LEEYAM
°•°•°•🌟•°•°•°"Saan ka galing? BAKIT NGAYON KA LANG NAKAUWI?" Galit na galit na sigaw sa akin.
"A-a-at-te," nauutal kong wika ni hindi ako makatingin sa kanya at hindi rin makagawang makapagsalita nang tuwid.
"SAGUTIN MO AKO, YAM!" Malakas na sigaw ni ate Belle. Ngayon lang siya nagalit sa akin ng ganito. Nanginig ang aking tuhod at nag-umpisa nang magsibabaan ang luha ko.
Hindi kalayuan ay may narinig rin akong yapak ng ibang tao, sina ate Jessie at kuya Francis pala iyon. Naalimpungatan siguro sa lakas ng boses ni ate.
"Sa-sa kai-ibig-gan ko po, a-a-te. Sor-ry po ta-lag-ga," nanginginig pa rin ako sa pagsasalita.
"Sino naman 'yang kaibagan mo?" Agad akong natahimik sa tanong ni ate. Hindi ako nakasagot at yumuko ako sa kahiyaan.
Ayaw ko namang banggitin ang pangalan ni Jeremy. Hindi naman niya iyon kasalanan, it's my fault naman dahil nakalimutan kong uuwi pa pala ako. Naging pabaya ako, ito ang consequence ko.
"SUMAGOT KA LEEYAM ENCARNACION!" Napakapit ako sa aking dibdib habang nakayuko. Takot ako, takot na takot ako sa sigaw ni ate. Nakakapanindig balahibo. First time kong marinig na winika niya ang buo kong pangalan.
"Is it Jeremy?" Pagsingit ni kuya at napakagat nalang ako sa aking ibabang labi.
Obvious bang siya ang kasama ko? Kung oo ay hindi na talaga ako nito makakalusot. Ang hirap ng magsinungaling sa sitwasyon ko ngayon.
"Siya ba? Dahil kayo lang namang dalawa ang hindi namin ma-contact." Nanatili akong nakatikom at mas lalong naiyak dahil nakukonsensiya na ako. Hindi ko na rin kayang magsalita ni isang salita man lang.
"Bakit hindi ka makasagot Yam?" Ani pa ni kuya.
"Silence mean yes, it means kayo nga ang magkasama," pagsingit ni ate Belle.
"At anong ginawa niyo? Naglampungan? Gumawa ng kamunduhan? Naangkin ka niya? Kitang-kita ang ibidensya Yam, paika-ika kang maglakad at sobrang visible ng hickey na nasa leeg mo." Nanlaki ang aking mata sa narinig ko. Hindi 'yan totoo ate dahil walang nangyari sa amin. Gusto ko mang sumagot pero kinain na ako ng hiya at takot.
Natigilan rin ako at dinama ang aking leeg. Wala naman akong napinsin na ganyan kanina. Maybe mas natuon lang ang buong pansin ko sa sakit ng ulo na aking naramdaman kanina.
Nang ibaling ko ulit ang aking tingin kay ate Belle ay galit na galit siyang nakatingin sa akin na parang umuusok ang tainga niya. Umaapoy na rin ang mga titig niya sa akin. Ganoon rin si kuya, maliban nalang kay ate Jessie na awang-awa na nakatingin lang akin.
Napayuko nalang ulit ako at damang dama ko ang luhang patuloy na kumakawala sa aking mukha.
"Nag-inuman rin kayo noh? Amoy na amoy namin na amoy alak ka, Yam! Kaya pala hindi ka ma-contact at nakauwi dahil nalasing ka na. Alam mo namang bawal kapang uminom Yam, labing pitong taong gulang ka palang na isang menor de edad. Sinabihan ka na namin niyan nang paulit-ulit. Anong ginawa mo? Hindi ka nakinig sa amin at nagpakalasing. Sinira mo ang tiwala namin Yam, I'm so disappointed. Binasag mo ang puso ko. Hindi ko aakalaing magagawa mo ito sa amin." Mahabang ani ni ate Belle at randam kong papalapit siya sa aking kinatatayuan. Nasa hagdan pa rin ako kaya bumaba ako para salubungin siya.
Habang nahihirapang bumaba ay nakuha naman ni kuya ang atensiyon ko.
"Pinag-alala mo kami Yam ni hindi namin magawang makatulog dahil hindi ka pa nakauwi. Parang nababaliw na kami rito sa mga oras na lumilipas dahil hindi namin alam kung saang lupalop ka. Nakuha mo pang magsinungaling sa amin." Tinamaan ako sa bawat salita na sinambit ni kuya Francis sa akin. Tusok na tusok sa aking puso, sobrang sakit na masaksak ng katotohanan.
"K-kuya," tanging nasambit ko dahil mangiyak-ngiyak pa rin ako.
"Ahhray!" Isang malakas na sampal ang lumapat sa kaliwang pisngi ko. Sobrang sakit nang pagkasampal ni ate Belle sa akin. Sapat na iyon para gisingin ako sa napakalaking kamalian na nagawa ko.
Mas lalo akong napangiwi sa isa na namang sampal sa kabila kong pisngi.
"Yam, maging silbi 'yang pampagising sa nagawa mo. Wala kang hiya. Nakuha mo pang mag-paangkin at makipag-inuman sa ex ng kapatid mo. Hindi mo binigyan ng respeto ang paghihiwalay nila, kami, si Gerald. Kawawa rin siya dahil napuyat iyon kahahanap sa iyo." Seryosong sabi ni ate na parang sibat na tumusok sa dibdib ko.
Agad akong napakapit sa aking dibdib dahil naghahabol na ako sa aking hininga. Sobrang sakit sa pakiramdam.
Alam kong hindi totoo ang ilan sa sinabi ni ate pero nawalan na ako ng lakas na magsalita.
"Para magtanda at matuto ka Yam. Napagdesisyunan naming grounded ka simula ngayon at may isa pa kaming punishment na malalaman mo soon." Agad akong napatango sa sinabi ni ate.
"So-sor-rry," mahinang sabi ko dahil mas lalong humihigpit na ang dibdib ko.
"To tell you honestly Yam sa ginawa mo, hindi mo na deserve si Gerald. Bet na bet pa naman namin siya sa iyo pero ito lang ang ginawa mo sa kanya. Todo effort na nga siya sa iyo para magawa mo rin siyang mahalin kahit kaunti at para na rin makuha ang sagot mong oo. Napakasakit iyon sa parte niya Yam." Pahayag ni ate Belle at tumigil sandali upang bumuntong hininga.
"Yam! Ngayon ay klaruhin mo dito sa aming harapan kung ano ba talaga si Gerald sa iyo. Para magkaalaman na." Sa pahayag ni ate ay hindi ko talaga deserve si Gerald.
Sa lahat ng kabaitan at ka-sweetan niya ay hindi ko talaga deserve. Napasuntok nalang ako sa aking dibdib.
"Is-is it true? Yam, totoo ba iyon lahat?" Nagulat ako sa aking narinig, it was Rald's voice. Malungkot siyang nakatingin sa akin at nangingilid na ang luha. Hindi ako makapaniwa na nandito pala siya.
Mas lalo akong nahirapan sa paghinga at kasabay niyon ang pagkagat ko sa aking labi. Ang bigat na ng aking nararamdaman.
"S-so-sorry talaga Rald. Sinubukan ko naman pero wala eh." Nakatingin lang siya sa akin na may pait, sobrang lungkot na niya.
"S-sorry ulit R-rald, dahil hindi ikaw ang laman ng aking puso. May puwang ka naman sa akin pero hindi eh. Hindi ka man lang pumasok doon dahil may nagmamari na nito," bitiw kong sabi at agad napakapit sa aking dibdib.
"Ra-rald hindi ako deserve para sa iyo. Tama na dahil lubos na kitang nasaktan ngayon. Makakahanap ka rin ng tunay na magmamahal sa iyo. Sorry talaga at maraming salamat sa lahat," madamdaming sabi ko at napaupo nalang habang napayakap sa sa aking tuhod. Naghahabol pa rin ako sa aking paghinga dahil sa matinding emosyon.
Nasabi ko na, hindi ko na kayang magsinungaling pa, ayaw ko nang paasahin siya.
"Ganoon nalang ba iyon Yam?" Tumango ako habang nakayuko. Buo na ang aking desisyon. Ayaw ko nang magpaasa.
Rinig na rinig ko ang malakas na hagulgol ni Rald, hindi yata makapaniwala na binasted ko na siya at hindi yata niya ito matanggap. Kung ipagpapatuloy ko naman ang panliligaw niya matapos ang nangyari ngayon ay parang ang unfair ko na at papaasahin ko lamang siya.
Nang matapos iyon ay naiwan akong mag-isang umiyak sa sahig hanggang may naramdaman akong taong yumakap sa akin, si ate Jessie.
Bakit ate? Hindi kaba galit sa akin?
Iyak ako nang iyak. Ang sakit ng damdamin ko. Naninikip ang dibdib ko at kumikirot ang puso ko.
Ang sama-sama kong kapatid. Hindi ko maintindihan kung bakit dinamayan ako ni ate Jessie. Galit dapat siya sa akin pero hindi. Awang awa siya sa akin.
"A-a-te Jes-sie s-sorry talaga."
"Shhh, tahan na. Naiintindihan kita. Tumahan kana, nandito lang ako. Mapapatawad ka rin nina ate at kuya sa tamang panahon." Pagpakalma sa akin ni ate subalit mas lalong humigpit na ang dibdib ko. I'm gasping for air hanggang naging itim na ang aking nakita at tila nawalan ako ng lakas.
"Yam! Hala anong nangyari sa iyo? Hala Yam, Tulong! Ate! Kuya!" Huling narinig ko kay ate nang mawalan ako ng malay.
BINABASA MO ANG
Ikaw Ang Aking Bituin (BxB) (MPREG)
RomantizmBxB | MPREG Ang kwentong ito ay umiikot sa buhay ni Yam. Siya'y isang tao na may malalim na pinagdaanan sa nakaraan. Karanasang nakaukit pa rin sa kanyang puso't isipan hanggang ngayon. Kamusta na kaya ang buhay niya ngayon? Aayon na kaya sa kanya a...