INT. RESTAURANT, TEATRO UMA – NIGHT
Sa loob ng restaurant, makikita nina Aman at Renelyn na may dalawang CR: isa sa dining area at isa pa sa may kusina. Makakakita rin sila ng isa pang pinto ngunit naka-padlock. Susubukan ni Aman ang mga patulis na bagay sa kanyang Swiss knife, ngunit hindi ito makakapasok sa butas ng padlock.
Bubuksan ni Renelyn ang bag niya at hahanapin ang pencil case niya.
RENELYN: No'ng nasa loob ka pala . . . may lumabas na parang projection sa pinto, pinapakita ka na walang ulo—
AMAN: Ha? Saan—
Makikita ni Renelyn ang kanyang pencil case at makakakita siya ng impardible pagbukas.
RENELYN: Fuck shit yes!
AMAN: Buti may ganito ka—
RENELYN: Dalian mo!
Susubukan ni Aman na buksan ang padlock gamit ang impardible ngunit hindi niya ito mabubuksan. Magbubuntonghininga sila at mapapamura nang pabulong.
AMAN: Pucha, bakit sa sine madali lang 'yong ganito?
RENELYN: Ako na nga! Tanga-tanga naman, e!
Kukunin ni Renelyn ang impardible, pero hindi rin ito mabubuksan.
AMAN: Sisipain ko na talaga 'to.
RENELYN: Di mo naman mabubuksan 'yan kahit sipain mo pa. Tsaka maririnig sa buong lugar!
AMAN: Bakit kasi di tayo natuto kung pa'no magbukas ng mga ganito?
RENELYN: Malay ba nating mangyayari sa 'tin 'to!
AMAN: Kailangan nating makahanap ng paraan. Palabas 'tong pintong 'to. Ito lang talaga ang palabas. Sigurado ako, lapagan ng basura sa likod nito.
RENELYN: Doon na lang kasi tayo sa entrance ulit!
AMAN: Narinig mo naman 'yong kanina. Ikaw na mismo ang umatras!
RENELYN: Puta naman kasi. Ano ba 'yon?! Ano ba 'tong—fuck!
Matataranta ang dalawa habang naghahanap si Aman sa may kusina ng maaari pa nilang ipasok sa padlock upang magbukas ito.
AMAN: Malay ko. Parang aso na hindi. Pero 'tang ina. Kung alam ko lang na ganito rito.
RENELYN: Nasa likod lang natin si Niana kanina, tapos nawala. Ayoko na rito!
AMAN: Ako rin naman. Kaya nga tumulong ka na! Maghanap ka ng manipis na ewan. Subukan lang ulit natin.
RENELYN: Saan naman ako maghahanap?! At ako lang mag-isa?!
AMAN: E di, sige. Ako maghahanap, subukan mo 'tong buksan.
RENELYN: Fuck you.
AMAN: Babe—
RENELYN: Ibalik mo na nga 'yang singsing sa 'kin! Kapag nakalabas tayo rito, makikipag-break na 'ko sa 'yo.
AMAN: Babe naman—
BINABASA MO ANG
Last Full Show
HorrorKasabihan na ang huwag nang gagala bago mag-graduation kundi may mangyayaring masama. Pero para sa graduating members ng theater club sa San Juan Senior High School, haka-haka lang ito. Magpapasya silang manood sa Teatro Uma, isang di-kasikatang pa...