LEEYAM
°•°•°•🌟•°•°•°Nang matapos na ang lahat na magpakilala ay nagbigay si ma'am Divine ng introduction sa aming subject nang maikli. Pagkatapos ay nagpaalam na ang aming guro at nag-dismiss ng klase. Sumunod naman ang iba pa naming klase na puro introduce yourself ang aming ginawa.
Pagsapit ng recess ay nagsilabasan na ang iba kong kaklase. Minabuti kong magpaiwan nalang sa loob dahil nagtitipid ako saka may dala naman akong baon na kakanin. Kinuha ko naman iyon sa aking bag at binuksan.
Napansin kong nandito pa rin ang katabi kong si Jeremy pero bakit hindi niya ako kinakausap o baka dahil bad mood pa yata siya.
Napaisip naman ako, "kung magkaklase kami, bakit mas nauna ako sa kanyang nakapasok sa room?"
Erase, I need to comfort him, baka may problema siya.
Agad kong inilahad ang kakanin kong baon. Para na rin mapansin niya ako. Kinabahan ako ng slight at hindi ako makatingin sa kanya. Kaso nalungkot ako nang bigla siyang tumayo at lumabas.
Napaka-wrong timing. Nakakapanghina ni hindi niya man lang ako pinansin at kinausap. Gayon pa man, crush na crush ko pa rin siya kahit nasaktan ang aking damdamin.
"Hello classmate, Yam right?" Napalingon ako sa nag salita. Si Miggy lang pala at naantala ang pag-i-emote ko. Naalala ko talaga siya dahil tumatak ang pagpapakilala niya kanina at gay din siya katulad ko.
"Hello. Miggy, right?" Maligayang tugon ko at ngumiti naman siya sa akin na ikinangiti ko rin.
"Pwede ba akong makipagkaibigan sayo? Ang gaan-gaan kasi ng loob ko sayo." Tanong niya na ikinalapad ng ngiti ko.
"Of course naman, friends na tayo," masaya kong tugon at agad akong nakipagkamay sa kanya.
Masaya ako dahil nagkaroon agad ako ng bagong kaibigan sa unang araw ng klase. Matapos ang klase namin sa umaga ay napagkasunduan naming sabay kaming kumain ng lunch sa cafeteria.
"Wait nasaan kaya ang friend ko na si Sunshine?" Tanong ko sa aking sarili. Bakit ba kasi nawala yung phone ko ayan tuloy hindi ko na siya ma-contact.
Baka magkikita rin kami mamaya dahil kaming mga HUMSS ay may tatlong section at nasa iisang building rin naman. Napabilang ako sa pinakahuling section at si Sunshine naman ay nasa unang section.
Pagkarating ng lunch ay nasa cafeteria na kami ni Miggy nakaupo at naka-order narin sa aming lunch. Dalawang lumpiang shanghai at isang cup ng rice lang ang binili ko dahil nagtitipid ako.
May dala sana akong baon kaso nakalimutan ko kasing dalhin sa kakamadali ko kaninang umaga.
"Nga pala Yam, ang pogi naman ng katabi mo, buti ka pa." Sabi ni Miggy habang nagsimula na kaming kumain.
"Tama ka Miggy sobrang pogi," namumulang tugon ko dahil tama naman siya.
"Ikaw Yam ha, crush mo noh?" Mas lalo akong namula at hindi gaanong makatingin sa kanya.
Obvious ba talaga ako?
"Oo, crush ko siya Miggy pero tahimik ka lang ha." Medyo nahihiya kong ani at randam kong bumakas sa aking labi ang kakaibang ngiti. Bigla namang napatakip siya sa kanyang bibig.
"Anyare sa iyo, bat ka napatakip ng bibig?" Naguguluhang tanong ko sa kanya. Bigla naman siyang ngumuso sa akin na parang may tinuturo siya likurang bahagi ko kaya ako'y napalingon doon.
"Shete!" Napamura ako nang mahina habang napahawak sa bibig ko. Mabuti nalang nakatalikod si Jeremy pagkatingin ko roon kaya medyo nakahinga ako nang maluwag. Agad naman akong humarap pabalik kay Miggy na tila nahihiya. Sana hindi niya narinig dahil hindi pa ako handa.
Nakakaba, muntik na akong mabisto. Kung nagkataon baka iwasan niya ako o baka ma-bad mood siya masyado sa akin.
Kaya nag-pout nalang ako kay Miggy.
"Nandiyan pala siya sa may likuran ko, bakit hindi mo sinabi agad?" Seryosong bulong ko sa kanya.
"Hay nako Yam, mag-isip isip ka nga kung sinabi ko sa iyo baka makahalata sila. Ang lapit kaya nila sa atin. Don't worry, kakaupo palang niya sure akong hindi ka niya narinig," paliwanag ni Miggy at gumaan naman ang aking pakiramdam.
"Tama ka naman. Mabuti nalang talaga," mahinang ani ko kay Miggy at ituloy namin ang pagkain.
Pagkatapos kumain ay minabuti naming bumalik na sa room at doon nalang ilaan ang natitirang oras.
Habang ako ay umiidlip saglit sa aking upuan dahil kulang talaga ako sa tulog ay nakuha ang aking pansin nang may sumiko sa aking braso.
Agad akong napamulat ng aking mata at umayos ng upo. Tiningnan ko ang sumiko sa akin ngunit natulala lang ako nang ngumisi siya sa akin nang napakaweird.
Kaya kinabahan tuloy ako na baka narinig niya talaga iyon kanina. Sa kabilang bahagi ng aking isipan ay nagdiwang naman ako dahil sa wakas napansin na ako ni Jeremy.
Bigla akong napaiwas at napayuko dahil kinilig talaga ako sa paglapat ng siko niya at sa paraan ng kanyang tingin sa akin.
Napagpasyahan kong hindi na tumingin pabalik, baka mahuli niya ako at sobrang obvious ko na.
Sa wakas natapos na rin ang klase ko ngayong araw pero hindi ko maiwasang tumingin ng palihim sa kanya kanina kaya ang ending palagi akong tinatawag ng guro namin dahil hindi ako nakikinig.
Paalam Jeremy, uwi na ako at mami-miss talaga kita, sana patuloy mo na akong pansinin.
Nang makauwi ako ay agad naman akong nagbihis at saka pumunta na sa aming karinderya which is connected lang sa aming bahay. Pagkarating ko sa loob ay agad ko namang binati si ate Jessie na kakarating rin at si ate Belle.
"Kamusta ang school, Yam?" tanong ni ate Belle sa akin na ikinangiti ko nang malapad.
"Maayos naman ate, puro lang introduce yourself." Masaya kong sagot at pumasok sa aking isipan si Jeremy.
"Hala ate Belle oh, wagas makangiti si Yam. Naku, inlove ata ate," mapang-asar na wika ni ate Jessie at bigla akong nahiya. Hindi ko talaga maiwasang mapangiti kapag naiisip ko si crush.
Obvious ba talaga ako?
"Ayieeh! Si bunso kinikilig," pang-aasar pa nila at randam kong pinamulahan ang pisngi ko.
"Sino ba iyang masuwerteng lalaki na bumihag sa puso ng bunso namin? Sabihin mo na sa amin dali , kapatid mo kaya kami. Diba ate Belle, walang lihiman." Napailing ako sa mga binitawang salita ni ate Jessie.
"Sa tamang panahon ate kapag naging kami na," tugon ko at nag-pout sila na parang aso kaya natawa ako.
"Oh sha madami na ang customers." wika ni ate Belle bago ini-entertain niya ang isang suki at nagsimula na rin akong tumulong.
Pagsapit ng alas sais ng gabi ay na feel kong napagod talaga ako pero naka-ukit parin ang ngiti sa labi. Malapit na rin kaming magsasara mamayang ala syete kaya makakahinga na rin ako mamaya.
"Ate magpalaalam lang ako sa inyo, may susunduin lang muna ako." Rinig kong ani ni ate Jessie kay ate Belle.
Pagsapit ng alas syete ay nagsimula na kaming magligpit kasama si ate Belle at si Aling Bea na nag-iisang katulong ni ate sa karinderya. Sa oras din na iyon ay ang pagdating ni ate Jessie at napahinto ako saglit pero bumalik naman ako sa aking ginagawa.
"Ate Belle at Yam, may kasama ako," bungad ni ate sa amin kaya napatingin ako sa kanya ulit.
"Diba wala tayong lihiman kaya I want you to know and meet my boyfriend," maligayang pag-anunsyo niya sa amin. Ngumiti ako dahil nakatagpo na si ate ng lalaking pinapangarap niya.
Ako? Kailan ko pa kaya magiging boyfriend si Jeremy?
Agad akong napatakip sa aking bibig dahil hindi ko maiwasang kiligin sa aking iniisip.
Nang masulyapan ko ang likurang bahagi ng boyfriend ni ate Jessie na nakatalikod sa gawi ko ay pinanlakihan ako ng mata.
BINABASA MO ANG
Ikaw Ang Aking Bituin (BxB) (MPREG)
RomanceBxB | MPREG Ang kwentong ito ay umiikot sa buhay ni Yam. Siya'y isang tao na may malalim na pinagdaanan sa nakaraan. Karanasang nakaukit pa rin sa kanyang puso't isipan hanggang ngayon. Kamusta na kaya ang buhay niya ngayon? Aayon na kaya sa kanya a...