero na pinipindot.
Magsasara ito bago pa man makarating ang staff.
Makakahinga si Evon saglit bago niya pag-aaralan ang elevator. Makikita niya na may pindutan na may lebel na "1" at "2" ngunit ang ibang labing-isang pindutan ay blanko na.
EVON: Dalawang floor lang naman—
Mararamdaman niyang bababa ang elevator.
1↓
2↓
Tutunog ito at titigil, ngunit hindi ito magbubukas.
Hahampasin ni Evon ang pintuan nang paulit-ulit at sisigaw ng tulong, saka bababa nang bababa nang bababa ang elevator.
3↓
4↓
5↓
6↓
Titigil.
Namamawis at natataranta, paulit-ulit na pipindutin ni Evon ang "2." Dahan-dahang magbubukas ang pintuan ng elevator.
Aatras si Evon sa takot, magdadasal ng Our Father.
Bubungad sa kanya ang isang maliit ng espasyo na balot na balot ng satin na tela, may mga bulaklak sa gilid, at unan na tila nakasabit sa tuktok.
Sa takot, hindi makakapagsalita o makagagalaw si Evon.
Mabilis na magsasara ang elevator.
Lights.
Kukurap ang mga ilaw. Mapapatingin si Evon sa kisame. Sa bawat kurap, mahahagilap ng mga mata niya sina Diana at Echo . . .
7↓
8↓
Niana, Maan, at Owen . . .
9↓
10↓
11↓
At sa huling pagkurap ay magpapakita sina Sapphire, Aman, at Renelyn.
12↓
Camera.
Sisipa-sipain ni Evon ang pintuan habang sumisigaw at umiiyak, at titingnan din niya ang kisame upang maghanap ng ibang daan palabas. Mararamdaman niyang masisilaw siya ng isang spotlight, ngunit hindi niya mawari kung bakit siya maiilawan gayong nasa loob siya ng elevator.
Action.
Titigil. Mapapatingin si Evon sa screen:
13
Sisigaw lang siya nang sisigaw habang unti-unting magbubukas ang elevator. Katahimikan at dilim ang sasalubong sa kanya.
Hindi siya gagalaw panandalian.
Dahan-dahan siyang babangon at susubukang lumapit sa pindutan. Ngunit kasabay n'on ay dalawang sunog na kamay na lalabas sa dilim, sasakmalin ang kanyang mukha, at hihilahin ang kanyang ulo paalis sa kanyang katawan na parang papel na pinunit.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Didilim. May liliyab. Magbubukas ang mga ilaw.
Unti-unting magsasara ang elevator. Sa display, magpapakita: 2↑.