Season 1 - Prologue

2.2K 62 2
                                    

Ikaw Ang Aking Bituin
elssipearl

°•°•°•🌟•°•°•°


Sa ilalim ng buwan dito sa ibabaw na parte ng ilog na hanggang tiyan ko lang ang lebel ng tubig ay mapayapa akong nakatanaw sa kalangitan.

Subalit bahagya akong nanginig at randam kong nagsitayuan ang balahibo ko sa katawan nang madama kong may magkabilang kamay ang pumulupot sa aking katawan.

Saglit ding napapikit ang aking mata sa nadama kong mahigpit na yakap at tila tumigil ang mundo.

"Anong ginagawa mo?" Gulat na tanong ko sa lalaking nakayakap sa akin. Hindi ako mapakali dahil damang-dama ko ang kanyang hubad-barong katawan na nakalapat sa likurang bahagi ko.

"Dinadama ko lang ito, In. 'Cause, simula bukas at sa susunod na araw. Hindi ko na magagawa pa ito. Uuwi kana, matatagalan pa bago tayo magkita ulit," malambing na may halong lungkot niyang sabi sa akin na parang kaunting kalabit lang ay papatak ang kanyang luha.

Bumakas sa aking mukha ang lungkot sa narinig ko. Hindi ko na rin magawang tumugon sa winika niya at dinama lang ang pagyapos ng kanyang bisig.

Minabuti ko nalang na pabayaan siya sa kanyang nais at marahang hinihimas ang kanyang kamay na nakapulupot sa bandang tiyan ko para pagaanin ang kanyang kalooban.

Ilang saglit lang ay randam kong mas lalong humigpit ang kanyang pagyakap
na nakapagdulot sa akin ng kiliti sa puso at init sa katawan na tila naiibsan ang lamig ng gabi.

Inaamin kong masarap sa pakiramdam na magkadikit ang aming katawan habang sabay naming tinatanaw sa itaas ang nagliliwanag at kumikislap na mga bituin.

Habang nakasulyap sa taas ay bigla akong natulala nang ipinatong niya ang kanyang baba sa balikat ko. Na tila nakuryente ako sa hindi inaasahang paglapat.

Napakapit din ako sa aking dibdib dahil damang-dama ko ang bilis ng tibok ng aking puso na hindi ko maunawaan. Hindi rin ako mapakali sa tumatamang hininga niya na aking nadama sa pisngi at leeg.

"In?" Bulong niya na tila namamaos. Mas naramdaman ko ang mainit na hangin na tumama sa aking pisngi galing sa hininga niya.

Mabilis akong lumingon sa kanya kaso na-estatwa ako nang tumama ang labi niya sa aking pisngi. Nanlaki ang aking mata at kaagad ibinalik ang tingin sa harap.

Rinig ko ang mahina niyang hagikhik samantalang ako ay pinamulahan ng mukha sa hiya. Hindi ko inaasahan iyon.

Kalaunan ay bigla na lamang siyang natahimik at tanging tunog ng kulilig at agos ng ilog ang aming naririnig.

"Bitu?" Nahihiyang ani ko.

"In, kapag nalungkot ka roon sa lugar niyo. Pagmasdan mo lang ang kalangitan na puno ng bituin katulad ng ginagawa natin ngayon. Napapapawi nito ang kalungkutan na ating nararamdaman." Seryoso niyang sabi at mas lalong humigpit ang kanyang pagyakap. Sandali akong napapikit at marahang tumango.

"I will Bitu," tugon ko sa kanya habang naiilang ng kaunti dahil dama ko na parang hinihipan niya ang leeg ko.

"Kapag nami-miss mo rin ako ay tumingin kalang doon ha," turo niya sa mga bituin.

Sumilay sa akin ang ngiti sa labi ngunit bakas sa aking mata ang namumuong tubig. Kaya minabuti kong himasin ang nakapulupot niyang kaliwang kamay para ipadamang susundin ko ang sinabi niya.

"At nakakatiyak akong maalala mo ako palagi. Basta lagi mong tatandaan In, na nandiyan ang mga bituin para magbigay ng ligaya at liwanag sa buhay natin. Isa naman ako sa nagbigay ng ligaya sa'yo, In. Right?" Hindi ko na mapigilang umiyak sa sinabi niya.

Bakit ba kasi malapit ng matapos ang bakasyon?

"Oo Bitu. Ikaw kaya ang aking bituin. Kapag nami-miss mo rin ako ay tingnan mo rin ang bituin ha." Mas lalong humigpit ang pagyakap niya sa akin at dama ko ang basang likido na pumapatak sa aking balikat na galing sa kanya.

"Oo naman, mamimiss talaga kita In. Sobrang mamimiss." Buong pusong sabi ni Bitu sa akin na kumiliti sa aking puso hanggang natulala lang ako nang bigla niya akong halikan sa pisngi. Nagsitayuan ang balahibo ko at pinamulahan.

"B-bitu?" Gulat kong ani sa kanya.

"Sshhh," tanging nabigkas niya kaya hindi nalang ako nag-abalang magtanong kung bakit niya ginawa iyon.

Ikaw Ang Aking Bituin (BxB) (MPREG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon