INT. HALLWAY, TEATRO UMA – NIGHT
Tumatakbo sina Renelyn at Aman, pabulong ngunit nagsasagutan.
AMAN: Di kaya pinagtitripan lang nila tayo? Paano kung acting lang nina Niana at Owen 'yon?!
RENELYN: Gago, sa lagay na 'to?!
AMAN: Paano kung ginagago nila tayong lahat? Baka may nagrenta sa buong Uma tapos—
RENELYN: Sino namang makakagawa n'on? Na kukuntsabahin nila lahat ng staff? Pati may-ari ng Uma? At nakita mo naman ang nangyari kay Owen. At ano, effects lang ang iba?
AMAN: Pero magaling umarte si Owen. Gago 'yon, e. Di ba, siya nga nagsabi na pumunta rito? Mayaman naman sina Maan—
RENELYN: May plano kami ni Owen. Dapat ngayon niya aaminin kay Maan.
AMAN: O, tingnan mo. May ganap. Baka pati ikaw, niloloko ka ni Owen? Baka sila pala ni Maan may pakana nito. Baka—shit! Paano kung pina-prank lang tayo?
RENELYN: Sobrang grabe naman kung ganito! Tanga ka ba, babe?!
AMAN: Lahat tayo magaling umarte! Pa'no kung lahat sila, pinaglololoko lang nila tayo?!
RENELYN: Sana gano'n nga!
AMAN: Hindi, gano'n talaga 'yon. Doon lang magkaka-sense. Kung papatayin na rin lang tayo, ba't di tayo sabay-sabay?
Pero mapapatigil si Renelyn nang makikita niya ang restaurant.
RENELYN: Babe, 'yong restaurant! Wait, fuck. Pa'no kung may tao diyan?!
Ilalabas ni Aman ang Swiss knife mula sa bulsa niya.
RENELYN: What the fuck, babe?! Bakit ka may ganyan?!
AMAN: Di ba dapat sumaya ka?!
RENELYN: Sasaya dahil may dala ka laging Swiss knife habang magkasama tayo?!
AMAN: Putik! Magagamit nga natin ngayon, e! Diyan ka lang.
RENELYN: Babe! What the f—you'll leave me alone here?! Ass shit!
AMAN: Iwan kita rito, o magsama tayong mamatay sa loob?!
RENELYN: Magsama tayong maiwan—leche ka!
AMAN: Kung may mangyari sa 'kin sa loob, takbo ka na.
RENELYN: Pucha ka naman, e! Malilintikan ka sa 'kin pag di ka bumalik!
Maghihintay si Renelyn sa labas at papasok si Aman sa loob. Tatapik-tapik siya ng paa si, di mapapakali. Matapos ang ilang segundo, lalabas si Aman.
AMAN: Wala! Tara!
Magmamadaling papasok si Renelyn at tahimik ni isasara ang pintuan ng restaurant.
BINABASA MO ANG
Last Full Show
HorrorKasabihan na ang huwag nang gagala bago mag-graduation kundi may mangyayaring masama. Pero para sa graduating members ng theater club sa San Juan Senior High School, haka-haka lang ito. Magpapasya silang manood sa Teatro Uma, isang di-kasikatang pa...