LEEYAM
°•°•°•🌟•°•°•°
Ngayon ang araw ng orientation naming mga Senior High School student dito sa loob ng gymnasium. Hindi pa nag-umpisa ang programa ay marami ng estudyanteng naghihintay.
Kaming mga HUMSS student ay naka-upo sa gitnang bahagi at masaya ako na katabi ko sina Miggy at Sunshine. Sa wakas nagkita na rin kami ng matalik kong kaibigan na naging busy noong nanalo siya bilang Miss KaGayndahan.
Si Jeremy naman na aking boss ay nakaupo malapit sa barkada niya na halos mga STEM student.
Nang mag-umpisa ang orientation ay minabuti naming makinig muna hangang hindi na namin maiwasang magkuwentuhan. Minsan napapatingin nalang ang ibang estudyante sa aming kadaldalan at noong matapos ang orientation ay ang pagtapos din ng kuwentuhan namin.
"Yam. Sunshine." Napalingon ako sa pamilyar na boses na aking narinig. Kakatapos lang ng orientation at ang ibang estudyante ay nagsialisan na dito sa gymnasium.
"Garey?" Napangiti ako nang tumango siya. Nang makalapit na siya sa aming inuupuan ay agad kaming nagyakapan. Sunod naman niyang niyakap si Sunshine. Hindi ko talaga inaasahang dito rin pala siya nag-senior high.
"Kamusta na kayo?" Bati niya sa amin.
"Heto, okay naman kami. Ikaw?" Sabi ko at agad kaming umupo saglit.
"Same pa rin," sagot niya na ikinangiti namin. Maganda na gwapo tingnan si Garey. Minsan napagkakamalan na rin siyang babae. Kulang nalang magsuot siya ng wig o hair extension, babaeng babae na siya. Siya ay maputi at sobrang kinis ng kutis. Natural na natural na walang halong kemikal kaya super blessed niya. Tawag sa katulad niya ay isang androgynous. Naiinggit nga kami ni Sunshine sa kanya before but now, tanggap ko na katamtaman lang ako pero ewan ko lang kay Sunshine.
"Hindi ka pa rin talaga nagbabago." Komento ko at ngumiti lang siya sa akin.
"By the way Garey, siya nga pala ang bago naming kaibigan si Miggy." Pagpapakilala ko kay Miggy sa kanya.
"Miggy, siya nga pala si Garey Salvador ang matalik naming kaibigan ni Sunshine sa Junior High." Nagngitian silang dalawa at nakipagkamay sa isa't isa. Agad namang nagkasundo sina Miggy at Garey na lubos naming ikinatuwa.
Napag-alaman namin na ABM strand ang kinuha ni Garey though magkakalapit lang naman ang mga buildings ng HUMSS, STEM, ABM, at GAS. Kaya magkikita parin kami kapag lunch o breaktime.
Nang matapos kaming mag-usap ay napagpasyahan naming lisanin ang gymnasium at agad na pumunta sa cafeteria para mag-lunch. Pagkarating namin doon ay humanap kami kaagad ng bakanting mauupuan.
Ilang saglit lang ay agad kaming nakahanap at inilapag namin ang aming dala sa mesa. Nagpaiwan muna doon si Miggy at Sunshine dahil kami lang ni Garey ang bibili ng kakainin namin. Mataas kasi ang linya.
Habang nakalinya ay may tumawag kay Garey. Nabigla ako kasi alam ko ang boses na iyon at natigilan saglit.
"Nandito kalang pala insan. Kanina pa kita hinahap, sumabay kanang kumain sa akin kasama ang tropa ko." Magiliw na sabi ng lalaki kay Garey kaya nang tingnan ko ang mukha ng lalaki ay nawala agad ako sa mood. Umukit agad ang hinanakit ng aking puso sa mukha.
Tsk, dito siya nag-aaral?
"Ay sorry insan, kasama ko kasi si Yam." Pagkarinig ko niyon ay napayuko ako kaagad. Napakagat nalang ako sa ibabang labi.
Shete! Sinasadya mo ba ito Garey porket magpinsan kayo.
Hindi dapat ako magpa-apekto. Kaya dahan-dahan akong humarap sa kanila at nakangiti nang hilaw.
BINABASA MO ANG
Ikaw Ang Aking Bituin (BxB) (MPREG)
RomanceBxB | MPREG Ang kwentong ito ay umiikot sa buhay ni Yam. Siya'y isang tao na may malalim na pinagdaanan sa nakaraan. Karanasang nakaukit pa rin sa kanyang puso't isipan hanggang ngayon. Kamusta na kaya ang buhay niya ngayon? Aayon na kaya sa kanya a...
