INT. LUCILLE'S ROOM – NIGHT
Nakatingin lang si Lucille sa laptop, nagtataka kung bakit walang resulta nang nag-research siya. Napaisip siya kung may kakaibang istorya ba ang Teatro Uma at bakit gano'n na lang ang panic ni Ria tungkol dito.
Pupunta si Lucille sa website ng probinsiya nila, at do'n niya makikita na may website din ang sarili nilang barangay, hindi nga lang opisyal. Makikita niya ro'n ang isang link: Uma Theater.
Pipindutin niya ito ngunit matagal itong maglo-load.
Sasandal si Lucille sa upuan niya habang hinihintay mag-load ang page, saka niya mare-receive ang text ni Sapphire: Sa Uma kami. Baka sa last full show na lang. Malapit lang naman hehe kung gusto ninyo humabol. Then overnight party na lang sa amin. Kahit man lang doon, sana makasama kayo!
LUCILLE: Kaso mukhang hindi na kami aabot—
Magugulat si Lucille dahil may dadating na tawag mula kay Argon.
LUCILLE: Uy? Bakit?
ARGON: Tanggap mo text ni Sapphire?
LUCILLE: Oo. Wala namang problema basta magpaalam ako. Pero ang problema, horror nga kasi, saka—
ARGON: Hindi naman natin kailangan manood.
LUCILLE: E, ano?
ARGON: A-ano, p-puwede tayong maghintay sa labas ng mall. Magdadala akong pagkain.
LUCILLE: H-ha?
Hihiga si Lucille sa kama at mapapangiti.
ARGON: Game ka ro'n?
LUCILLE: So doon lang tayo s-sa labas? Tayong dalawa lang?
ARGON: Kung di ka okey—
LUCILLE: H-hindi!
Babangon si Lucille sa kama at kakagatin ang labi.
LUCILLE: Okay lang ako ro'n. Pero isa ko ring issue ang transpo. Baka itanong nina Mama. Auto payag sila basta may transpo papunta at pabalik.
ARGON: Alam ko na 'yon, kaya nga pinaalam ko kay Kuya na gagamitin ko 'yong motor. May student's license ako.
LUCILLE: Pinayagan ka ng kuya mo?
ARGON: Sinabi ko na may celebration lang tayo. E, dinanas din naman niya 'to kaya oks lang sa kanya. Basta uwi lang daw bago sumikat araw.
LUCILLE: Ang lenient.
ARGON: Spoiled kami ro'n simula no'ng nawala sina Ma.
LUCILLE: Sige, magpapaalam na ako. Mga 9:30?
ARGON: Game. Maghanda na rin ako.
Ibababa ni Lucille ang tawag at ilalagay ang cell phone niya sa tapat ng dibdib niya. Dahil sa sobrang saya, maglilipit siya kaagad ng gamit at isasara ang laptop, di pansin-pansin na tapos na ang pag-load ng hinihintay niyang wesbite.
BINABASA MO ANG
Last Full Show
HororKasabihan na ang huwag nang gagala bago mag-graduation kundi may mangyayaring masama. Pero para sa graduating members ng theater club sa San Juan Senior High School, haka-haka lang ito. Magpapasya silang manood sa Teatro Uma, isang di-kasikatang pa...
