S1 - Chapter 14: Zoo

396 27 0
                                    

LEEYAM
°•°•°•🌟•°•°•°

"Tulong! Tulungan niyo po ako. Mama, papa, kuya, ate! Tulong!" Malakas na sigaw ko.

Kasulukuyan akong tumatakbo nang mabilis. Unti-unti naring nanghihina ang aking kalamnan at tuhod sa pagod. Kanina pa ako tumatakbo rito sa kakahuyan. Hindi ko naman inaasang may asong gala pala rito.

"Arfff! Arfff!" Malakas na tahol ng asong patuloy na humahabol at malapit na rin sa akin.

Nang dahil sa matindi kong takot ay nagsibagsakan ang aking mga luha. Mabuti nalang nakakita ako ng isang puno ng bayabas na madaling akyatin. Nakahinga ako nang maluwag nang nakaakyat na ako. Labis ang aking kaba at takot. Hinihingal parin ako at parang mawawalan ng hininga.

Ilang minuto ang lumipas ay natanaw kong papaalis na ang aso at sa wakas nakahinga narin ako nang maayos at maluwag.

"Ay, palaka!" Nagulat ako nang may gumagalaw sa kabilang bahagi ng puno.

Bigla na lamang may tumawa nang napakalakas kaya nagulat ako at muntik nahulog sa kaba.

"Anong nakakatawa?" Nangunot ang aking noo nang nakita ko ang tumawa.

"You're so funny! Para kang babae kung tumili," sagot niya na nagpailing sa akin.

Sabi ni mama ay hindi ako makikipag-usap sa strangers kaya tumahimik ako. Hindi ko nalang siya pinansin.

Dahan-dahan akong bumaba ngunit hinawakan niya ang kaliwang kamay ko na ikinatindig ng balahibo ko.

"Bingi ka ba? Kanina pa kita tinatawag." Galit niyang wika. Siguro na insulto siya sa pag-snob ko.

"Bitawan mo nga ako." Sita ko dahil ang higpit ng paghawak niya.

"Ayaw ko!" Diin niyang sabi na ikinailing ko.

"Bitawan mo nga ako sabi!" Nilikom ko lahat ng aking lakas para bitawan niya ako.

Pero mas malala pa pala ang nangyari sa aming dalawa. Nang dahil doon nahulog kami pareho sa puno.

Ahhhhhh!

Naalimpungatan ako sa aking pagtulog nang maramdaman kong nasa ilalim na ako nang kama at masakit ang likurang bahagi ko.

Nang ibinuka ko agad ang aking mata ay biglang may naaninag ako na kung sino. Medyo blurred pa kasi ang nakikita ko dahil kagigising ko lang.

Hindi ko mawari sa aking aksyon dahil bigla lamang akong yumakap at naiyak.

Naalala ko na naman si Bitu. Ang lalaking napanaginipan ko. Ang unang pagtatagpo naming dalawa sa puno ng bayabas. Sariwa parin sa akin ang mga kaganapan kahit matagal na panahon na iyong nakalipas.

"Tahan na Yam," pagpapakalma nito sa akin at tinatapik-tapik niya ang likod ko.

"Salamat, Rick." Hinigpitan ko ang pagkayakap sa kanya. I need comfort.

Wait! Rick? As in Derrick?

Shete! Ngayon ko lang napagtantato ang impakto pala ang kayakap ko.

Patay! Aasarin na naman ako nitong kumag na ito.

Agad naman akong kumalas at maiging inalayo ang aking sarili. Itinulak ko siya nang malakas.

"Anong ginagawa mo rito?" Seryosong tanong ko kaagad sa kanya at bakas sa kanyang mukha ang pagkabigla sa aking ginawa. Nasaksihan ko namang nagkasalubong ang kanyang kilay.

"Arte mo! Tsumansing ka na nga sa akin," tugon niya na inaasar ako kaya napailing ako saka umirap sa kanya.

"Hindi ako tsumansing noh!" Pagtatanggol ko sa aking sarili.

Ikaw Ang Aking Bituin (BxB) (MPREG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon