EXT. NENANG'S KARAOKE HUB – NIGHT
Nagtatawanan at nagkukuwentuhan ang sampung magkakaibigan sa loob ng isang inuman. May hawak na iced tea (na may halong alak) sina Owen, ang tatlong e-tlog, Aman, Renelyn, at Maan. Iced tea (na walang halo) naman ang hawak nina Niana, Sapphire, at Diana.
SAPPHIRE: Nakaka-guilty na di natin inimbita sina pres at vice.
MAAN: E, impulsive decision naman kasi 'to. Ito kasing si Owen! Nanghahamon!
ECHO: Nag-ju-jugjagan na rin mga 'yon!
NIANA: Bastos nito!
Susubukang paluin ni Niana si Echo, pero makakaiwas ang kaklase.
EVON: Kapag nandito si pres, malamang na-confiscate na 'yong dala nating gin sa thermos.
DIANA: Ewan ko sa inyo. Pagdating siguro ng college, manginginom na kayong lahat. Excited kayo tumanda, mga ewan sa 'nyo.
RENELYN: Ikaw ba, di ka excited?
Sasandal si Renelyn sa balikat ni Aman.
RENELYN: Kapag matanda ka na, no one can tell you what to do. Pag may pera ka nang ihaharap sa parents mo, wala na 'yan. Rerespetuhin ka na nila like magic.
OWEN: Ewan ko ba sa sangkatandaan. Feeling nila sila laging tama. Hindi ba puwedeng tama rin tayo?
ERIOL: Sasabihan ka ng "inutil" tapos biglang magpapatulong sila sa computer.
SAPPHIRE: Hoy, tama na 'yan. Respect your elders.
AMAN: Respect begets respect. Buti ikaw, Saph, okay ka sa parents mo?
SAPPHIRE: Okay ako sa parents ko.
DIANA: Parents ko, kulang na lang ikulong ako, e.
NIANA: Kaya kailangan ng santa santita points sa kanila. 'Ta 'nyo. Nag-text ako sa parents ni Diana na sabi ko may graduation party tapos kasama ako at sabi ko, I'll make sure na uuwi siya nang okay.
EVON: Kaka-babysit mo diyan kay Diana, di ka na nakatikim ng magic iced tea formula ko.
DIANA: Sakmalin ko 'yang itlog mo, gusto mo?!
EVON: Gago, wag, masakit po!
Babatuhin ni Diana ng lukot na tissue si Evon.
SAPPHIRE: E, pano pala 'yan? So bukas na tayo makakanood ng sine?
MAAN: Meron pa namang mga last full show.
DIANA: Huy, papagalitan na ako niyan—
NIANA: Best, ako bahala, okay?
OWEN: Puwede rin namang bukas na.
MAAN: Sayang opportunity, tunge. I checked the time sa mall sa may Sebastian. May last full show pa ng 9:15 p.m.
AMAN: Tanga?! Seryoso? E di, tara na. Maka-score man lang ng good seat. Para di tayo masyado amoy beer. Baka di tayo papapasukin.
ERIOL: Lakad na lang tayo.
SAPPHIRE: Hanggang San Sebastian?!
ERIOL: Malapit lang 'yon. Fifteen minutes na lakad lang.
SAPPHIRE: Gags, last time na sinabi mong ten minutes lang ang lakad, inabot tayo ng thirty minutes.
RENELYN: Pero ang tanong talaga diyan . . . ba't kayo magkasama?!
Tutuksuhin sina Sapphire at Eriol. Babatuhin lang ni Sapphire ng mani sina Renelyn at Aman, na pinakamalakas mag-"yii."
SAPPHIRE: Nagkita lang kami tapos nagpasama ako!
OWEN: Sa altar ka na magpaliwanag!
ECHO: Akala ko ba pare-parehas tayong mamamtay na singgol, ha, Eriol?! Taksil!
AMAN: Oy, putik kayo, bill out na para makapaglakad!
Si Eriol ang magtataas ng kamay para kuhanin ang beer, habang si Sapphire ang magkokompyut kung magkano ang ibabayad ng isa't isa. Kukuha ng pera ang lahat sa kani-kanilang wallet, saka tatayo at aalis sa Nenang's Karaoke Hub.
Habang papatayo, makikita ni Diana si Ria mula sa malayo, nakatingin nang masama sa kanilang sampu. Iiwasan lang niya 'to ng tingin at mapapalunok.
BINABASA MO ANG
Last Full Show
УжасыKasabihan na ang huwag nang gagala bago mag-graduation kundi may mangyayaring masama. Pero para sa graduating members ng theater club sa San Juan Senior High School, haka-haka lang ito. Magpapasya silang manood sa Teatro Uma, isang di-kasikatang pa...