LEEYAM
°•°•°•🌟•°•°•°"Hu-uw-wag mo ak-kong i--wan ul--lit," nahihirapang sabi sa akin na nagpatindig ng balahibo ko.
Hindi ko magawang makapagsalita sa aking narinig sa kanya. Nakatikom ang aking bibig dahil ako'y naguguluhan kung bakit niya nasabi iyan.
Laking pasalamat ko nang maramdaman kong bumitaw na siya sa paghawak sa akin.
"Wait ka lang diyan, babalik lang ako," mahinang sabi ko sa kanya. Sapat na iyon para marinig niya. Hindi na ako naghintay sa kanyang sagot at agad kumuha ng bimpo at tubig.
Nang makompleto kong makuha ang kailangan ko ay agad akong bumalik at isinagawa ang dapat kong gawin.
"Hays, ang gwapo mo pa rin Jeremy," mahinang sabi ko sa kanya habang nakatitig sa kanyang maamong mukha.
Ako'y nakatitig ng mga ilang minuto hanggang napagdesisyunan kong linisin ang mga kalat.
Nakahinga ako nang maluwag nang matapos kong ligpitin lahat ng nakakalat. Nakaramdam naman ako ng pagod kaya minabuti kong magpahinga kaya umupo ako sa sofa.
"Babe?" Rinig kong sabi ni Jeremy kaya nataranta ako dahil baka nandito si ate.
Shete! Patay ako nito.
Agad akong kumaripas nang takbo papunta sa bathroom para roon magtago.
Malakas ang dagundong ng aking puso. Para akong aatakahin sa sobrang kaba.
"Babe, Jes? Nasaan ka?" Ang narinig ko. Napakagat ako ng aking labi at mas lalo akong kinabahan.
Shete! Todo ang pokus ko na hindi makagawa ng ingay.
"Babe, asan ka? 'Wag naman ganito, please." Napatakip ako ng aking bibig sa hagulgol ni Jeremy. "Kani-kanina lang, ramdam ko ang pag-aalaga mo sa'kin," dagdag pa niya.
Nakahinga ako nang maluwag dahil parang nabunutan ako ng tinik ngunit makalipas ang ilang segundo ay nakaramdam ako ng lungkot at pagkadismaya.
I thought ako yung sinabihan niya kani-kanina lamang. Akala ko dahil iyon sa aking pag-alis kung kaya nasabi niyang huwag ko na siyang iwan ulit. Assuming lang pala ako at napagkamalan lang pala akong si ate Jessie.
Ano nga ba ako sa kanya?
It's okay lang dahil ang sadya ko kung bakit pumunta rito ay para humingi ng tawad but I think hindi ito ang tamang panahon. Gusto ko nang umiwi.
Mabilis akong lumabas sa bathroom at agad tinungo ang sofa para kunin ang gamit ko. Nang makalabas na ako sa pintuan sa room ng apartment niya ay nakarinig ako ng malakas na kalabog at ako'y kinabahan.
May ghad, baka si Jeremy iyon at kailangan kong bumalik. Baka napano na siya.
Mabalis akong pumasok at sa pagpihit ko ng pinto ay bumungad sa akin ang nakabulagtang si Jeremy. Agad ko man siyang tinulungon. Dahan-dahan ko siyang ibinalik sa higaan.
Ang bigat niya.
Kinaya ko naman ang bigat niya and successfully naibalik ko siya sa kama.
"Babe, you're back. Salamat, hindi mo ako iniwan ulit. I love you so much." Nangunot ang aking noo.
Ano ang sinasabi niya? Iniwan ba siya ni ate?
Kung iniwan siya ni ate, ibig sabihin nakipaghiwalay si ate dahil sa nagawa ko kay Jeremy.
Napahawak agad ako sa aking dibdib. Ang higpit ng aking dibdib.
Ang sama kong kapatid. Kasalan ko talaga ito.
Naramdaman ko nalang na nagsiunahang bumaba ang aking luha.
"Sorry," mahinang sabi ko ngayon sa nakahiga na si Jeremy. Hoping, narinig niya iyon.
"Babe, tabihan mo ako. Gusto kitang yakapin para ipadama sa'yo na mahal na mahal kita." Kumirot ang aking puso sa sinabi niya.
Napagtanto ko na una palang ay maling-mali na pala na naging crush ko si Jeremy hanggang minahal ko na siya. Hindi magkakaganito ang love story nila ate kung hindi ko sana nakilala si Jeremy.
"Babe, I'm sorry sa nagawa ko. It's just nadala lang ako noong hinalikan ako ni Yam. Masakit lang isipin na hindi mo pinakinggan ang paliwanag ko at bigla-bigla ka nalang nagdesisyon na makipaghiwalay sa akin. Ang sakit babe but sobrang happy ko na bumalik ka." Nanginig na ako at napatakip sa aking mukha. Hindi ko maiwasang mapaluhod. Hindi ko rin mapigilang mapahagulgol sa mga narinig ko.
Sa bawat salitang binabanggit ni Jeremy ay parang sinasaksak ang aking puso nang paulit-ulit.
"Babe, forgive me. Hopefully, maayos pa natin ang relasyon natin." Tumayo ako at agad umupo sa dulo ng kama.
"Jeremy si Yam 'to. Patawarin mo ako, it's my fault not yours." Sabi ko sa kanya at patuloy pa ring umaagos ang aking luha.
Natanaw kong dahan-dahang inimulat niya ang kanyang mata at bigla lamang nanlaki.
"Yam?" Taka niyang sabi.
"Oo Jeremy, nandito ako para humingi ng tawad sa nagawa ko." Malungkot na sabi ko.
"Nasaan si babe, si ate Jessie mo? Kasama mo siya?" Tanong niya agad na ikinailing ko.
"Ako lang mag-isa Jeremy."
"So, ikaw ang nag-asikaso sa akin?" Tumango ako. Nalungkot tuloy siya.
"It was also my fault, Yam. Tumugon ako na dapat hindi. Inaamin ko noong naglapat ang ating labi ay may nararamdaman akong kakaiba na nagtulak sa akin na gawin 'yon. Maybe, unti-unti na kitang nagustuhan simula noong magkasama tayo rito sa apartment and it's so wrong dahil mahal na mahal ko ang ate mo." Nagulat ako sa rebelasyon niya.
So, nagustohan niya ako pero mahal niya si ate. It's so complicated. Hirap i-process sa aking utak.
Bigla akong naawa sa kanya dahil bigla siyang humahagulgol. Medyo nataranta ako kung ano ang aking gagawin para pakalmahin siya.
Maybe pabayaan ko nalang siya. Ang bad ko naman kapag gagawin ko iyan.
Buo ang aking loob na yakapin siyang walang pag-aalinlangan. Tinatapiktapik ko rin ang likod niya para na rin ma-ease ang sakit na dinadamdam niya.
Ginawa ko ito dahil nakonsensiya ako at the same time naawa ako sa sitwasyon niya.
Walang halong malisya.
Hindi ko namalayang alas siyete na pala ng gabi noong tingnan ko ang phone ko. Nakita ko rin ang text ni ate Belle kung bakit hindi pa ako nakauwi. Tiningnan ko ang mahimbing na natutulog na si Jeremy. Naawa ako dahil walang mag-aasikaso sa kanya.
Bigla akong nadismaya dahil agad nag-expired ang load ko.
Shete! Wrong timing.
Hihintayin ko nalang na tumawag si ate.
Nang tumawag na si ate sa akin ay napakagat ako sa aking labi.
"Yes ate, bukas nalang ako uuwi. Pasensiya na ate, hindi ko nasabi ito sa iyo kaagad na may group project kaming tatapusin ngayon at sa tingin ko matatagalan akong makauwi." Medyo kinakabahan kong sabi sa kabilang linya. Hirap palang mag-sinungaling.
"Ahh sige mag-ingat ka Yam. Ipapasundo nalang kita kay ate Jessie mo bukas. Nasaan kaba ngayon?" Bigla akong nasamid sa sinabi ni ate. Mas tumaas ang aking kaba. Shete! I need a palusot.
"Ahh eh ate, huwag na. Kaya ko nang umuwi mag-isa.
"Okay, ingat ka Yam." Nakahinga rin ako nang maluwag.
May ghad! Muntik na ako.
BINABASA MO ANG
Ikaw Ang Aking Bituin (BxB) (MPREG)
RomanceBxB | MPREG Ang kwentong ito ay umiikot sa buhay ni Yam. Siya'y isang tao na may malalim na pinagdaanan sa nakaraan. Karanasang nakaukit pa rin sa kanyang puso't isipan hanggang ngayon. Kamusta na kaya ang buhay niya ngayon? Aayon na kaya sa kanya a...