S1 - Chapter 9: Natutulog na Dragon

558 30 0
                                        

LEEYAM
°•°•°•🌟•°•°•°

"Ayy Palaka!" Tili ko at nagulat sa aking nakita. Agad akong napanganga sa aking nasaksihan. Hindi ako makapaniwala na ang taong hinahangaan ko ay masasaksihan ng dalawa kong mata, nakahubo't hubad sa aking harapan habang nagsha-shower. Kaya sinukluban ako ng kahiyaan.

Shete! My virgin eyes. Wag kang humarap please, hindi pa ako ready na makakita ng isang dragon.

Subalit, napaharap siya akin na lubusang ikinagulat naming dalawa at tinaasan niya ako ng kilay.

Napatakip ako ng bibig sa aking nakita at lihim na napakagat sa aking labi. Natulala nalang ako habang nakatitig sa kanyang katawan.

Shete! Ngayon lang ako nakakita ng hubo't hubad na katawan maliban sa akin sa buong buhay ko.

Bumaba ang aking tingin sa kanyang dibdib at anim na malapandesal na abs. Hindi ko mapigilang matakam. Maganda rin tingnan ang agos ng tubig na dumagosdos sa katawan niya pababa sa pagitan ng kanyang singit.

Hindi ko maiwasang ituon doon ang aking tingin kaya kitang kita ko ang natutulog na dragon na 'di dapat gambalain baka magising.

Napalunok ako at saka mabilis na tinakpan ang mata nang namalayan kong napatagal akong napatitig doon.

Bakit delay ang reaksyon ko sa pagtakip ng aking mata?

Pero in fairness may ipagmamalaki ang lalaking ito. Kaya napailing nalang ako dahil naging green minded na ako.

Natanaw ko sa maliit na butas ng kamay kong nakatakip sa aking mukha ang eksinang pagtakip ni Jeremy sa natutulog niyang dragon gamit ang kaliwang kamay at saka kinuha naman ng kanan niyang kamay ang tuwalya. Itinakip niya iyon doon at saka nagkrus ng kamay sa akin.

"Sorry, hindi ko sinasadya." Paumanhin ko kaagad. Baka masuntok ako ng wala sa oras. Pero sinamaan niya ako nang tingin na nagbigay sa akin ng kilabot.

"Will you please stop your eyes staring my hot body? Alam kong nakatingin ka pa rin kahit nakatakip ka ng mata. Baka matunaw na ako rito." Sita niya sa akin na lubos kong ikinahiya. Napalunok ako ng wala sa oras at itinakip ko nang maayos ang aking kamay sa mukha. Randam kong nangangamatis na yata ang aking ilong dahil nahuli niya ako sa akto.

Ilang segundo ang nakalipas bago ko inalis ang aking kamay na nakatakip. Kailangan kong depensahan ang aking sarili kahit totoo ang sinabi niya.

"Hindi naman kita sinilipan at tinitigan dahil hindi ko sinasadyang makita kita rito. Teka! Bakit ka rito naligo? May sariling bathroom naman sa kwarto ni ate Jessie." Tanong ko kaagad sa kanya habang seryosong nakatingin sa labi niyang nakangisi.

"Kaya huwag kang feeling dahil ang pangit ng katawan mo at saka hindi naman kalakihan ang kargada mo," pagdepensa ko pa at huli na noong namalayan kong nadulas ang aking bibig.

Kaya nanawagan ako na lamunin na lamang ng lupa.

"See, tama ako," ngumisi siya nang nakakaloko samantalang ako ay napapailing.

"Sa tanong mo, I'll just explain it to you later pagkatapos kong mag-shower." Seryoso niyang sabi sa akin na ikinaba ng puso ko.

"And see this," turo niya sa kanyang harapang natabunan ng tuwalya pero bakat na bakat ang bumubukol na parang tent. "Tulog pa 'yan. Paano pa kaya 'pag nagising na." Diin niyang pagkakasabi na nagpailang sa akin. Nawalan rin ako ng lakas na magsalita.

Minabuti ko nalang na tumalikod at mabilis na tumakbo palabas.

Napasandal agad ako sa pader pagkalabas ko. Agad akong napahawak sa aking dibdib at dinama ang malakas na pagtibok ng aking puso.

Ikaw Ang Aking Bituin (BxB) (MPREG)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon