S1 - Chapter 12: Paliwanag

429 29 0
                                    

LEEYAM
°•°•°•🌟•°•°•°

Lumipas ang mga araw ay palagi akong babad sa mga inuutos at pinapagawa sa akin ng boss ko. Wala na akong time para man lang magsaya kahit sandali lang dahil marami ring pinapagawa ang mga teacher namin. Ni hindi na ako makalabas ng apartment kapag nakauwi na ako.

Araw ng Biyernes ngayon at kasalukuyan akong nakikinig sa guro naming nagbibigay ng tagubilin. Mabuti nalang last subject na namin ito ngayong araw kaya makakauwi na rin ako at makakapagpahinga nang saglit.

"Itaas ang kaliwang kamay sa mga nakabunot ng numerong uno?" tanong ng guro namin at itinaas ko naman kaagad ang aking kamay.

"Shete!" Napamura ako nang mahina na tanging ako lang ang nakakarinig.

Bakit?

Bakit siya pa ang magiging ka partner ko?

"Mr. Encarnacion at Mr. Tamala. Dahil pareho kayo nang nabunot, kayo ang unang mag-uulat sa susunod na pagkikita natin. Maliwanag?" Napatango nalang ako sa aming guro at agad kaming binigyan ng paksang iuulat namin. Ganoon din ang ginawa ng guro namin sa ibang kaklase namin hanggang lahat ay nabigyan.

Nakahinga ako nang maluwag nang natapos na ang klase at makakauwi na ako.

Nang nasa harap na ako sa tarangkahan ng apartment ay may napansin akong pigura ng lalaki. Ang lalaking ayaw ko sanang makita.

Teka, bakit kaya siya nandoon sa waiting shed na malapit lang dito sa tarangkahan ng apartment na tinutuluyan ni Jeremy.

Napako ako sa aking posisyon nang lumapit siya sa kinatatayuan ko hanggang ilang dipa nalang ang layo niya sa akin. Nang magtama ang aming tingin ay tiningnan ko siya nang masama at nag-abot ang aking kilay. Subalit hindi siya nagpadala sa matalim kong tingin at tila seryoso siyang nakatingin sa akin hanggang napansin kong napabuntong hininga siya.

Matapos ang ilang segundong tinginan ay napaiwas nalang ako at itinulak siya palayo dahil mas lumapit siya sa akin. Agad akong tumalikod pero agad niyang nahila ang aking kamay kaya napaharap ako sa kanya at nagulantang sa ginawa niya.

Shete! Ngayon lang ulit naglapat ang aming kamay makalipas ang mahigit isang taon.

Hindi ito maari kaya pilit kong hinihiwalay ang kamay ko ngunit hinigpitan niya ito nang pagkakapit. Kaya napataas ako ng kilay sa kanya.

"Yam pwede ba tayong mag-usap?" Seryosong niyang pakiusap sa akin kaya napabuntong hininga nalang ako.

"Bago ko sagutin 'yang pakiusap mo. Ano kaya ang nakain mo?" Balik ko sa kanya. Bakas na bakas sa aking mukha ang namumuong galit.

"Tinatanong mo ang kinain ko? Paghininayang, Yam." Lumungkot ang kanyang boses sa sinabi niya ngunit mas uminit ang ulo ko.

"Anong connect ng paghihinayang sa pagkain?" Sagot ko kaagad.

"Wala pero alam ko ang ipinapahiwatig mo sa akin, Yam. Alam kong galit na galit ka sa akin. Sinaktan kita. Iniwasan kita. Kaya labis ang paghihinayang ko, Yam. Naghihinayang ang puso ko na iniwasan at lumayo ako sa iyo." Seryoso niyang tugon at randam ko namang buong-puso ang sinabi niya.

"Sige na nga pero dapat mabilis lang dahil may mga gawain pa akong tatapusin. Teka! Pwede bang bitiwan mo ang kamay ko." Sita ko sa kanya. Pagkasabi ko rin niyon ay agad sumilay ang ngiti sa kayang labi.

"Ano na? Ngiti-ngiti ka lang riyan? Bitawan nga sabi." Sita ko ulit at nakahinga ako nang maluwag nang bitawan niya ako.

"Doon tayo mag-usap sa loob ng kotse ko. Okay lang ba sa'yo, Yam?" Pakiusap niya na ikinatango ko kaagad.

Ikaw Ang Aking Bituin (BxB) (MPREG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon