S1 - Chapter 22: Sopas

354 28 12
                                    

LEEYAM
°•°•°•🌟•°•°•°


"Mabuti't nagising ka na," bungad ko kay Jeremy na humihikab. Siguro nagising siya noong inilagay ko ang tray sa study table niya.

Sinadya ko talagang tumunog ang paglagay ko. Hindi naman puwedeng hindi kami kumain ng hapunan at saka kanina pa kumakalam ang sikmura ko.

"Heto nga pala, nagluto ako ng sopas para naman magkalaman ang sikmura mo. Alam mo bang nakakagaan ito ng pakiramdam," Naalala ko tuloy noong bata ako kapag ako'y nilalagnat ay hinahandaan ako nila ng mainit na sopas.

"Wala akong ganang kumain, Yam." Mabilis niyang sagot sa akin na ikinakunot ng aking noo.

Aba, Jeremy. Nag-effort akong magluto niyan para sa iyo tas sasabihan mo lang akong wala kang gana. Sana umuwi na lang ako at pinabayaan ka rito. Pero biro lang, hindi kakayanin ng konsensya ko at saka na miss ko nang kumain niyan.

Walang sabi-sabing inilapat ko ang likod ng aking palad sa noo niya.

"Oh, medyo bumaba na ang lagnat mo. Kaya huwag ka ng mag-inarti riyan," seryosong sabi ko at agad ko rin namang inalis ang aking kamay.

Nakita ko namang napabuntong hinga siya at saka gumalaw. Sinubukan niyang itaas ang kanyang katawan papalapit sa headboard ng kama para sumandal. Kita kong nahihirapan siya at hindi ko maintindihan kung bakit ako natatawa.

Ano bang nangyayari sa akin? Bakit ako nagkakaganito?

Maybe naaliw ako sa facial expression niya.

Agad ko naman siyang tinulungon. Naawa ako dahil randam kong nahihirapan siya.

Nang nakasandal na siya nang maayos sa headboard ay agad ko namang kinuha ang bowl ng sopas at ang kutsara.

"Oh, buksan mo na ang bibig mo at kainin ito," ang sabi ko sa kanya noong matapos kong hipan ang sopas na nasa kutsara. Agad siyang umiling kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Huwag kanang mag-abala. Ako na, kaya ko na 'yan." Tumango nalang ako at pabayaan nalang siya. Kung 'yan ang gusto niya.

Ibinigay ko naman kaagad ang bowl sa kanya ngunit nang mahawakan niya ito ay muntik nang matapon sa kanya. Mabuti na lamang ay alisto ako, agad kong nasalo at nasuportahan ang bowl. Huminga ako nang malalim at kinuha ang bowl.

"Oh, muntik nang matapon. Oh sha, buksan mo na ang 'yang bibig mo. Huwag kang iiling-iling diyan dahil kukurutin ko iyang tagiliran mo." Napangiti ako nang dahan-dahan niyang ibinukas ang kanyang bibig. Inilapit ko naman ang kutsara sa kanyang bibig. Siyempre hinipan ko iyon. Napangiti ako nang isinubo niya ang sopas at kinain.

"Thanks," tipid na sabi niya sa akin nang matapos ko siyang mapainom ng gamot.

"Walang anu man. I'm happy na napatawad mo ako kaagad. Thank you so much dahil naging maayos-ayos na ang kalooban ko." Ngumiti siya sa aking binitawan na salita at tumango.

"Oh, magpahinga kana para gumaling kana bukas at makapasok na ulit. Dami mong na-miss na mga gawain. Huwag kang mag-alala dahil pahihiramin kita ng notes," mahinahong sabi ko sa kanya at agad tumayo para ihatid ang baso sa sink.

"Wait Yam, bakit mo ginagawa ito sa akin?" Napailing naman ako.

"Ginawa ko ito dahil may kasalan rin ako sa iyo kung bakit ka nagkaganito. Saka hindi ko naman kayang pabayaan at iwan ka dito mag-isa na may lagnat."

"Ganoon ba, thanks ulit." Sabi niya na nagpakunot ng aking noo.

Bakit naman ganoon ang kanyang sagot. May gusto ba siyang ibang marinig sa akin? Ewan, weird dahil hindi ko maintindihan kung ano ang kanyang ibig sabihin.

Ikaw Ang Aking Bituin (BxB) (MPREG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon