LEEYAM
°•°•°•🌟•°•°•°Siya ang boyfriend ni ate?
Isang malakas na pagkabasag ang pumukaw sa atensyon nila at napatingin sila bigla sa aking gawi.
Agad naman akong kumuha ng walis at dustpan para linisin ang nabasag ko. Bakas pa rin sa akin ang pagkagulat dahil hindi ko namalayang nabitawan ko pala ang hawak kong plato.
"Magbabanyo muna ako ate sandali," paalam ko sa kanila pagkatapos kong maitapon ang nabasag ko. Pagtalikod ko ay agad akong napapunas sa aking luhang kumawala dahil hindi ko na kayang tiisin ang sakit na aking naramdaman sa aking puso.
Pagkapasok ko sa banyo ay agad kong binuksan ang gripo at pinabayaang umagos ang tubig at sinabayan ko iyon ng aking pag-iyak.
Sa dinarami-raming lalaki sa mundo na puwedeng maging boyfriend ni ate, bakit siya pa.
Ang sakit lang talaga. Katulad ng pinggang nabasag ko kanina na maiihambing ko sa puso ko ngayong basag na basag sa aking nalaman.
Sobrang sakit sa kalooban na pagmamay-ari na pala si Jeremy ng kapatid ko. Na ang lalaking gusto at pinapangarap kong maging akin ay hindi na pwedeng mapapasaakin. Na ang lalaking kinababaliwan at nagpapasaya sa akin ay bawal angkinin dahil huli na ako.
Napakapit nalang ako sa aking dibdib dahil damang-dama kong parang tinututusok ng karayom ang aking puso.
Nang tingnan ko ang salamin ay nasulyapan ko ang repleksyon kong hindi na maipinta at tulala.
Bakit?
Akala ko para kami sa isa't isa.
Akala ko tinadhana siya para sa akin.
Pero hindi ko inakalang may nag-aangkin na pala sa kanya.
Nang tingnan ko nang maigi ang salamin ay may biglang lumalabas na tagpong lubos na ikinaiyak ko.
"Akin na to ha," bungad ng matangkad na lalaki sa akin.
"Ahh eh sige, sa iyo na rin ito bilang pasasalamat," sagot ko habang ibinibigay ang natirang sorbetes.
"Thanks." Sabi niya at tumango ako.
"Jeremy, and you?" Pagpapakilala niya na ikinagulat ko.
"Yam," sagot ko dahil natulala ako.
"Nice to meet you, Yam. Be careful next time. I've gotta go, bye." Hindi ako makapagsalita at tumango lang ako kay Jeremy.
Napakapit ako sa aking dibdib dahil memorable sa akin ang una naming pagkikita.
"Jeremy? Ano-" Natataranta kong wika sa kanya noong tumabi siya sa akin at walang pasabi-sabing umakbay.
"Can we have a picture together, miss? Is it okay with you?" Tanong niya na ikinatango ko kaagad.
Pinamulahan ako ng pisngi nang ibinaba at inilingkis niya ang kanyang kamay sa aking baywang.
Tumulo ulit ang aking luha dahil isa iyon sa pinakamasayang pangyayari sa buhay ko nang inilingkis niya ang kamay niya sa akin.
"Ouch! Ang sakit ng pagbagsak ko, aray ko po," hinaing ko sa aking pang-upo na bumagsak.
"Bakit ba kasi may paharang-harang dito sa gitna ng daraanan? Mahuhuli na ako sa klase." Pagpaparinig ko pero teka parang pamilyar ang matangkad na lalaking nabunggo ko.
"Seriously? Are you saying na kasalan ko pa?" Diing pagkasagot ng lalaki sa aking reklamo.
Shete! Si crush pala. Agad akong napatakip sa aking bibig sa hiya.
BINABASA MO ANG
Ikaw Ang Aking Bituin (BxB) (MPREG)
RomanceBxB | MPREG Ang kwentong ito ay umiikot sa buhay ni Yam. Siya'y isang tao na may malalim na pinagdaanan sa nakaraan. Karanasang nakaukit pa rin sa kanyang puso't isipan hanggang ngayon. Kamusta na kaya ang buhay niya ngayon? Aayon na kaya sa kanya a...