LEEYAM
°•°•°•🌟•°•°•°
"Kiss mo ako sa pisngi," bulong niya na nagpatindig ng balahibo ko.
Shete ka Rald! Hindi ko maiwasang mapalunok sa aking laway at mamula dahil ba sa kilig o ewan. Hindi ko maipaliwanag.
"Hala sure? Nahihiya ako. Iba nalang, please," ginalingan ko talagang ngumuso sa kanya at sana epektibo ito.
"Ang cute mo, sige na nga. Ihahatid nalang kita sa inyo." Nakahinga ako nang maluwag at napatalon sa tuwa.
"Sige mas okay yan," masayang sabi ko at marahang humarap sa kanya habang nakangiti. Pero may biglang bumangga sa aking pisngi na malambot na bagay hanggang napunta ito sa aking malambot na labi pagkaharap ko nang buo sa kanya.
Nanlaki ang aking mata at naramdaman kong bumilis ang tibok ng aking puso.
Agad ko siyang itinulak palayo sa akin.
"Loko ka Rald! Dumada-moves ka sa akin. Nakadalawang halik kana sa akin ha," seryosong sabi ko sa kanya pero tinawanan niya lang ako.
"Hintayin mo ako sa parking area, inaasahan kong nandoon ka Yam dahil pumayag ka." Tumango nalang ako at napakagat ng labi dahil kinindatan niya ako bago siya kumaripas nang takbo.
Napakapit nalang ako sa aking dibdib dahil sa lakas ng tibok ng aking puso.
Dahil ba ito sa kaba?
Tahimik kong binabaybay ang daan patungo sa parking area ng school. Natigilan ako sa aking paglalakad nang masilayan ng aking mga mata si Jeremy ngunit minabuti ko nalang na magsimulang maglakad ulit.
Nang magkasalubong na kami ay kita ko sa kanyang mukha na parang may gusto siyang sabihin ngunit biglang nag-iba ang ekspresyon ng kanyang mukha. Siya ay ngumiti at tumango, sinuklian ko rin ito ng ngiti at tango. I'm happy dahil sinunod niya ang aking sinabi.
Nakailang minuto rin akong naghintay bago dumating sa aking harapan ang kulay itim na kotse ni Gerald. Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at agad sumakay katabi niya. Agad ko na ring sinuot ang seatbelt, baka dumada-moves naman.
Napatingin ako sa kanya nang walang sabi-sabing pinaandar niya ang kotse.
"Oh, bakit tayo huminto?" Nagtaka ako dahil hindi pa naman kami nakarating sa bahay.
"Kain muna tayo, nagugutom na ako." Tumango ako at marahang inalis ang seatbelt.
"Ahhh, oh sige." Agad naman siyang bumaba at pinagbuksan ako.
Nagulat ako sa ginawa niya, lakas makababae ni hindi naman ako babae. Siguro gentleman lang siya.
Pagbaba ko ay napanganga nalang ako.
"Seryoso, dito tayo kakain? Ang mahal dito, sa iba nalang. Nakakahiya Rald," sita ko sa kanya.
"Oo, ang romatic nga diba." Napailing ako sa tugon niya.
"Loko ka, so parang date na rin ito?" Tumango naman siya at ngumisi.
"Date nga ito," biglang nasamid ako sa sarili kong laway at napaubo na rin.
Sure ba siya?
Pagpasok namin ay nahiya tuloy ako. Mabuti nalang at naka civilian attire ako ngayong araw. Ang ganda ng interior designs and decorations. Masasabi ko talagang mamahalin. Nanliit tuloy ako sa aking sarili dahil first time ko pang pumasok sa ganitong mamahalin na restaurant.
Nang makaupo na kami ay agad kong tiningnan ang ala carte o menu book nila. Nanlaki ang aking mata sa presyo ng pagkain, ang mahal.
Kaya kung ano yung pinili ni Rald ay iyon din sa akin. Gaya-gaya na lamang ako.
BINABASA MO ANG
Ikaw Ang Aking Bituin (BxB) (MPREG)
RomanceBxB | MPREG Ang kwentong ito ay umiikot sa buhay ni Yam. Siya'y isang tao na may malalim na pinagdaanan sa nakaraan. Karanasang nakaukit pa rin sa kanyang puso't isipan hanggang ngayon. Kamusta na kaya ang buhay niya ngayon? Aayon na kaya sa kanya a...
