S1 - Chapter 13: Pabor

404 30 0
                                    

LEEYAM
°•°•°•🌟•°•°•°


Pasado alas syete ng gabi pagkatingin ko sa relo nang makauwi ang amo ko. Inisikaso ko agad siya pagkapasok niya at agad kinuha ang mga dala. Inilagay ito sa mini table na nasa sala. Matapos ay may ipinapagawa pa ang amo ko sa akin at mabuti nalang natapos ko kaagad kaya umupo ako sa sofa para magpahinga.

"May nakahandang pagkain riyan, boss." Malumanay kong pagkasabi dahil na rin sa pagod.

"I'm already done, Yam. Diba nga nag-text ako sa'yo na kumain kami ng barkada ko sa labas," seryosong sabi niya at tiningnan niya ako nang masama. Tinaasan niya rin ako ng kilay.

Nag-panic naman ako at agad kong kinapa ang cellphone sa bulsa. Pagkabasa ko sa mensahe niya ay totoo nga, nag-text siya kaninang alas sais. Napa-facepalm nalang ako at napakagat sa ibabang labi.

"Pasensya na boss Jeremy, naka-silent mode kasi phone ko at hindi ko napansin," nahihiyang paliwanag ko sabay ngiti sa kanya. Napabuntong hininga ako noong tumango siya at mabilis tinungo ang kanyang kwarto.

Biglang pumasok sa aking isipan ang inahanda ko. Sayang naman 'yong niluto ko marami kaya iyon. Kakain nalang ako ng marami.

Minabuti ko nalang na pumunta sa dining room para kumain.

"Where are you going?" Napahinto ako sa aking paglakad at lumingon sa kanya.

Natameme ako sa aking nakita. Bakit ako lumingon. Nabusog na tuloy ako sa anim niyang pandesal.

Shete! Idagdag pa na naka-boxer shorts lang siya. Hindi ko maiwasang mapalunok at hangaan ang lalaking ito. Sobrang init ng paligid kahit naka-on naman ang aircon.

Ano bang nangyayari sa akin. Umayos ka.

"Enjoying the view?" Bungad niya na may halong pang-aasar at pang-aakit. Agad akong bumalik sa aking wisyo at napayuko. Parang namumula ako. Shete, nakakahiya.

"Ahhh O-o este hindi boss. Sige pupunta muna ako roon para kumain," nauutal kong tugon sa kanya.

"Para namang nabusog kana kakatingin sa katawan ko. Baka pinapantasyahan mo na ako," pang-aasar naman niya sa akin at tinaasan niya ako ng kilay. Hindi nalang ako umimik at minabuting tumahimik nalang baka saan pato mapunta. Tumalikod nalang ako at humakbang papunta sa hapagkainan.

Ang sarap talaga ng niluto kong chicken afritada kaya hindi ko maiwasang damihan ang aking kinakain. Ang takaw-takaw kong kumain.

Habang ako'y patuloy sa pagkain ay bigla akong napahinto nang mapansin kong kinunan ako ng litrato ni boss. Napailing na lamang ako at ang lokong amo ko ay tinaasan niya naman ako ng kilay. Aba, ang hilig niyang mag-taas ng kilay.

"Sarap na sarap, huh. Nakakatakam." bungad niya sa akin na parang nang-aasar at tinawanan ako kaya minabuti kong ipaghanda siya ng pagkain.

Magkatapat kami ngayon habang kumain. Panay ang pagtingin niya sa akin habang sumusobo ng pagkain. Nakaramdam naman ako nang pagkailang. Na-conscious tuloy ako sa mukha ko. Minabuti ko nalang na hindi pansinin iyon at nag-focus nalang sa aking kinakain.

Nagtaasan ang aking mga balahibo nang madama kong pinunasan niya ang gilid ng labi ko gamit ang hinlalaki niya. Agad akong napatingin sa kanya at tinaasan na naman niya ako ng kilay.

"Messy. Ang kalat mong kumain, baks," puna niya na nagpailing sa akin at medyo naiilang hanggang matapos kaming kumain.

Pagkatapos kong maghugas ng pinagkainan namin ay humiga ako sa sofa samantalang si Jeremy naman ay nasa kanyang kwarto.

"Jeremy?" Pagtawag ko sakanya nang bumangon ako para umupo.

"Yes baks!"

Hay nako ayan naman siya. Nakakabadtrip dahil hindi ko gusto yung pagtawag niya sa akin. Baks! Baks talaga?

Ikaw Ang Aking Bituin (BxB) (MPREG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon