LEEYAM
°•°•°•🌟•°•°•°
Maliwanag na ang sikat ng araw nang magising ako. Pagkatingin ko sa orasan ay alas syete na ng ugma na labis kong ikinagulat. Agad akong napatapik sa mukha para gisingin ang aking diwa.
Shete! Dapat alas sais ng umaga ako gigising dahil sasabay ako kay ate Jessie papunta sa eskuwelahan.
Kaso napasarap ang aking pagtulog dahil ang laman ng panaginip ko ay si Jeremy. Simula noong nakilala ko siya ay palagi na siyang bumibisita sa paniginip ko na labis ko namang ikinatuwa kung kaya minsan ayaw ko nang magising. Kaya minsan tinatanghali rin ako ng gising.
Napabuntong hininga nalang ako at binilisan ang aking kilos dahil hindi pa naman ako huli sa unang araw ng klase.
Nakakasilaw ang sinag ng araw nang magsimula akong maglakad patungo sa eskuwelahan. Mayroon namang tricycle na masasakyan subalit palaging puno. Kaya minabuti ko nalang maglakad kahit may kalayuan ang aking lalakarin na halos aabot ng tatlumpung minuto ang lakaran.
Hindi pa naman yata ako mali-late nito.
"Yam! Tabi!" Rinig kong sigaw sa akin ng isang pamilyar na boses sa likuran habang ako ay marahang nagpupunas ng pawis sa mukha.
"Ahhh! Palaka!" Malakas na tili ko pagkatingin sa likod at agad napatalon sa gilid.
"Ano ba 'yan! Papatayin mo ba ako sa kaba? Muntik na akong atakihin sa puso sa kalokohan mo," seryosong sabi ko habang nakahawak ang isa kong kamay sa dibdib. Pero ang lokong lalaki ay tinawanan lang ako pagkahinto niya malapit sa akin kaya agad nangunot ang aking noo.
Aba, muntik na nga akong banggain ng sinasakyan niyang bisikleta ay tatawanan lamang niya ako. Idagdag pa ang pang-iistorbo niya sa pagdi-daydreaming ko kay Jeremy.
Nanggigigil ako, kung hindi lamang siya kapatid ng aking bestfriend at kababata ay baka kanina ko pa siya binatukan.
Lakas talagang mang-asar at mang-trip ang lalaking iyan kung kaya naiirita at umiiba ang templa ng mukha ko sa kanya. Palagi nalang akong ginagambala at ginagawang katuwaan. Sobrang nakakasira ng umaga ang numero unong bully ng buhay ko, si Derrick.
"Sakay," tipid niyang sabi sa akin at nanlaki naman ang aking mata.
Nahihibang na ba siya. No, hindi ako sasakay. Baka may binabalak na naman siya para inisin ako.
"Anong sakay?" Tanong ko sa kanya na parang hindi ko alam ang ibig niyang sabihin.
Humarap siya sa akin na naiirita saka agad niyang sinenyasan ako sa pamamagitan ng kanyang pagnguso na umangkas sa bisikleta.
Napailing naman ako pero ang cute ng panguso niya. Ano ba itong iniisip ko? Dapat si Jeremy lang ang cute sa paningin ko.
"Tutunganga ka lang ba riyan, dalian mo na dahil mahuhuli tayo sa klase." Pagkasabi niya niyon ay nanlaki naman ang mata ko dahil malapit na akong ma-late nang tingnan ko ang aking relo.
Kahit labag sa aking kalooban ay titiisin ko nalang dahil ayaw ko pang ma-late.
"Sabagay. Sige na nga." Napilitan kong sabi. Agad naman akong umangkas sa likurang bahagi at maiging kumapit sa polong uniform niya.
"Rick? Bakit hindi ka pa pumipedal?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Ipulupot mo muna ang kamay mo sa tiyan ko at kumapit nang mabuti bago ako papadyak. Hindi ako papadyak kapag hindi ka susunod," seryoso niyang banta sa akin. Napailing nalang ako sa kanyang pinapagawa sa akin.
"Ano? Hindi naman ako malalaglag. Doon lang ako sa uniform mo kakapit, Rick." Seryosong tugon ko sa kanya at sana sumang-ayon siya.
"Basta, sumunod ka lang. Wala namang mawawala." Sabi pa niya na labis kong ikinailing.
BINABASA MO ANG
Ikaw Ang Aking Bituin (BxB) (MPREG)
RomanceBxB | MPREG Ang kwentong ito ay umiikot sa buhay ni Yam. Siya'y isang tao na may malalim na pinagdaanan sa nakaraan. Karanasang nakaukit pa rin sa kanyang puso't isipan hanggang ngayon. Kamusta na kaya ang buhay niya ngayon? Aayon na kaya sa kanya a...
