LEEYAM
°•°•°•🌟•°•°•°
"Magaling Mr. Encarnacion at Mr. Tamala. Napakahusay!" Ang sabi ng guro namin pagkatapos naming mag-report na lubos kong ikinangiti dahil nagbunga ang pinaghirapan namin.
Pagkatapos ay bumalik na kami agad sa aming upuan dahil may iaanunsyu pa ang guro namin bago matapos ang klase.
Nakahinga ako nang maluwag nang lumabas na ang guro namin. I did not expect na magaling pala mag-report si boss. Napahanga at napanganga nalang ako kanina dahil ang ganda ng pagpapahayag at pananalita niya sa aming ulat. Napansin ko rin kanina na lahat ng mga kaklase namin ay nakatuon lang ang atensyon nila kay Jeremy. Kapag turn ko naman na mag-ulat ay parang wala lang sa kanila.
"Baks! Kanina pa kita tinatawag. Are you fantasizing me?" Napabalik ako sa aking diwa sa narinig kong may nagsalita. Napailing rin ako sa sinabi niya.
Hindi ko namalayan na kami nalang palang dalawa ang naiwan dito sa classroom.
"Ay hala pasensiya na po may iniisip lang boss at linawin ko lang ha na hindi po kita pipantasyahan," ang seryosong wika ko sa kanya pero nang tingnan ko siya ay nakataas lang ang kanyang kilay. Tumayo nalang ako at pumunta sa likuran niya.
"Bakit nandiyan ka sa likuran ko? Tabihan mo ako," maawtoridad na wika niya. Bigla niya akong hinatak papalapit sa kanya at inakbayan.
Tumaas ang mga balahibo ko nang gawin niya iyon. I did not expect that coming. Naramdaman ko namang nagsitaasan ang dugo ko papunta sa aking mukha dahil napansin kong namumula ang aking pisngi.
Jeremy huwag naman ganito, please. Kaunti nalang baka hindi ko na mismo mapigilan ang aking sarili. Marupok kaya ako.
Habang kami ay naglalakad, bigla nalang pumasok sa aking isipan ang paghihinayang dahil gusto ko sanang sumama kina Sunshine, Miggy, at Garey na gumala mamayang hapon para magbonding rin kami. Niyaya nila ako kaninang umaga pero hindi ako pinayagan ni Jeremy dahil napapadalas na raw ang aking paggala. Kaya tinanggihan ko sila at nag-alibi na lang ako na may importanteng gagawin kami ng boss ko. Mabuti nalang naintindihan nila ito.
Namalayan ko nalang na malapit na pala kami sa cafeteria. Nakayuko lamang ako habang naglalakad dahil sa mga matutulis na tingin na ipinupukol ng ibang mag-aaral sa akin.
Mabuti nalang inalis ni Jeremy ang pag-akbay niya sa akin nang makarating kami sa loob ng cafeteria. Nakahinga rin ako nang maluwag nang gawin niya iyon. Sobrang awkward lang talaga ang pag-akbay niya sa akin kanina.
Iginala ko ang aking tingin at nakita ko ang kanyang barkada at kasama na roon si Gerald na nakangiting nakatingin sa akin.
Pumunta kami sa pwesto nila at saka umupo. Katabi ko si Gerald sa left side at si Jeremy naman sa right side. Nasa gitna ako at ang awkward talaga. Katapat namin ang mga gwapong kaibigan nila.
"Bro, sino itong kasama mo?" Bungad naman ng isang gwapong lalaki kay Jeremy.
"Si baks, my katulong and personal assistant," tugon niya sa kaibigan niya at napailing ako. Ngumisi nalang ako sa kanila dahil nahiya ako.
"Brent pala," wika ng lalaki sabay lahad ng kanyang kamay at nagshake hands kami.
"Joseph." wika naman ang katabi ni Brent na katapat ko.
"Angelo." Wika naman ng isa.
"And last but not the least si Gerald nga pala," pang aasar ni Rald sa akin kaya nangunot ang aking noo.
"Loko ka Rald," sabi ko at agad tumawa siya sa akin.
"Heto naman nagbibiro lang, Yam." Nagpa-cute naman siya sa akin kaya di ko maiwasang mapatawa.
BINABASA MO ANG
Ikaw Ang Aking Bituin (BxB) (MPREG)
RomanceBxB | MPREG Ang kwentong ito ay umiikot sa buhay ni Yam. Siya'y isang tao na may malalim na pinagdaanan sa nakaraan. Karanasang nakaukit pa rin sa kanyang puso't isipan hanggang ngayon. Kamusta na kaya ang buhay niya ngayon? Aayon na kaya sa kanya a...
