"Marry me and say I do, or I will end your life Ysolde? You choose!" Maaari nga bang umibig ang isang tao kahit hindi pa man niya lubusang kilala ang taong pinag-uukulan niya ng pagmamahal? Habang bihag ni Antonio Hideo Colombo, hindi rin napigilan ni Ysolde Latorre ang kaniyang puso na umibig sa lalaking dumukot sa kaniya at ikinulong siya sa malayong Isla. Ang galit na kaniyang nararamdaman para sa binata ay unti-unting napalitan ng pag-ibig sa bawat paglipas ng araw na magkasama sila, kahit hindi pa malinaw para sa kaniya kung may pagtingin na rin ba ito sa kaniya. Ngunit hanggang saan ang pagmamahal na kaniyang nararamdaman para sa binata kung isang lihim nito ang kaniyang matutuklasan? Handa nga ba siyang panindigan ang pangako niya ritong mananatili siya sa tabi nito kahit ano ang mangyari? O lilisanin niya ito at pilit na kalilimutan na lamang ang pag-ibig at masasayang alaala na kanilang pinagsaluhang dalawa? *** ❗❗TGF TRILOGY❗❗ TRAPPED: Hideo Colombo Book 1 GRIPPED: Ysolde Latorre Book 2 FREED: Fine Del Gioco Book 3