LEEYAM
°•°•°•🌟•°•°•°
"Pwede mo ba akong tulongan na magkabati at magkabalikan kami ng ate mo?"Napako ako sa aking kinatatayuan na parang nabara ang aking lalamunan. Hindi ko alam kung ano ang aking dapat isagot.
"You said yes awhile ago. I know na kaya mo naman ang favor ko. Right? Kaya wala nang bawian. Sige Yam, thanks. I've gotta go." Napakagat nalang ako sa aking labi.
Ang tanga ko talaga. Bakit ba ako umoo kaagad ni hindi ko pa nga alam kung ano ang favor niya.
Nakakainis! Ibig sabihin ay didikit na naman ako sa kanya. Kakainin ko naman ang mga binatawan kong mga salita. Huwag naman sana. Hindi pwede, I need to do something.
Nang akmang lilisan na siya ay mabilis kong hinawakan ang kanang braso niya.
"Sandali." Ibinaba ko ang aking pagkakahawak papunta sa kanyang kamay. Nang mahawakan ko iyon ay agad ko siyang hinila at pumasok kami sa cubicle. Agad kong ini-lock ang pinto.
Nagtataka naman siyang nakatingin sa akin.
"Makinig ka Jeremy, gusto man kitang tulongan pero hindi ko kaya." Nakita kong nangunot ang kanyang noo.
"Bakit hindi mo kaya Yam?" Tanong niya.
Grabe, titig na titig siya sa akin. Nakakailang naman.
"Personal reasons, Jeremy. Pero sasabihin ko sa iyo ang isa sa dahilan. Isa na rito ang ikinakatakot ko na baka ma-misinterpret ni ate ang lahat. Pwede naman kitang tulongan ngunit hindi sa lahat ng bagay. One thing, kung mahal na mahal ka talaga ni ate ay mapapatawad ka niya. Alam kong mahal na mahal mo si ate kaya ipakita mo sa kanya na deserve mo na magkabalikan kayo," seryoso kong sabi sa kanya at hindi ko malaman kung bakit bigla nalang akong napahagulgol sa pahayag ko.
Napaisip tuloy ako kung kailan ba ako buong mapapatawad ni ate.
Nagulat ako nang namalayan kong mahigpit na akong nakayakap sa kanya. Hindi ako aware na napayakap na pala ako. Hindi ko rin mawari kung bakit ako yumakap sa kanya at ang nakapagpatindig ng balahibo ko ay nakapagdulot ito ng kaginhawaan sa aking naramdaman.
Siguro nadala lang ako sa matinding emosyon na aking nararamdaman kung kaya nagawa kong yakapin siya.
Naramdaman ko rin ang pagtapik ng kanyang palad habang ako'y nagkukwento. Hindi ko kasi mapigilang ikuwento sa kanya ang pang-iiwas ni ate sa akin.
"Sorry," marahan akong kumalas at kumuha ng panyo sa bulsa para punasan ang aking mga luha.
"It's okay. Naiintindihan ko na." Mahinahon niyang sabi at bakas sa kanyang mukha ang pagkaawa sa akin.
"One more thing, can we act as a stranger dito sa loob at labas ng school? We can still talk katulad ng mga importanteng bagay. Huwag kang mag-alala dahil papansinin pa naman kita sa pamamagitan ng pagtango at pagngiti. You can chat, call, and text me pa rin, doon mo nalang ako kontakin if need mo na talaga ng tulong sa akin. I hope you will understand, pasensiya na." Mahabang paliwanag ko sa kanya. Bakas rin sa kanyang mukha ang pagkagulat at naramdaman ko naman siyang nalungkot at the same time dismayado.
"Please Jeremy, para ito sa ikakabuti nating dalawa and salamat." Nakahinga naman ako nang maluwag noong binigyan niya ako ng daan palabas sa cubicle. Naiiwan pa rin siya roon.
I think tama naman iyong desisyon ko. It's time para naman sa aking sarili. Hindi ko kakainin yung mga salita ko. Happy rin naman ako sa aking desisyon.
Magaan ang loob kong lumabas sa comfort room at agad tinahak ang daan pabalik sa classroom namin. Mabilis dumaan ang oras at natapos na rin ang huling subject namin.

BINABASA MO ANG
Ikaw Ang Aking Bituin (BxB) (MPREG)
RomansaBxB | MPREG Ang kwentong ito ay umiikot sa buhay ni Yam. Siya'y isang tao na may malalim na pinagdaanan sa nakaraan. Karanasang nakaukit pa rin sa kanyang puso't isipan hanggang ngayon. Kamusta na kaya ang buhay niya ngayon? Aayon na kaya sa kanya a...