S1 - Chapter 15: Mall

418 22 0
                                        

LEEYAM
°•°•°•🌟•°•°•°

Habang nagwawalis ako sa hagdanan ay nakita ko si Jeremy na may dalang tuwalya. Ibig sabihin makikiligo na naman ito.

Baka sa kwarto ko na naman ito makikiligo.

Palihim ko siyang sinundan. Tumpak! Sa kwarto ko nga siya makikiligo. Haysssss! Buti nalang wala na ako sa kwarto baka makita ko na naman yung dragon niya.

Erase!

Minabuti kong bumalik sa paglilinis. Kakausapin ko nalang si ate mamamaya kung bakit napapadalas na sa banyo ko si Jeremy na makikiligo.

Alas syete ng umaga ako natapos sa paglilinis ng bahay. Medyo pagod ako kaya naisipan kong manuod muna ng palabas sa TV. Pero nagulat ako nang may tumapik sa akin kaya lumingon ako.

Nakita ko si ate Jessie.

"Good morning ate," masayang pagbati ko sa kanya.

"Good morning din Yam, pwede mo ba akong tulungan magluto ng agahan?" Mahinahong pakiusap ni ate na ikinatango ko kaagad at pumunta kami sa kitchen.

"Ate? May tanong lang ako." Ani ko nang magsimulang magluto si ate.

"Ano naman 'yan, Yam?" Tugon niya habang nagpiprito ng bacon.

"Ate, bakit palaging nakikiligo si Jeremy sa kwarto ko?" Curious na tanong ko.

"Ahh akala kung ano. Noong una sira 'yong banyo ko. Ngayon naman ay naliligo pa ako sa banyo at nagmamadali siya dahil may importanteng lakad siya," mahinahong paliwanag niya sa akin.

"Ahhh, nabanggit din niya sa akin na may lakad siya noong nasa apartment pa kami at saka ate pwede namang sabay kayong maligo. Boyfriend mo kaya 'yon kaya okay lang," mapang asar na tugon ko kay ate.

"Baka may mangyari sa amin, amhhh alam mo na." Nahihiyang tugon niya.

"Pakipot ka naman ate, sobrang sweet niyo nga saka diba natural naman yang ginagawa sa magkasintahan," sabi ko kay ate.

"Kung may mangyari man eh wala ka namang matres para mabuntis," dadag ko pa. Kita sa mukha ni ate ang pagbago ng mood niya na may hiya at naasar.

"Dami mong alam ha, satsat ka nang satsat. Aba, Yam akala ko pa naman virgin ka pa eh parang may experience ka na," asar naman ni ate at nakangiti siya nang nakakaloka. Aba, nagantihan agad ako sa pang aasar.

"Ay ate naman curios lang ako at saka virgin pa ako noh," medyo nahihiyang sagot ko at tumawa kami nang malakas. Para kaming baliw.

Nag-vibrate ang phone ko kaya kinapa ko ito at kinuha sa bulsa ko. Kasulukuyan akong nakasakay kay kuya Francis dahil inihatid niya ako ngayon pabalik sa apartment ng boss ko.

"From unknown number," pagkabasa ko sa nag-message sa akin at na curious kaya binuksan ko ang mensahe.

"Good morning, Yam. Hope you're having a great day. Si Gerald 'to," bungad sa akin na message na ikinangiti ko. Si Rald lang pala.

"Good morning din sayo Rald, sa'yo din," reply ko naman sa kanya and immediately saved his number sa contacts ko.

Nag-vibrate naman agad ang phone ko at unknown number na naman.

"Goodmorning Yam, sana maayos na ang gising mo ngayon. Have a nice day. From your handsome nightmare, Rick," agad naman nangunot ang aking noo pagkatapos kong basahin ito. Tsk kabadtrip. Teka bakit may number ito sa akin. Siguro humingi ito kay kuya.

Minabuti ko nalang na hindi ito pansinin. Bahala siya sa buhay niya.

"Yam!" Sigaw ng taong tumatawag sa akin noong nasa tapat na ako ng tarangkahan sa bulding ng apartment. Hinanap ko naman ang boses ng taong tila pamilyar sa akin.

"Oy Rald," nanlaki ang aking mga mata noong malaman ko kung sino ang tumawag sa akin. Kanina lang ka-text ko pa siya tas nandito nakaabang sa akin.

Lumapit siya sa akin hanggang nasa tapat ko na siya. Napatingala ako medyo matangkad si Gerald. Siguro 5'10 ang height niya. Si Jeremy naman pala 5'11 at si Rick naman 5'11 rin. Eh ako, 5'6 lang ang height.

"Busy ka ba ngayon, Yam?" Nakangiting tanong niya.

"Hindi naman masyado, bakit naman?" Curious na tugon ko.

"Labas naman tayo mamayang ala una kung okay lang sa iyo," mahinahong sabi niya at malawak talaga ang kanyang pagngiti. Ang cute na pogi.

"Sure, basta libre mo ha," nakangiti kong tugon. Aba dapat lang.

"Wala nang bawian Yam. Pumayag kana," paninigurado niya sabay hawak sa magkabilang balikat ko.

Hala anong ginagawa mo Rald.

'Yong kamay mo'y nakakapagbigay sa akin ng kakaibang nararamdaman. Pinamulahan agad ako ng pisngi.

"Oo naman," sabi ko na medyo mahina saka inalis na ang kamay niya. Nakahinga na rin ako nang mabuti.

Sinimulan ko na agad ang gawain at tungkulin para may sapat na oras akong makapag-prepare nang mabuti mamaya.

Excited lang ako mamaya. Na miss ko lang lumabas. Matagal na rin na hindi ko iyon nararanasan lalong lalo nang magsimula akong mag-work.

Naka v-neck t-shirt, fitted jeans at sneakers na blue ang suot ko.

Wala talaga akong sense of fashion basta comfortable lang ako sa sinusuot ko ay ayos na para sa akin.

Pagkalabas ko sa tarangkahan ay bumungad sa akin ang isa sa napakagwapong nilalang sa balat ng lupa. Ang pogi niya sobrang bagay ng suot niya basta mamahalin. Medyo nahiya lang ako sa suot ko kaya nakayuko ako habang kami'y nagsimulang maglakad.

Pagkarating namin sa mall ay agad kaming pumunta ticket booth para bumili ng ticket. Manunood muna kami ng sine. Randam kong parang date. Pero baka friendly date lang ito. Kulang nga ng dalawa sina Garey at Sunshine. Kaming apat ang palaging magkakasama noon.

Bago kami pumasok ay bumili muna siya ng popcorn at maaiinum.

Pagkapasok namin ay nakapuwesto na kami sa may gitna. Excited na ako sa romantic movie na pinili ni Rald.

Habang nanunuod kami ay sinusubuan talaga niya ako ng popcorn. Mapilit kasi siya, ang sabi ko sa kanya na kaya ko na pero he insisted.

Habang focus ako sa kanunuod ay may napansin akong gumagalaw na kamay papunta sa aking balikat hanggang nakaakbay na siya sa akin.

Tumaas ang balahibo ko at tiningnan ko naman siya pero focus lang siya sa panunuod. Parang wala lang nangyari.

Tinuon ko nalang ang paningin ko sa movie, namumula talaga ako. Buti nalang hindi siya nakatingin sa akin.

Kakaiba itong lalaking 'to pumaparaan. Pero okay lang dahil nilibre lang naman niya ako. Minsan lang din ito mangyari sa buhay ko.

Hanggang natapos na ang movie ay medyo tulala pa rin ako. Hindi na gaano akong nakafocus sa movie kundi sa pagsandal ko sa kanyang balikat. Hindi ko ini-expect 'yon dahil dinahandahan niya lang na ilapit at isandal ang ulo ko sa kanyang balikat. Hindi na ako umimik kasi gusto ko naman. Ang harot ko na talaga.

Lumabas kami sa sinehan na may ngiti ang labi ko at ang hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman. Nang tingnan ko siya ay abot langit ang kanyang ngiti rin.

Ikaw Rald ha paraparaan ka talaga.

Ilang sandali ay agad niya akong hinila at dinala sa World of Fun dito sa mall. Naglaro lang naman kami ng basketball 'yung magshu-shoot. Napagkasunduan naming dalawa na mag-shoot ng bola sa iisang ring. Sobrang saya talaga at ang galing talaga niyang mag-shoot ng bola dahil isa rin siyang varsity ng basketball sa school.

Nagtagal kami roon saka naglalaro ng iba pang-games. Para kaming mga bata. Na parang sa isang pagkakataon ay bumalik ako sa aking pagkabata na basta enjoy lang.

Pagkatapos ay sinubukan rin namin 'yong machine na makakakuha ka ng stuff toy. Gusto ko talagang makuha si Chopper. Ang cute niya, 'yong nasa One Piece.

Nakailang try ako pero di ko talaga makuha at nang sumuko ako. Si Rald naman ang nag try at suwerteng nakuha niya ito.

Napangiti ako at saka yumakap sa kanya nang mahigpit. Wala na akong pakialam sa tao sa paligid. Sobrang saya ko lang talaga ngayon.

Ikaw Ang Aking Bituin (BxB) (MPREG)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon