Act 2 Scene 14

274 33 25
                                    

Nakatago ang tatlo sa ilalim ng counter. Sinusubukang maghanap ni Sapphire ng signal para ma-i-send kay Lucille ang message niya: TULONG PLS! MAY WEIRD SA UMA! TAWAG KAYONG PULIS! O PARI!


SAPPHIRE: Shit, wala talagang signal. Di ko ma-send.

EVON: Ang ingay mo! Baka—

ERIOL: 'Tang ina, totoo ba talaga 'to? Di ba 'to joke?

EVON: Sino ba kasing nagsabi na dito tayo pumunta?! Dapat sa Sebastian na lang—

SAPPHIRE: Si Owen! Pero teka, di ko nakita si Owen kanina!

EVON: Di kaya ginagago tayo n'on? Tapos kasabwat silang lahat?

ERIOL: Tayong tatlo lang ginago? Bakit tayong tatlo lang?

EVON: Pero asan nga sila? Humiwalay nga rin sina Aman.

SAPPHIRE: Pero sinugod nila ang film room kanina!

EVON: Puta, hinaan mo boses mo!

ERIOL: Evon, salita mo—

EVON: Mamamatay na tayo, ganyan ka pa?

SAPPHIRE: 'Wag nga kayong mag-away!

EVON: Palibhasa si Sapphire, e.

SAPPHIRE: Ha? Anong ako?

ERIOL: Wala. Parang gago 'tong si Evon.

EVON: Teka nga—


Gagapang si Evon paalis ng counter at kakapa-kapa sa may pader at sahig na malapit.


SAPPHIRE: Uy! Anong ginagawa mo?!

EVON: Nakita ko kanina na pumasok 'yong isang staff sa gift store. Hindi naman siya umakyat ng escalator, pero naabutan na natin siya sa taas. Baka may ibang lugar din dito. Baka may ibang pinto rito papunta sa kung sa'n.

SAPPHIRE: O, iyon nga, e! Pa'no kung papuntang sinehan ulit 'yan? Di ka nag-iisip?

EVON: May signal doon sa puwesto ko kanina. Pero wala kay Diana—baka sa network o sa cell phone. Kung susubukan natin i-send doon. Send natin. Extend life to eight zero eight zero.

SAPPHIRE: May gana ka pang magpatawa?

EVON: Mukha ba akong nagpapatawa? Kung hindi, may escape routes sila. Kailangan nating hanapin. Walang lugar na walang exit.

SAPPHIRE: Pero nandito tayo at walang ibang exit kundi ang entrance. Bakit kasi hindi na lang tayo dumiretso do'n?! A-a-aso lang naman siguro 'yon!

ERIOL: Alam nating lahat na di tunog ng aso 'yon.


Iiyak si Sapphire pero tatakpan ni Eriol ang bibig niya at susubukang patahimikin. Pipiliting alisin ni Sapphire ang kamay ni Eriol at maiinis.


SAPPHIRE: Gusto ko na umuwi.

ERIOL: Lahat tayo, okey? Maghanap na lang kaya tayo rito ng patpat . . . o kahit ano? Para pampalo do'n . . . kung ano man 'yon.

EVON: Bakit nga pala kayo sumunod sa 'kin? A, kasi may punto ako na nagbabantay ang sekyu na baka kasabwat sa nangyayari. Kung gusto n'yo bumalik do'n sa entrance, kayong bahala. Ganito, kapag nakatakas kayo, tumawag kayo kaagad ng pulis. Susubukan kong—

Last Full ShowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon