S1 - Chapter 44: Pagsuko

366 17 0
                                    

LEEYAM
°•°•°•🌟•°•°•°

Lumaban ako kahit na mali. Kahit na talo pa rin ako. Kahit wala nang kasiguraduhan ang relasyon na ito. Kahit na sobrang gulo at komplikado na rin.

Kasi hindi ko naman mapipigilan ang aking sarili na lubos ang pagmamahal sa lalaking ito kahit matinding pasakit ang idinulot at pinadama niya sa akin.

Nasabi na rin niya sa akin na siya ay naipit lang ng sitwasyon. Na siya ay ipinagkasundo ng kanyang magulang kung kaya wala na siyang nagawa pa kahit labag iyon sa kanyang kalooban.

Sabi rin niya sa akin na gagawa siya ng paraan. Maghintay lamang ako. Na ako'y kakapit at hindi susuko.

Alam ko rin na naging mali ako dahil sa pag-conclude ko kagad sa kanya na siya ay nagtaksil. Hindi ko naman masisi ang aking sasarili.

Aminin man o hindi, hindi rin natin mapipigilan ang ating sarili na maging ganoon kapag nasaksihan natin ang ganoong pangyayari.

Gayon paman ay mas lalo kong na-realize na mali palang manghusga agad without knowing the story behind it.

Nang dahil doon ay naintindihan ko na hindi palaging masaya ang pag-ibig. Minsan masakit at minsan ay masaya. Depende nalang kung ano ang inilaan ng tadhana.

Speaking of that, matapos noong may nangyari sa amin ay mas lalong lumalim ang pagiibigan namin. Pag-iibigang patuloy pa rin na umuusbong sa kabila ng unos na dumaan.

Nang dahil diyan tila bumalik ang saya at sigla ng aking sarili sa mga nagdaang araw.

Ngayong araw ay kasulukuyan kaming nandito sa maliit na siyudad dito sa lugar na ito. Galing kasi kami sa simbahan kani-kanina lamang at napagkasunduan namin ngayon na mamasyal at lumabas to spend time sa mga oras na hindi kami nagkasama.

Isang kainan ang huli naming destinasyon bago umuwi. Nagugutom na kasi kami dahil wala pa kaming agahan.

"Ano ba Jeremy, umayos ka nga." Sita ko kaagad sa kanya at pinagtaasan ng kilay dahil nairita na ako.

"Yam naman ayaw ko lang na may ibang lalaking nakatingin sa iyo." Biglang nag-iba ang timpla ng mukha ko sa tugon niya.

"Gago ka talagang lalaki ka! Sige ka kapag hindi ka tumigil ay iiwan kita rito." Tumahimik siya bigla sa banta ko saka agad niya akong sinubuan ng pagkain.

Ngumanga nalang ako at kinain iyon. Hindi rin ako nagpatalo at sinubuan ko rin siya pabalik.

Nakikita ko namang bumabawi ang boyfriend ko na labis kong ikinasaya na kahit medyo naiinis ako dahil ganoon pa rin siya na sobrang possessive pa rin sa akin. Pero kahit ganoon ay randam na randam ko na mahal na mahal niya ako.

"Honey!" Agad nakuha ang aming atensyon at laking pagkagulat ko sa boses na aming narinig. Hindi rin nakaligtas sa akin ang pagkabigla ng boyfriend ko nang sumulpot ang fiance niya na lubos kong kinatatakutang makita. Idagdag pa na kasama pa nito si madam na mommy ni Jeremy.

Kakaiba ang mga titig nila sa akin kaya mas lalo akong sinukluban ng matinding takot na may pinaghalong kaba.

Lubos rin ang aking pagtataka dahil lihim lang naman ang pagkikita namin ngayon ng boyfriend ko.

Bakit kaya alam nila na nandito kami?

Kaya hindi maiwasang pagpawisan ang aking noo sa mga oras na ito. Hindi rin maiitago sa mukha ni Jeremy ang kaba sa ano mang mangyayari ngayon.

"Pagkakataon nga naman. We're also going to eat here at agad kang nakita ka ni Timothy. Ang talas ng kanyang paningin. I'm impressed!" Mahinahong wika ni madam habang nakatingin sa kanyang anak.

Ikaw Ang Aking Bituin (BxB) (MPREG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon