Dedicated to gabbyjypretty & pinkDragon8
LEEYAM
°•°•°•🌟•°•°•°"Ano pong sa atin?" Pagkuha ko sa bibilhin ng costumer at ipinakita ang aking ngiti.
"Isang cup ng kanin, dalawang lumpia, at isang serve ng pinakbet."
"Okay sir," agad kong inihanda ang order at inihatid ito sa puwestong upuan ng bumili.
Ngayong araw ay sobrang nakakapagod. Ala una y medya palang ay pagod na ako sa dami ng costumer. Hindi namin inexpect na marami pala ang dadagsa rito para bumili at kumain kahit Linggo ngayon.
Napukaw lang aking pansin nang may nag-text sa akin. Muntikan na ring malaglag ang cellphone ko sa pagbasa kung kanino galing ang text.
"Can you help me? Please, punta ka rito sa apartment ko. Kung pwede ngayon na." Pinanlakihan ako ng mata sa nabasa ko.
Hindi ko rin maiwasang magtaka kung bakit siya nagpapatulong. Ang pagkakaalala ko ay tapos na sila ni ate. Ibig sabihin wala nang ganyan or maybe need talaga niya ng tulong.
Sa kabilang banda ng aking isipan ay nahimasmasan ang aking pakiramdam na parang nabunutan na rin ng tinik dahil hindi talaga ako mapakali sa mga nagdaang araw dahil liban siya ng isang linggo.
Wala namang masama kung pupuntahan ko siya diba. Baka kailangan talaga niya ng tulong.
"Okay, Im on my way." Sagot ko sa mensahe niya. Agad kong tinanggal ang hairnet at plastic gloves.
"Aling Bea, pakisabihan nalang si ate na aalis ako. Babalik rin ako, maraming salamat." Paalam ko sa kanya dahil umalis kasi si ate kanina.
Nang nasa tapat na ako ng apartment ni Jeremy ay parang kinabahan ako.
Huminga muna ako nang malalim saka ko kinatok ang pinto. Ilang saglit lang ay bumukas ang pinto. Bumungad sa akin ang naka-topless na lalaki, nakasuot lamang siya ng puting boxer shorts kung kaya kitang kita ko ang magandang view at pabundok niya.
"Enjoying the view, huh?" Natigilan agad ako at napanganga.
Shete, ang obvious ko.
"Oo ahh ehh hindi, a-ano-anong view?" Napangisi siya sa akin dahil sa pagka-utal-utal ko.
"Alam mo na, pwede mo ring hawakan. If you want to." Napanganga nalang ako.
"P-pwe-de?" Tumango siya na para akong inaakit.
Oh, tukso layuan mo ako.
Pero tinaksil ako ng aking kamay. Dahan-dahan itong lumakbay papunta roon sa kabundukan niya. Medyo nanginginig na rin ito na marahang naglalakbay papunta roon.
Ilang sigundo lang ay narating na nito ang tuktok ng bundok at abot na nito ang langit.
"What are you doing?" Sita niya at agad akong napanganga.
"Diba ang sabi mo'y pwede kong hawakan?"
"Hawakan ang ano, Yam?"
"Yung ano m-" Hindi ko na maituloy ang aking sasabihin dahil medyo napatalon ako nang may naramdaman akong mabigat sa aking balikat.
Napabalik ako sa reyalidad at napagtanto kong may nakapatong na kamay sa aking balikat. Nanigas ako sa sitwasyon ko ngayon dahil sa kahiyaan at kaba at the same time.
Mabuti nalang imahinasyon lang ang lahat dahil kung naging totoo iyon ay baka nahimatay na ako sa kahiyaan.
Biglang nagbalik ang isang alaala sa aking isapan. Ang pangyayari noong nasaksihan ko ang hindi ko dapat makita noon, ang natutulog na dragon niya noong nagsha-shower siya sa bathroom ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/250568028-288-k496712.jpg)
BINABASA MO ANG
Ikaw Ang Aking Bituin (BxB) (MPREG)
Любовные романыBxB | MPREG Ang kwentong ito ay umiikot sa buhay ni Yam. Siya'y isang tao na may malalim na pinagdaanan sa nakaraan. Karanasang nakaukit pa rin sa kanyang puso't isipan hanggang ngayon. Kamusta na kaya ang buhay niya ngayon? Aayon na kaya sa kanya a...