LEEYAM
°•°•°•🌟•°•°•°Naging mabagal ang usad ng aking paglakad patungo sa crush ko. Parang hihimatayin ako sa kilig nang maramdaman kong palapit nang palapit na ako sa kanyang kinatatayuan.
Natigil ako saglit nang napatingin siya sa gawi ko. Saglit akong natulala nang ngumiti siya at tila tumigil ang mundo ko.
Randam ko ring pinamulahan ako ng pisngi. Agad ring umukit sa aking labi ang matamis na ngiti at bumilis bigla ang tibok ng puso.
Napakapit ako sa aking dibdib nang ibinalik niya ang tingin sa kinakausap niya. Agad akong napayuko at napapikit ako nang may ngiti. Kiniliti ang puso ko.
Grabe ka Jeremy. Ang lakas ng epekto ng ngiti mo sa akin. Ngiting nakakahumaling. Sobrang nakakabaliw.
Nang ibinalik ko ang tingin sa kanya ay nilakasan ko ang aking loob na magsimulang maglakad ulit.
"Wait, ano ba ang itatawag ko sa kanya?" Tanong ko sa aking isipan habang pasulyap-sulyap sa kanyang mukha.
Napangiti bigla ako sa aking naisip. "Ano nga ba? Hmmm, babe?" Napakagat agad ako sa aking labi. Nababaliw na yata ako.
"Kung love? Mahal? Mahal ko?" Napailing at napangisi ako at the same time sa kalokohang naiisip ko.
Eksaktong natapos sila sa pag-uusap nang makarating ako tabi nila. Ngumiti ako nang maganda pero hindi ko magawang makatingin sa lalaking nakatingin sa akin. Bigla akong sinukluban ng hiya.
"Are you okay, miss?" Napatingin bigla ako sa nagsalita. Pinamulahan agad ako sa aking pisngi at tainga. Napakagat din ako sa aking labi. Ang lapit-lapit niya sa akin.
Napatango ako nang wala sa sarili at nawalan ng lakas na magsalita.
"Akala ko nakakita ka ng multo." Napangiti nalang ako nang mahina siyang natawa.
Napabalik ako sa aking huwisyo. Namalayan ko ring wala na ang kausap niya. Ibig sabihin kami nalang dalawa. Napabungisngis ako nang mahina.
"Miss, why are you giggling?" Sumeryoso bigla ang tingin niya sa akin kaya natigil ako. Bigla akong nahiya.
Baka akalain ni Jeremy na baliw ako. Malaking pagkakamali. Baka ma-turn off siya sa akin.
"May naalala lang ako. Pasensiya kana, sir." Palusot ko na ikinatango niya. Nahuli ko ring inilagay niya ang kanyang magkabilang kamay sa magkabilang bulsa ng pants niya.
"Ahh, sir?" Nahihiyang tawag ko sa kanya.
"Jeremy nalang itawag mo sa akin miss. Masyadong nakakatanda ang sir," malumanay na tugon niya na ikinabilis bigla ng tibok ng puso ko. Napalunok din ako nang wala sa oras dahil napakalambing ng kanyang boses.
"Jeremy? Pwe–de bang magpa–pa–picture sa iyo?" Nauutal na tanong ko sa kanya dahil sinukluban ako ng sobrang hiya.
Pilit kong kinakalma ang aking sarili. Yam umayos ka. Para kang tanga.
"Sure," tugon niya na sinabayan ng munting tawa na ikinangiti ko. Inayos niya kaagad ang kanyang sarili na ikinataka ko.
"Ano pang hinihintay mo?" Nagtatakang tanong niya sa akin. Nanlaki naman ang aking mata.
BINABASA MO ANG
Ikaw Ang Aking Bituin (BxB) (MPREG)
RomanceBxB | MPREG Ang kwentong ito ay umiikot sa buhay ni Yam. Siya'y isang tao na may malalim na pinagdaanan sa nakaraan. Karanasang nakaukit pa rin sa kanyang puso't isipan hanggang ngayon. Kamusta na kaya ang buhay niya ngayon? Aayon na kaya sa kanya a...