S1 - Chapter 18: Kumbinsihin

337 27 1
                                    

LEEYAM
°•°•°•🌟•°•°•°

Naging mabilis ang daloy ng panahon. Akalain mo nga naman, nakadalawang buwan na pala ako bilang isang katulong slash personal assistant ni Jeremy.

Ang masasabi ko lang ay totoo palang mahirap kapag pinagsabay ang pagtatrabaho at pag-aaral ngunit kahit ganito ang kinahahantungan ay patuloy parin akong lumalaban dahil ang oportunidad na ito ay para sa aking magandang kinabukasan.

Pero mas mahirap palang kontrolin ang aking damdamin dahil palagi kaming nagkikita at nagkakasama. Alam ko sa aking sarili na nandito pa rin siya sa aking puso.

"Boss?" Pagtawag ko sa kanya dahil kasulukuyan siyang gumagamit ng kanyang cellphone. Ilang segundo ang lumipas ay itinuon niya sa akin ang kanyang atensyon at tumingin sa akin nang seryoso. Tinaasan rin niya ako ng kilay.

Ang sungit pa rin niya.

"Magpapaalam sana ako sa'yo bukas. Sana payagan mo ako," mahinahon kong sabi sa kanya at tila rin kinakabahan.

"Hmmm, tommorow? Saan ka naman pupunta?" Tanong niya at agad ibinalik ang kanyang atensiyon sa cellphone.

"Niyaya ako ng kaibigan ko na mamasyal. Matagal na rin kasing hindi ako nakakasama sa kanila. Sana payagan mo na ako ngayon. Please," seryoso kong wika sa kanya para ako payagan.

Napahinto naman siya sa kanyang tinitingnan at mabilis na sumulyap sa akin na parang nag-activate ang pagiging masungit.

Ayan na naman siya.

Sana naman payagan niya ako. Dalawang buwan na akong nandito lang at sa paaralan palagi. Matagal-tagal na ring hindi ako nakalabas para magsaya.

"Sino namang kaibigan ang kasama mo, baks?" Nagtatakang tanong niya na nagpakaba sa akin.

Kinabahan naman ako sa sinabi niya. Nakakatakot na baka hindi niya ako payagan kung sasabihin ko namang sina Gerald, Garey, Sunshine, at Miggy. The last time na hindi ako nagpaalam ay nagalit siya sa akin noong sinabi kong kasama ko si Gerald.

Sana sa pagkakataong ito ay payagan niya ako.

"Sina Gera-," nahinto nalang ako nang umigting ang kanyang panga at tinaasan ako ng kilay.

"No. Hindi ako makakapayag. Bakit palagi ka niyang inaaya?" Medyo galit na tanong ni Jeremy. Napailing nalang ako sa tinuron niya.

Grabe naman maka-react si Jeremy. Hindi naman kami para magkaganyan siya dahil amo ko lang siya. Sunday kaya bukas. Sana pinatapos niya muna ako para hindi siya beast mode.

"Pero hin-" natigil agad ako sa aking pagsasalita na ikinailing ko.

"No buts and that's final!" Maawtoridad na bulyaw niya at tiningnan ako nang masama. Napailing nalang ako at saka napakamot sa aking tainga.

Sa mga nagdaang araw ay napapansin kong kapag nagpapaalam ako na kasama si Rald ay hindi siya pumapayag. Kaya sumasakit na talaga ang ulo ko sa tinuturon niya. Pakiwari kong hindi ko na maintindihan na sobrang higpit niya.

Huminga na lang ako nang malalim.

"Wait!" Pagtawag pansin ko sa aking amo nang naglakad siya papunta sa kwarto niya.

"Pinatapos mo sana ako, boss. Hindi lang naman siya ang kasama ko, marami kami." Mahinahon pa rin na wika ko ngunit sa aking kaloob-looban ay naiinis at naiirita na ako sa kanya. Patuloy parin siya sa paglakad at hindi man lang ako pinansin. Parang nagsasalita lang ako sa hangin.

Pumikit muna ako at nagmuni-muni. Bahala na nga at hindi ako susuko. Kakausapin ko nalang siya ulit kapag natapos ko na ang aking gawain. Baka humupa na ang pagkasungit niya.

Ikaw Ang Aking Bituin (BxB) (MPREG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon