S1 - Chapter 27: Basbas

334 26 19
                                    

Dedicated to MsAzurite & cjgorreonjadman1234

LEEYAM
°•°•°•🌟•°•°•°

Sa mga nagdaang araw ay naging maginhawa na ang aking pakiramdam. Kita at randam kong bumabawi si ate Jessie sa akin. Nag-bonding rin kami kasama sina ate Belle at kuya Francis sa parke. Doon kami nag-picnic at makikita sa aming labi ang sobrang saya.

Katatapos ko lang gawin ang daily routine ko ngayon. Pagkababa ko'y may narinig akong ingay na parang nagsasaya kaya binilisan ko ang lakad para tingnan kung bakit ang aga-aga ay maingay na sa sala.

Nang masilayan na ito ng aking paningin ay nagulat ako. May nag-uusap sa sala namin. Bakas sa aking mukha na kinabahan ako dahil kinakausap nila si Rald. Kita kong nandoon siya na nakangiting sumasagot sa mga tanong ng dalawa kong nakakatandang kapatid.

Kaya minabuti kong manatili muna sa kinatatayuan ko. Baka ako pa ang matanong doon. Makikinig nalang muna ako. Nandoon ang mga kapatid ko maliban kay ate Jessie. Siguro siya ang naghanda ng pagkain namin ngayon. Gusto ko mang tumulong pero hindi nalang muna. Alam niyo na kung bakit.

"Seryoso kaba sa kapatid namin?" Seryosong tanong ni ate Belle. Ngumiti si Rald saka tumango. Bakas talaga sa kanyang mukha na siya'y desidido.

"Seryoso po ako sa kapatid niyo. Mahal na mahal ko po siya. Gagawin ko ang lahat makuha lang ang matamis niyang oo." Namangha na naman ako sa sincere na sagot niya.

"Gusto ko 'yan, confident." Napangiti si ate at ramdam kong namangha rin siya.

"Alam naman naming may pagtingin na ang kapatid namin sa'yo base sa aming nasaksihan. What if hindi ikaw ang tinitibok ng kanyang puso. Tutuloy ka pa rin ba sa panliligaw?" Pagsingit ni ate Jessie. Tapos na yata siyang maghanda ng pagkain. Sa totoo lang ay nagulantang talaga ako sa tanong ni ate.

"Oo naman po, nasabi ko na ito sa kanya. I am willing to take risk. Paano ko mapapatunayan ang sarili ko na ako'y deserving na maging boyfriend ni Yam kung susuko na kaagad ako sa kadahilanang hindi ako ang laman ng puso niya. Lalaban ako hanggang ako pa ay humihinga. I'm willing to wait naman na ako'y mahalin niya." Napanganga ang mga kapatid ko.

"That's the spirit, ang suwerte ng kapatid ko kapag naging kayo na. Kuha mo na ang boto ko. Approved ka sa akin." Nagbigay ng thumbs up si ate at sumilay sa kanyang mukha ang ngiti.

"Sana kagaya mo ang maging boyfriend ko soon, I like your answer. Gusto na kita para sa kapatid ko, nakuha mo na rin ang basbas namin. Approved ka sa amin para sa kapatid namin." Manghang sabi ni ate Belle habang si kuya naman ay tinatapik-tapik ang likod ni Rald.

"Nakuha mo na ang basbas namin kaya siguraduhin mo lang na hindi mo siya papaiyakin o sasaktan dahil malilintikan ka talaga sa amin," banta ni kuya pero hindi natinag si Rald. Ngumiti siya at saka tumango.

"Makakaasa kayo."

Napanganga nalang ako nang matapos sila sa pag-uusap nila kay Rald. Parang boyfriend ko na talaga si Rald sa ginawa nila.

Huwag kang mag-alala Rald dahil may nararamdaman na ako sa iyo pero hindi ko pa mawari. Bigyan mo pa ako nang panahon. You said naman na willing kang maghintay.

Ikaw Ang Aking Bituin (BxB) (MPREG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon