LEEYAM
°•°•°•🌟•°•°•°
Kakatapos lang naming kumain ng lunch ay bumalik muna kami sa room namin. Magpapahinga muna kami sa kwarto dahil sobrang napakainit ng araw.
Mamaya pa namang alas tres nang hapon kami magtatampisaw sa dagat na aming napagkasunduan kanina dahil low tide na sa mga oras na iyon.
Tungkol naman sa victory party ay mamayang gabi pa naman.
Pagsapit ng oras ay agad kaming tumungo sa dalampasigan. Nakasuot ako ng maikling shorts na pang-beach at t-shirt dahil ayaw kong ma-expose ang aking katawan.
Ganoon rin ang sinuot ng aking kaibigan. Tanaw na tanaw ko rin ang mga lalaking ibinabandira nila ang kanilang matipunong katawan. It means topless lang sila at tanging suot lang ay beach short.
Talaga namang maakit ang makakakita sa kanila. Katulad ng mga kaibigan kong naglalaway na sa magandang tanawin. Mabuti nalang hindi marami ang mga taong nandito sa beach baka pinagkaguluhan na sila. Isa kasi itong pribadong resort.
Nang damhin ko ang paligid ay maayos ang klima ng panahon. Maganda rin ang tanawing nakikita ko at ang ganda ng buhangin dahil medyo maypagka-white sand. Sobrang linis pa ng dagat at hindi gaanong maalon. Kalmado lang na tila kay gandang magtampisaw.
Pangiti-ngiti lang ako dito sa inuupuan kong buhangin habang tinatanaw sina Sunhine, Garey, at Miggy na nagsasayang lumalangoy na parang nag-ala sirena kasama ang mga ilang varsity ng basketball. Ang haharot at ang lalandi nila.
"Hindi kaba sasali sa kanila?" Bungad sa akin ni Jeremy. Tumango ako habang tuwid pa rin ang tingin sa friends ko.
"Mamaya pa siguro," napatingin tuloy ako sa kanya dahil umupo siya sa tabi ko.
"Ikaw? Oh bakit ka ganyan makatingin sa akin? Para ka yatang nakakita ng multo." Taka ko dahil ang lagkit ng pagkatitig niya sa akin.
Grabe, mula ulo papunta sa leeg pababa sa hita ko hanggang umabot na ito sa paa ko. Hindi siya nakasagot dahil kahit anong sita ko sa kanya ay parang hindi niya ako naririnig. Tulala lang siyang nakatingin pabalik paitaas hanggang huminto ang ipinupukol niyang tingin sa leeg ko.
Sobra na ang pagkailang ko kaya tinapik ko nang malakas ang kaliwang braso niya. Hindi naman ako nabigo dahil natigilan siya at napalunok. Kita ko talaga ang pagtaas-baba ng adams apple niya.
"May mali ba sa leeg ko?" Takang tanong ko sa kanya kaya agad siyang napatingin sa mata ko. Natulala na naman siya kaya tinapik ko ulit ang braso niya.
"A-ahh yeah! Meron, wait." Nagulantang naman siya at agad niyang inilapit ang kamay niya sa leeg ko hanggang lumipat na ito sa aking pisngi kaya nagsitayuan ang aking balihibo sa kakaibang nararamdaman ko. Naging matagal iyon na ikinailang ko talaga.
"Oh, ano na?" Sita ko na kanya. Parang aatakihin na ako sa lakas pa naman ng tibok ng puso ko.
Agad niya namang inalis ang kanyang kamay at kita kong nahiya siya sa akin. Nasaksihan ko rin ang pagkapula ng tainga niya. Mabilis siyang tumayo at pumunta sa harap ko. Inilahad niya ang kanyang kanang kamay.
"Tara," alok niya bagamat hindi siya makatingin sa akin nang maayos.
Ano kayang nangyari sa lalaking ito?
Napangisi nalang ako sa kanya at inabot ang kanyang kamay hanggang mabilis niya akong nahila kaya napasubsob ako sa matipuno niyang katawan. Hindi rin sinasadya ng isang kamay ko na madama at mahawakan ang dibdib niya na nagpa-awkward sa akin. Topless din kasi siya.
Naalibadbaran ako kaya umatras ako nang kaunti.
"Saan mo ako dadalhin?" Bigla-bigla lang kasi niya akong hinila.
BINABASA MO ANG
Ikaw Ang Aking Bituin (BxB) (MPREG)
RomantikaBxB | MPREG Ang kwentong ito ay umiikot sa buhay ni Yam. Siya'y isang tao na may malalim na pinagdaanan sa nakaraan. Karanasang nakaukit pa rin sa kanyang puso't isipan hanggang ngayon. Kamusta na kaya ang buhay niya ngayon? Aayon na kaya sa kanya a...
