LEEYAM
°•°•°•🌟•°•°•°
Sobrang saya ko na naging maayos at maganda ang sumunod na araw noong naging opisyal na kaming magkasintahan. Sobrang sweet niya siya akin, hatid sundo niya ako, at sabay kaming kumain.
Tanggap ko rin kagaya kay ate na tago rin ang relasyon namin sa school.
Subalit, ang ikinainis ko lang sa kanya ay minsan nabibigla nalang akong nagagalit siya dahil daw may nakatitig sa aking ibang lalaki o may lumapit lang sa akin na lalaki kaya napapaaway kami kapag nasa loob na kami ng sasakyan niya o sa apartment. Katulad nalang ngayon.
"Jeremy sumusubra kana kanina ha," bungad ko sa kanya noong nakapasok na kami sa tinutuluyan niyang apartment.
"Alam mo naman Yam, na ayaw kong nilalapitan ka ng ibang lalaki." Napangiwi nalang ako sa aking narinig.
Napakaseloso niya, may tinanong lang ang lalaki sa akin kanina patungkol sa daan ay agad niya akong binakuran.
Nahiya tuloy ako sa lalaki. Doon nagsimula ang maliit na away namin ngayon.
Sabi ko nga hindi na ito bago sa amin at parang nakagawian na naming magtalo kapag naging ganyan siya.
Gayon paman sa maliit naming pagtatalo ay mas lalo naming minahal ang isa't isa. Tila pinapatibay nito ang aming relasyon dahil mas lalo naming nakilala at natutuklasan ang ugali at sarili ng bawat isa sa amin.
"Nakakairata kana Jeremy, sobra na ang pagiging seloso mo o pagiging-possessive." Galit na wika ko sa kanya habang naka-upo sa sofa.
Siyempre, hindi ako magpapatalo sa kanya kaso tinaasan niya lang ako ng kilay.
"Yam, I'm your boyfriend and you're mine. Nor-"
"Na normal lang iyon sa inyong lalaki. Jeremy naman, paulit-ulit nalang yang paliwanag mo." Napakapit nalang ako sa aking dibdib at huminga nang maluwag. Iyan kasi ang palagi niyang sinasabi sa akin at hindi ko na ma-take.
"Hay nako! Makakatikim ka talaga sa akin kapag inulit mo pa iyan." Banta ko nalang sa kanya. Napataas nalang ang kilay ko nang ngumisi siya bigla sa akin.
"Seriously? Hmmm, parang gusto ko pang ulitin para matikman kita," sabi niya saka ako dinaganan agad rito sa sofa.
"Loko ka talaga Jeremy, manyak talaga 'yang pag-iisip mo. Hindi iyan ang ibig kong sabihin. Umalis ka nga riyan." Sita ko sa kanya habang tinutulak siya palayo sa akin.
"Yam, kailan pa kaya kita matitikman?" Mapang-akit na tanong niya sa akin.
"Sa tamang panahon Jeremy, hintay kalang. Aabot rin tayo sa ganyan."
"Pakipot kapa, eh kung makahalik ka nga sa akin ay parang wala nang bukas. Binibitin mo ako palagi Yam. Hindi mo ba napapansin? Manhid ka ba?" Pahayag niya sa kanyang damdamin.
"Aba Jeremy, ikaw kaya itong nag-uumpisa ng halikan natin."
"Ahh!" Napaungol nalang ako dahil hinalikan niya ako sa leeg. Kaya minabuti kong lakasan ang pagtulak sa kanya.
"Hindi mo na ba ako mahal Yam?" Wika niya na ikinatawa ko.
"Mahal na mahal."
"Ganoon naman pala, gawin na natin." Nangunot agad ang noo ko.
"Sa tamang panahon, Jeremy. Aabot rin tayo riyan. Please be patient. Hindi naman gaanong importante sa isang relasyon ang pagtatalik. Ang mas importante ay ang patuloy na pagkinang ng pagmamahalan natin sa isa't isa. Naiintindihan mo ba ako." Mahabang paliwanag ko sa kanya para siya mahimasmasan.
BINABASA MO ANG
Ikaw Ang Aking Bituin (BxB) (MPREG)
RomantikBxB | MPREG Ang kwentong ito ay umiikot sa buhay ni Yam. Siya'y isang tao na may malalim na pinagdaanan sa nakaraan. Karanasang nakaukit pa rin sa kanyang puso't isipan hanggang ngayon. Kamusta na kaya ang buhay niya ngayon? Aayon na kaya sa kanya a...
