Act 2 Scene 9

298 33 1
                                    

INT. LIVING ROOM, LUCILLE'S HOUSE

Sisigaw si Lucille pabalik sa loob ng bahay nila, nanginginig habang sinasara ang pinto. Kukunin niya ang cell phone at susubukang tawagan si Argon, pero hindi ito sasagot.


LUCILLE: Shoot, pa'no kung papunta na—Argooon! Sagutin mo!


Biglang may magdo-doorbell. Tatahimik si Lucille at tatantsahin ang mga susunod na mangyayari. Maya-maya, biglang magri-ring ang cell phone niya at makikitang tumatawag si Argon.


LUCILLE: Argon!

ARGON: Uy! Nabingi ako ro'n ha.

LUCILLE: Nasa'n ka na?!

ARGON: Nasa tapat na ng bahay n'yo. Ba't parang—

LUCILLE: Wala si Ria diyan?

ARGON: Ha? Wala rito—

LUCILLE: Sige, wait ka lang muna.


Magsi-CR si Lucille, mag-aayos, saka kukunin ang bag at itatali angjacket sa bewang bago lumabas ng bahay.

Last Full ShowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon