S1 - Chapter 30: Best view

333 20 2
                                    

LEEYAM
°•°•°•🌟•°•°•°

Naalimpungatan na lamang ako nang may malakas na tumapik sa aking balikat.

"Baby, wake up. Nandito na tayo o baka nag-i-enjoy kana riyan," wika ng isang pamilyar na boses ng isang lalaki sa akin.

"Umhh," humikab ako bago ko inimulat nang dahan-dahan aking mga mata.

Nang nahimasmasan ako ay agad naman akong napabalikwas at umayos ng upo.

"Hala, bakit ako nakasandal sa balikat mo?" Pagkabigla ang lumukob sa akin.

"Ang natatandaan ko ay nakasandal lamang ako sa may window ng kotse." Nagugulohang wika ko pa sa kanya habang nakayuko dahil sa kahiyaan.

"Aba malay ko, bigla ka nalang napasandal sa balikat ko and I tried to move your head. But sumandal ka naman ulit sa akin, baby. Ginusto mo naman siguro, hinayaan nalang kita as if you're enjoying the moment." Napalunok na lang ako sa aking narinig at hindi maiwasang mapangiwi.

Ngumisi nalang ako para iwas gulo. Gabi na pala, pasado alas sais nang gabi. Mabuti nalang alas nuwebe ang closing time dito.

Maganda ang amusement park. Isa kasi itong uri ng theme park na may mga rides, slides, at mga booths. Nagagandahan rin ang kulay ng paligid lalong lalo na ang ilaw na tiyak mabibighani ka. Nakakaakit rin ang mga sigawan ng mga tao na nakasakay sa mga rides, ramdam ko rin ang kaba at excitement nila.

"Jeremy, sa giant swing ride tayo mauuna ha and no buts, please. Gusto kong makasakay ng ganyan ulit." Excited na sabi ko sa kanya at tila nawala na ang nararamdaman ko kanina na kakaiba sa pagitan namin.

"Jeremy anong nakakatawa ha?" Wika ko sa kanya at na-conscious naman ako sa aking mukha. Hindi ko na rin siya tinawag na baby kasi nakakarami na siya nang tawag sa akin ng ganyan. Naiilang talaga ako.

"Nothing, let's go." Agad niya akong hinala nang walang pasabi-sabi.

"Ahhh!" Malakas kong sigaw kahit kakaumpisa palang umandar ng ride na sinasakyan namin.

Hindi ko mapilgilang sumigaw dahil sobrang nakakatakot nitong space shuttle, na may triple loop coaster. Natapos na kasi namin ang giant swing ride, nag-enjoy rin kami roon.

"Ahhhhhhh!" Mahaba at malakas na sigaw ko ulit dahil para akong malalaglag. Sobrang kinakabahan talaga ako at medyo natakot na baka malaglag kami o baka ako. Mahirap kayang ma-fall dahil may pagkakataon na walang sasalo. Na sobrang nakakalungkot.

Habang nakapikit at nagsisigaw sa kawalan, nakaramdam ako ng kamay na mahigpit ang pagakakahawak sa kamay ko at nagulantang nalang ako sa nadama kong bultahe ng kuryente noong naglapat ang kamay namin. Tumindig rin ang balahibo ko.

Randam kong ligtas ako sa ginawa niya at naging kalmado rin ako. Hindi ko alam ang nangyayari sa akin kung bakit ako nagkakaganito sa kanya.

Nang inimulat ko ang aking mga mata, iginalaw ko ang aking ulo paharap sa kanyang mukha upang tingnan ang kanyang reaksyon. Dito ko nakita na seryoso lang siyang nakatingin sa harapan. Parang wala lang sa kanya at medyo same face lang siya kanina.

Ano ba ang ginagawa mo Jeremy?

Habang ako ay nakatitig sa kanya ay naramdaman kong mas hinigpitan niya ang kanyang pagkahawak sa akin na laking ikinagulat ko.

Nahuli niya ata akong nakatanaw sa kanya kaya napabalik ako ng tingin sa harap. Ramdam kong namumula na ako, para rin akong napapaso sa mainit niyang kamay.

Pagkahinto ng ride ay napapansin ko pa ring nakakapit pa rin ang kamay niya. Ayaw yatang bitiwan.

Iginalaw ko ang aking kamay at nagulantang naman siya. Agad niyang inilayo ang kanyang kamay.

Ikaw Ang Aking Bituin (BxB) (MPREG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon