S1 - Chapter 20: Sweet Revenge

387 26 16
                                    

LEEYAM
°•°•°•🌟•°•°•°


Nakabusangot ako habang naglalakad patungo sa apartment. Kasi naman, lakas mang-asar ni Rald.

Naramdaman kong magsasalita siya ngunit pinutol ko na at inunahan, kaasar kasi. Magsisimula na naman sa kakornehan niya.

"Sige! Isa pa Rald, malilintikan kana sa akin," sita ko sa kanya subalit ang gago naka-ngisi lang sa akin.

Aba! Nag-eenjoy kapa. Ubosin mo ang pasensiya ko. Nako!

"Yam?" Nangunot na ang aking noo at nagsalubong ang kilay.

Humanda ka sa aking gagawin Rald, tiyak akong ikaw ay magugulat.

Huminto ako saglit sa paglakad. Pinakiramdaman ko muna siya. Kailangang nasa gilid ko siya.

Nang nasa tamang puwesto na siya'y walang pag-aalinglangan kong sinundot ang kaliwang bahagi ng tagiliran niya.

"Ahhhh!" Napatalon at napasigaw siya nang malakas. Ngiting tagumpay ako. Palihim akong napangisi.

Namumula ang kanyang mukha sa kahiyaan dahil nagpukaw iyon ng maraming atensiyon. Nagulat na lamang ako at siya ay nakangisi.

Luh! Baliw na ba siya?

"Tangina, Yam." Bulong niya sa akin na nagpatayo ng aking balahibo.

Shete ka Rald! Ano ba itong ginagawa mo, aagaw talaga ng atensiyon sa mga taong nakatanaw sa amin. Pano nga ba, biglaan niya akong niyakap.

Nanginig ang mga balikat ko sa mainit niyang hininga. Tila nagbigay kiliti sa katawan ko.

"Bakit parang nanginginig ka diyan? Kinilig ka yata?" Asar na naman niya sa akin. Nagsalubong ang aking kilay dahil nahulaan niya.

It's true, kinilig ako. Shete ka Rald. Anong ginagawa mo sa sistema ko.

"Gurl! Nakakakilig sila!"

"Korek ka gurl! Mahihimatay talaga ako kapag nasaksihan kong nag-kiss sila." Rinig kong malakas na tili ng dalawang babae na malapit sa amin. Nahiya tuloy ako at yumuko.

May ghad! Hirap na akong huminga sa sitwasyon na ito. Sana ay tangayin nalang ako nang malakas na hangin.

"Sorry," bulong ni Rald kaya nag-angat ako ng tingin sa kanya. Nakangisi ang loko. Hindi ko mapigilang maguluhan at magtaka.

"Anong sor-." Hindi natuloy ang tanong ko at nanlaki na lamang ang aking mata sa gulat.

"YIEEE! Juicecolored! Pwede niyo na po akong kunin." Matulis na tili ng isang babae na parang wala nang bukas. Sa lakas pa ng kanyang tili'y kumuha na talaga ito ng atensiyon ng iba pang tao.

"Aray gurl, lakas mong manghampas. Sakit ng balikat ko. Halik lang yun noh. Grabe ka naman. Pero kinilig talaga ako hihihi." Pabebeng sabi ng isa.

Napaatras kaagad ako habang nakapikit. Hindi ko gustong makita ang reaksyon nila. Napahawak agad ako sa aking labi. Kahit smack lang iyon ay dama ko pa rin ang lambot ng kanyang labi.

Hindi na virgin ang lips, ay oo nga pala hindi naman talaga ito virgin. May nakauna na pala.

Marahan kong ibinuka ang mata ko. Kita sa mukha niya ang lawak ng kanyang ngiti.

Nakakatampo ka Rald. You took advantage sa kahinaan ko. Baka ma-issue na naman ako nito.

"Bakit mo 'yon ginawa?" Seryosong tanong ko sa kanya.

Siyempre kailangan kong magmukhang galit kahit pero sa kaloob-looban ko ay mamatay na yata ako sa kilig.

"Pinagbigyan ko lang sila at saka sweet revenge ko na rin sa'yo," napailing nalang ako dahil nag-wink pa siya.

Ikaw Ang Aking Bituin (BxB) (MPREG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon