Two years later!
Hindi mapigilan ang saya. Na tila parang naiiyak at kinakabahan. Nang bumakas ang pintuan ay kasabay din niyon ang pagtunog ng musikang nagbigay lalo ng buhay at kulay sa araw na ito.
Heart beats fast
Colors and promises
How to be brave?
How can I love when I'm afraid to fall?
But watching you stand alone
All of my doubt suddenly goes away somehow
One step closerBumungad ang napakagandang tanawin, iyon ang altar at naroon ang pinakagwapong lalaki na naghigintay, si Jeremy. Tila hindi nawawala ang ngiting ipinapakita niya. Na ito ang araw na inaasamasam niya.
Hindi ko mapigilan ang pagtulo ng aking luha kahit pilit ko itong pinipigilan.
Sa bawat pag-usad ay kitang-kita ko ang bawat saya ng bawat isa. Mas lalo rin akong namangha sa maraming bulaklak at palamuti na makikita sa paligid.
Nararamdaman ko rin ang ibayong saya sa bawat pagnamnam ng bawat usad ng paglakad sa aisle habang sinasabayan ang musika papunta sa altar.
I have died every day waiting for you
Darling, don't be afraid
I have loved you for a thousand years
I'll love you for a thousand more"We gather here today, in your presence to join these two individual's matrimony.
We celebrate the coming together in love of these two men.
We remember that marriage is a time when growing love is made public, when two people share mutual promises.
We join in our support of them as they offer themselves to each other. We celebrate their joy, their love and their expectations."
Nang ituon ko ang pansin kay Jeremy ay nababakas ko ang kaba sa mukha niya. Kasalungat naman sa akin na nakangiti at parang maiiyak naman.
"Jeremy you have chosen Timothy to be your partner. Will you love him, comfort and keep him, and forsaking all others remain true to him as long as you both shall live?"
"I will."
Agad kong hininto ang video na aking pinapanood dahil mas lalong bumubos ang aking luha.
Mabilis kong pinusan ito subalit ayaw talagang tumigil sa pag-agos.
Oo, alam ko. Ang sakit-sakit sa kalooban. Parang pinipiga ang aking puso sa aking pinapanuod. Iyon ang kasal nina Jeremy at Timothy kahapon. Ngayon ko lang natingnan nang makita ko ang video sa messenger na pinasa sa akin ni Sunshine para daw matauhan ako.
Dati'y pinangarap naming dalawa ito ni Jeremy na ikakasal rin kami balang araw. Natupad nga iyon sa kanya kaso ikinasal nga siya sa iba nga lang at hindi sa akin.
Hindi ko namalayang nasagi ko ang play button kaya tumunog at nag-resume ang video.
"Timothy you have chosen Jeremy to be your partner. Will you love him, comfort and keep him, and forsaking all others remain true to him as long as you both shall live?"
"I will." Dapat ako ang nagwika niyan eh.
Ini-off ko na ang phone ko. Inilabas lahat ng paghihinayang at sakit na dala-dala ko pa rin hanggang ngayon. Masakit pa rin talaga kahit matagal na ang nakalipas.
Bumalik ako sa paghiga sa aking kama at nakatuon lamang ang pansin sa kisame. Tulala at marami ang iniisip.
Bumalik rin sa akin ang ala-ala noong nagising ako sa bingit ng kamatayan. Akala ko katapusan na iyon ng aking buhay.
"Salamat sa Diyos, nagising kana Yam." Tatlong linggo na pala akong nakaratay dito sa hospital.
Randam ko rin na masakit at nanghihina ang katawan ko. Medyo maga pa ang bali ko sa aking kaliwang paa.
Nasilayan ko naman lahat ng kapatid ko. Pati na rin ang mga kaibigan ko sina Sunshine, Garey, at Miggy. Todo iyak sila sa akin nang makita nilang gising na ako.
"Sino kayo?" Biro ko sa kanila at tila nag-iba ang timpla ng kanilang mukha kasalungat naman kay Sunshine na nakangiti.
"Amnesia-han na ha, mas mabuti naman at nadinig ng may kapal ang dasal ko na sana makalimutan ni Yam ang kanyang ala-ala dahil sa mga pinagdadanan niyang hindi maganda."
"Seryoso friend? Biro lang naman, kayo ha. Sunhine naalala ko ang lahat," nalungkot si Sunhine habang ang iba ay nakangiti.
"Si Jeremy?" Tanong ko kaagad. Na nagbabaka sakali na binalikan niya ako at siya ang nagdala sa akin rito sa hospital. Bigo ako na makarinig ng tugon dahil ilang minuto rin silang tahimik.
Hindi sila nakasagot at nauunawaan ko naman. Kaya ibayong lungkot ang lumukob sa akin.
"Friend wala na, nandoon na siya sa Manila." Tumango ako at nangingilid na ang luha. Siguro kinamumuhian at galit pa rin iyon dahil sa ipinakitang video ni Timothy sa kanya kung kaya hindi niya ako pinansin dahil ako pa ang nagmukhang masama sa panigin niya at parang ako pa ang nagkamali.
"Nalaman niya bang naaksidente ako?"
"Hindi siguro friend," mapait akong nakapikit hanggang biglang nag-iba ang nararamdaman ko.
"Ate, kuya, friend, naduduwal yata ako. Para akong masusuka."
Mabilis naman sila kumuha ng plastic at doon ako sumuka.
Ipinaalam nila iyon agad sa doctor at nag-hintay kami ng resulta kung bakit nasusuka ako.
Ngayon, mahigit dalawang taon na pala ang nakalipas. Parang kahapon lang ang nangyari. Dama ko parin ang hapdi at sakit sa aking puso.
Ang hirap tanggapin na alam kong may puwang siya sa buhay ko. Pero heto talaga ang inalaan ng tadhana sa akin sa hinaharap.
Ano pa ang magagawa ko?
Ipagpapatuloy ko nalang ang buhay at tanggapin na hindi talaga kami itinakda para sa isa't isa.
Jeremy, ikaw ang bituin ko noong mga panahon na minsan kukunin na ng kataastaasan ang buhay ko. You save me many times. Pinasaya mo rin ako nang lubusan noong mga panahong tayo ay magkasama.
Hindi naman maitatago na ako ay naghihinayang na hindi ako ang nakatuluyan mo.
Gayon pa man, masaya ako para sa iyo ngayon na ikinasal kana. Congrats to the both of you.
Hanggang dito nalang yata Jeremy ko.
Hays, sobrang unfair talaga ng life.
Ganito talaga ang buhay. Hindi sa lahat ng panahon napupunta sa atin ang lahat o inaasam natin.
Na hindi ka na magiging akin pa.
Salamat sa lahat Biboy o Bitu dahil ikaw ang nagparandam sa akin ng tunay na pagmamahal. Ikaw rin ang nagbigay kulay sa bakasyon na iyon kahit hindi talaga umayon sa atin ang tadhana sa nakaraan at pati sa kasalukuyan.
Salamat sa lahat Jeremy dahil naging tayo kahit sa maliit lang na panahon. Pinadama mo sa akin sa mga panahon na iyon ang pagmamal mo nang lubusan.
Na-miss ko tuloy yung pagiging seloso o sobrang pagkapossessive mo.
Hindi ko na mapigilang matawa habang nagsibabaan na ang luha.
Parati ka paring nasa puso, isipan, at buhay ko dahil ikaw lang naman ang nag-iisang bituin ng buhay ko.
Ikaw ang aking bituin, Jeremy.
Paalam Biboy.
Paalam Bitu.
Paalam Jeremy. Mahal na mahal kita, alam mo iyan.
"Yam?" Tawag sa akin ni ate kaya agad kong inayos ang aking sarili.
"Ate Belle? Bakit?"
"Pumunta kana rito, ayaw tumahan ni baby Vitto." Mabilis kong pinusan ang luha ko sa aking mukha.
Huminga ako nang malalim at naglabas ng mahabang hininga bago ko pinuntahan ang aking anak.
"Tahan na baby Vitto, nandito na si papa."
END OF SEASON 1
*****⭐*****📌 Special mention sa "A thousand Years by Christina Perri" sa lyrics na aking ginamit.
📌 Season 2 is waving.
📌 Thank you so much for reading everyone.
![](https://img.wattpad.com/cover/250568028-288-k496712.jpg)
BINABASA MO ANG
Ikaw Ang Aking Bituin (BxB) (MPREG)
Storie d'amoreBxB | MPREG Ang kwentong ito ay umiikot sa buhay ni Yam. Siya'y isang tao na may malalim na pinagdaanan sa nakaraan. Karanasang nakaukit pa rin sa kanyang puso't isipan hanggang ngayon. Kamusta na kaya ang buhay niya ngayon? Aayon na kaya sa kanya a...