LEEYAM
°•°•°•🌟•°•°•°
Hindi na naalis sa aking isipan ang mensaheng nabasa ko galing kay Jeremy. Patuloy itong gumugulo, mabuti nalang naintindihan ko pa rin ang discussion ng aming guro.
Nang matapos na ang klase ay agad nagsilabasan ang iba naming kaklase dahil uwian na. Hindi kasi pumasok si Jeremy dahil may meeting daw ang basketball team.
Pinauna ko nalang si Miggy dahil may pupuntahan pa ako.
Patungo na ako ngayon sa hardin ng school na may maraming mga makukulay at magagandang bulaklak.
"Yam," ako ay natigilan sa pamilyar na boses na aking narinig. Alam ko kung sino iyon kaya nagdadalawang isip ako kung lilingon ba o hindi.
Ngayon pa kasi siya nagpakita sa akin.
"Rald, bakit?" Seryoso akong nakatingin sa kanya. Pumunta kasi siya sa harapan ko.
"Sorry talaga Yam sa nagawa ko." Paghingi niya ng kapatawaran sa akin. Dama ko rin ang lungkot sa kanyang mga mata at matindi niyang pagsisi. Sincere rin naman ang pagkakasabi niya.
"Wala na iyon, Rald. Lasing kalang pero hindi talaga ako makapaniwala na magagawa mo iyon sa akin." Agad naman siyang lumuhod sa aking harapan.
"Patawarin mo ako Yam. Sorry talaga." Humahagulgol na siya at kumapit na rin sa slacks ko malapit sa tuhod.
Napailing nalang ako dahil hindi niya yata naintindihan na pinapatawad ko na siya.
"Okay na Rald, napatawad na kita. Huy! Ano ka ba! Tumayo ka nga riyan." Mabuti nalang at walang masiyadong estudyante. Nakahinga naman ako nang maluwag noong tumayo siya.
Kita ko ring nangingilid na ang luha niya at malungkot ang tingin niya sa akin
"Hindi kaba masaya na pinatawad na kita," malumanay kong sabi na nagpangiti sa kanya.
"Masaya pero hindi masyado," madamdamin ang pagkabigkas ng kanyang bawat salita.
"Eh, bakit naman? May girlfriend ka na nga yata, diba?"
"Walang kami Yam, mahal niya ako pero iba ang mahal ko," may pait ang pagkakasabi niya. Tumango ako dahil alam ko naman kung sino ang tinutukoy niya.
"Hindi na ba talaga pwede, Yam?" Bigla akong natahimik sa sinabi niya.
"Anong ibig mong sabihin?" Paninigurado ko kung tama ba ang aking hinala ngayon.
"Na maging tayo?" Mapait siyang nakatingin sa akin habang ako naman ay nakatingin lang sa kanya.
Tama nga ang hinala ko. Huminga muna ako nang malalim saka nagpakawala ng hangin.
"Nasabi ko na sa'yo ang sagot, diba Rald." Nangingilid na rin ang luha niya kaya nadala na rin ako.
"I see," ngumisi siya saka tumango hanggang namalayan ko nalang ang matipuno niyang braso na biglang pumulupot sa aking katawan. Nagulat ako sa ginawa niya kaya hindi ako nakagalaw.
Randam ko ang sakit na dinadala niya. Ganito talaga ang buhay, minsan hindi natin nakukuha ang gusto nating makuha.
"Please, yakapin lang kita sa huling pagkakataon, Yam." Tumango ako at niyakap ko rin siya. Tumagal iyon ng ilang mga minuto at nang kumalas na kami ay nakahinga ako nang maluwag.
"One last time," biglang nangunot ang noo ko sa sinabi.
"An-" Ang mabilis na paglapat ng kanyang labi ang nagpatahimik sa akin.
As in, lumaki talaga ang mata ko. Napanganga rin ako sa ginawa niya.
"Salamat sa lahat Yam." Umalis na siya kaagad at iniwan ako sa ere. Mabilis lang naman ang halik niya sa akin subalit ako naman ay naiwang tulala habang hinihimas ang aking labi.
BINABASA MO ANG
Ikaw Ang Aking Bituin (BxB) (MPREG)
RomanceBxB | MPREG Ang kwentong ito ay umiikot sa buhay ni Yam. Siya'y isang tao na may malalim na pinagdaanan sa nakaraan. Karanasang nakaukit pa rin sa kanyang puso't isipan hanggang ngayon. Kamusta na kaya ang buhay niya ngayon? Aayon na kaya sa kanya a...
