S1 - Chapter 45: The Finale

430 16 0
                                    

LEEYAM
°•°•°•🌟•°•°•°

Napakasakit sa aking kaloob-looban na naging masama ako sa paningin niya na tila ako pa ang may kasalanan.

Ang sakit-sakit rin isipin na ang taong mahal na mahal ko ay sasabihan lang ako nang ganoon. Paratang na ni minsan hindi ko kayang gawin sa buong buhay ko. 

Gusto kong magpaliwanag. Gusto kong sabihin sa kanya ang totoong nangyari sa clip ng video na nakita niya. Subalit nawalan na ako ng lakas sa mga sinabi niya.

Naging mahina ako. Siguro nadala na rin ang aking utak sa banta at napag-usapan namin ng kanyang ina. Kaya wala na akong nagawa pa.

Pero hindi ganoon ang gusto kong mangyari sa paghihiwalayan namin.

Hindi ko lang mawari kung bakit nakapagsalita siya ng ganoon sa isang clip ng video na nakita niya. Isang video na nagpapakita sa akin na isa akong manloloko, malandi, at sinungaling.

Isang clip ng video na sumira sa imahe niya sa akin. Sumira sa pananaw niya sa akin.

Pero, sa pagkakaalam ko na-take ang video sa panahon na hindi pa kami ni Jeremy. Hindi ko rin maunawaan ang sobra niyang galit. Galit siya dahil hinalikan ko si Gerald na hindi ko naman ginusto iyon. Hindi ko naman iyon inasam. Naging biktima lamang ako.

Sa aking pagkahiga sa lupa ay umukit sa aking labi ang mapait na ngiti. Agad rin akong napamulat para tingnan ang langit. Langit na unti-unting napupunan ng maraming ulap. Pahiwatig na tila umayon rin ang panahon sa nararamdaman ko.

Minabuti kong tumayo at umalis doon dahil baka abutan ako ng ulan.

Nang makauwi ako ay lubos ang kanilang pag-alala sa akin. Magulo ang damit at katawan ko. Bakas rin sa akin ang mga pasa at sagot na natamo ko. Hirap rin akong maglakad dahil sa malakas na pagtama ng pang-upo ko sa bato.

Hindi na ako nagtago ng aking damdamin kay ate. Sinabi ko kaagad kanya ang lahat na nangyari.

Hindi ko na iyon sinabi kina lolo at lola dahil baka ma-stress lang sila. Alam kong mali. Alam kong masama ang ginawa kong pagsisinungaling sa kanila. Ayaw ko lang silang madawit sa kung ano man ang problema na kinahaharap ko. Kaya nag-alibi nalang ako na nahulog ako sa isang bangil. Sermon ang inabot ko sa kanila.

Si ate naman ay sinukluban ng matinding galit. Galit na susulong daw siya roon para ipagtanggol at depensahan ako.

Naunawaan ko naman ang inakto ni ate at sobrang na-appreciate ko iyon. Gayon paman, pinigilan ko lang si ate dahil wala nang saysay ang gagawin niya. Mas lalo lang gugulo ang lahat.

Siguro iyon na rin ang paraan para tuluyang maghiwalay kami.

Siguro iyon na nga ang itinakda ng tadhana sa amin. Na hindi talaga kami para sa isa't isa.

Hindi na ako umiyak dahil punong-puno na ako. Lubos na ang sakit na pinagdaanan ko. Parang wala ng luha ang tutulo pa sa akin.

Minabuti kong magpagaling nalang at itunuon sa iba ang pansin kahit paulit-ulit na bumabalik sa aking isipan ang pangyayari.

Nang makalakad na ako nang maayos at tuluyang gumaling ang mga pasa at sugat ko sa katawan maliban sa sugat na bumaon sa aking puso't isipan ay napagdesisyunan kong puntahan ang puno ng bayabas.

Gusto kong pumunta na roon. Hindi ko pa kasi napuntahan iyon simula noong nakarating ako rito.

Siguro ito na ang tamang panahon.

Nang marating at mahawakan ko ang puno ng bayabas ay bumalik ang ala-alang hindi ko makakalimutan.

"Tulong! Tulungan niyo po ako. Mama, papa, kuya, ate! Tulong!"

Ikaw Ang Aking Bituin (BxB) (MPREG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon