LEEYAM
°•°•°•🌟•°•°•°Pagkalito ng aking isipan at sakit sa damdamin ang naramdaman ko matapos ang paratang ng taong iyon.
Hindi ko maintindihan kung bakit sinabihan ako na isang manloloko at manggagamit. In the first place at sa pagkaalala ko'y wala naman akong ginawang masama o kamalian.
Matapos niyon ay sumiklab ang aking nararamdaman na tila sinukluban ako nang matinding galit at inis kay Jeremy at sa lalaking iyon.
Para akong sinaksak ng maraming beses sa aking puso at napagtanto ko na baka...
Na baka....
Agad akong napatakip sa aking bibig at bigla nalang umagos ang unang patak ng aking luha.
Na baka pinagtaksilan ako ni Jeremy.
Hindi ito maari. No way! Why? Dahil hindi ko maibigay sa kanya agad-agad ang buong sarili ko.
Pero...
Pero sa pagkakaalam ko'y hindi kayang gawin sa akin ni Jeremy iyon dahil randam na randam kong mahal na mahal ako ng lalaking iyon.
Napahagulgol nalang ako habang itinuon ang tingin sa durungawan ng bus. Tahimik ngunit hapding hapdi na ang puso ko.
And to that guy? Sino naman iyon sa buhay ni Jeremy? Shete siya! Boses lalaki pero may halong boses babae rin.
Kaya ba walang paramdam si Jeremy dahil kasama niya ang taong iyon.
All this time, pinaglaruan lang ba niya ako?
At ano naman ang meron sa lalaking iyon na wala sa akin?
Shete! Im over thinking again. Stop, dapat i-confirm ko muna kung tama ba ang hinala ko dahil aatakihin lang ako sa puso kakaisip nito.
Pero, kailan?
Ni hindi ko nga siya makausap. Ni hindi ko nga alam kung saang lupalop siya ng mundo. Ni hindi ko nga alam kung kailan pa kami magkikita.
O baka hindi na nga siya magpakita sa akin dahil nakahanap na siya ng iba na makapagbibigay sa kanya ng mga pangangailangan niya bilang lalaki.
Shete! Siguraduhin lang ni Jeremy na wala siyang ginawang kalokohan dahil hindi ko na talaga alam kung ano ang magagawa ko sa kanya kapag nagkita kami.
Inilabas ko lahat ng nararamdaman kong sakit habang nakatanaw sa labas ng durungawan. Kaya all throughout ng biyahe ay mugtong mugto na ang mata ko sa kakaiyak.
Napakapit ako sa aking dibdib dahil ngayon ko lang na-realize na katabi ko pala si ate Jessie. Mabuti nalang naka-earphone ito habang natutulog kaya hindi nagising at sa limang oras na byahe na iyon ay tulala lang ako bago kami nakarating sa bahay ng aming lolo at lola.
"Lola at Lolo, namiss po namin kayo." Masayang bungad ko kaagad nang makita namin sila sa pagbukas ng tarangkahan.
"Lim-lim ikaw na ba iyan?" Wika ni lola sa akin, nasa likod kasi si ate.
"Ako nga po lola," masayang sabi ko at pilit itinatago sa aking mukha ang sakit na nararamdaman.
"Aba kay laki mo na apo, noong nandito ka ay kay liit mo pa nun." Namamanghang sabi ni Lola habang si Lolo naman ay nakangiting nakatingin sa amin.
"Sure ka na ba rito apo, wala na ba yung trauma mo?" Tanong sa akin ni lola.
"Meron pa po lola, nagpag-isip-isip ko na po ito bago ako nagpasya na pumunta rito na lalabanan ko ang takot ko sa lugar na ito at ang trauma na naranasan ko. Hindi na ako magpapatalo nun". Firm na sagot ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/250568028-288-k496712.jpg)
BINABASA MO ANG
Ikaw Ang Aking Bituin (BxB) (MPREG)
RomanceBxB | MPREG Ang kwentong ito ay umiikot sa buhay ni Yam. Siya'y isang tao na may malalim na pinagdaanan sa nakaraan. Karanasang nakaukit pa rin sa kanyang puso't isipan hanggang ngayon. Kamusta na kaya ang buhay niya ngayon? Aayon na kaya sa kanya a...