S1 - Chapter 3: The Deal

795 41 2
                                    

LEEYAM
°•°•°•🌟•°•°•°


"Just believe in yourself." Ang huling statement ko sa aking sagot at ngumiti agad sa mga judges. Nang tumalikod na ako pabalik sa aking puwesto, parang nabunutan ako ng tinik. Napakapit agad ako sa aking dibdib. Huminga nang maluwag dahil hindi makapaniwalang nakasagot ako nang maayos. Kaya pagkaharap ko ay sumilay sa akin ang ngiti.

Ilang minuto ang lumipas ay pinabalik na kami sa backstage para mag-retouch. Kasunod kasi nito ang awarding para sa mananalo. Nang makarating ako ay agad sumalubong sa akin si ate Jessie. Nakangiti siya nang malapad. Nakikita ko rin sa kanyang mukha ang ibayong saya at masasabi kong proud na proud siya sa akin.

"Ang galing mo Yam este Leandra Mitch Encarnacion," masayang bungad niya habang niyayakap ako nang mahigpit. Napangiti ako habang ninanamnam ang yakap.

"Salamat ate, saan ba ako nagmana? Diba sa iyo naman," pabirong tugon ko habang patuloy pa rin kami sa pagyayakapan.

"Siyempre naman magkapatid kaya tayo." Kumalas na kami sa pagyayakapan at umupo ako dahil kanina pa nangangawit sa kakatayo nang matagal ang paa ko.

"Grabe si Sunshine sa kanyang sagot, Yam. Alam mo bang standing ovation ang mga judges sa kanya. Huwag kang mag-alala bet ka rin ng judges. Pareho rin kayong bet ng mga manunuod," wika naman sa akin ni ate. Namangha naman ako sa aking narinig. Hindi ko naman talaga maririnig ang kanilang sagot dahil ako ang huling sumagot at may nakalagay pa na headphone sa aking magkabilang tainga. May nakatutok din sa aming mga ilaw kung kaya hindi ko gaanong maaninag ang mga audience.

Kung papalarin ay sobrang matutuwa ako. Kung hindi naman ay okay lang kasi binigay ko naman ang aking best at nag-eenjoy naman ako nang sobra. Ang importante ay magagamit ko ang experience na ito para ma-develop at ma-improve ang aking sarili.

Matapos ang break ay pinabalik na kaming top five sa stage. Nagsimula narin ang host na mag-announce. Dama ko ang tibok ng aking puso. Kinabahan pa rin ako.

"Who do you think is the best in swimsuit?" Dumagundong ang malakas na hiyawan ng mga manunuod. Cheering sa sinusuportahan nila. Lalo akong kinabahan nang tumugtog ang pangpakabang musika. Ngumiti na lang ako sa harap at tiningnan ang gawi kung saan nakaupo ang aking kapatid para maibsan ang kaba.

"Best in swimsuit goes to... Candidate number... FOUR!" Natulala ako saglit sa aking narinig. Hindi ako makapaniwala. Umabante akong nakangiti. Tila rin aagos ang aking luha habang nilalagyan nila ako ng sash. Ang pinakaunang award na nakuha ko. Pagkabalik ko sa linya, rinig kong binati ako ni Sunshine. Masayang masaya ako dahil may natanggap na ako.

"For the best in evening gown. Who's your bet?" Tanong ng host at malakas na sigawan ang umalingawngaw.

"The best in evening gown is... No other than candidate number four!" Pinanlakihan ako ng mata. Hindi pa rin ako makapaniwala. Gulat akong sinusuotan ng sash. I'm so happy. Hindi ako makapaniwala na nakakuha na naman ako ng isang minor awards.

Speaking of Sunshine, bilib na bilib ako sa kanya. Miss professionalism, Miss congeniality, Miss friendly, Miss photogenic, Best in production number, Best in talent, at Darling of the crowd ang hinakot niya. Napunta naman sa iba ang ibang minor awards.

Para akong aatakihin sa puso sa sobrang kaba na lumukob sa akin. Tatlo nalang kaming natira rito sa stage. Grabe na rin ang tensyong namumuo sa aking puso. Rinig na rinig ang malakas na pasuspense na musika at sigawan ng mga tao.

Ikaw Ang Aking Bituin (BxB) (MPREG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon