S1 - Chapter 37: Huling Sandali

280 19 0
                                    

LEEYAM
°•°•°•🌟•°•°•°

Mabilis ang aking pagtakbo papunta sa ilog. May ginagawa pa kasi akong importanteng bagay kung kaya natagalan ako.

Isa na rin sa dahilan kung bakit ako nagmamadali ay dahil hindi ako pinayagan ni lola na umalis noong nagpaalam na ako pagkatapos kong magawa ang ginagawa ko.

Nagpumilit at umiyak ako sa kanyang harapan subalit buo na ang desisyon ni lola. Kaya tumakas nalang ako noong naging busy na sila.

Unang pagkakataon ko pa naman itong ginawang pagsuway sa kanila.

Palubog na ang araw nang makarating ako sa ilog. Nasilayan kong malungkot na ang mukha ni Bitu kasama ang aso niya na si Bituin.

Hindi na Biboy ang tawag ko sa kanya at hindi na rin Lim-lim ang tawag niya sa akin.

Bitu at In na ang tawag namin sa isa't isa, 'yan ang sabi niya sa akin. Siya si Bitu at ako naman si In na nanggaling sa salitang bituin.

"Bitu!" Tawag ko sa kanya at hinahabol ko pa rin ang aking paghinga dahil kagagaling ko lang sa pagtakbo. Sumilay naman ang ngiti niya sa akin at parang maiiyak na siya.

"Pasensiya ka na natagalan ako." Sabi ko sa kanya. Sobrang nahiya ako dahil naghintay siya nang matagal dito. Alas tres nang hapon kasi ang oras ng pagkikita namin rito pero alas sais na ako nakarating.

Medyo madilim na rin at mabuti nalang kabilugan ng buwan kaya sobrang liwanag pa rin kahit gabi na.

"Oh napano ka?" Suri ko sa kanya dahil bakas na bakas ang lungkot niya kanina. Mabuti nalang unti-unti nang bumalik ang galak sa mukha niya nang makita ako.

"In, mabuti nakarating ka." Napangiti nalang ako noong mahigpit niya akong niyakap.

"Pasensiya ulit Bitu, hindi kasi ako pinayagan nila lola. Pero tumakas nalang ako. Kasi bukas hindi na tayo magkikita eh. Nakakalungkot man, uuwi na ako sa amin." Madamdamin kong sabi sa kanya at patuloy pa rin kaming nagyayakapan.

"Naiintindihan kita In. Masaya akong nandito ka," sagot niya na lubos kong ikinangiti. Mas lalong humigpit ang kanyang pagyakap bago siya kumalas sa akin.

"Talikod ka?" Utos niya sa akin na aking ikinataka.

"Huh?" Naguluhan kasi ako.

"Talikod kalang," tumango nalang ako at sinunod nalang siya.

"Hala, ano ito Bitu." Nagulat nalang ako nang may naramdaman akong bagay sa aking leeg

"Regalo ko sa iyo In. Ingatan mo iyan ha." Napaiyak ako sa sinabi niya at agad ko siyang niyakap ulit.

"Hala salamat rito sa kwintas, nag-abala ka pa. Nahihiya tuloy ako sa ibibigay ko sa iyo ngayon."

"May ibibigay karin sa akin?" Maligalig na tanong niya na tila abot langit ang kanyang ngiti kaya nahawa na rin ako.

"Oo, sandali lang." Kumalas ako sa kanya saka kinuha ang bagay na nasa bag ko.

"Heto, pasensiya kana ayan lang ang maiibigay ko sa iyo." Nahihiyang ani ko.

Ang ibinigay ko sa kanya ay isang drawing naming dalawa kasama ang aso na si Bituin. Iyon kasi ang naisip kong ibigay sa kanya saka may mensahe rin iyon. Binalot ko rin iyon.

"Ano ka ba. Maraming salamat In." Inakbayan niya naman kaagad ako.

"Wag mo munang buksan, Bitu. Mamaya na pag-uwi mo ha." Nahihiya kasi ako sa drawing ko at sa laman ng mensahe roon. Mabuti nalang tumango siya.

"Babalik pa naman ako rito sa susunod na bakasyon. Magkikita pa naman tayo eh. Sinisigurado kong may pasalubong akong ibibigay sa iyo Bitu at kay Bituin rin." Sumilay ang ngiti ni Bitu at nangingilid ang luha sa sinabi ko.

Ikaw Ang Aking Bituin (BxB) (MPREG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon