LEEYAM
°•°•°•🌟•°•°•°
Napakawalang hiya kong kapatid. Napakamabuting kapatid ni ate sa akin pero ito lang ang aking igaganti sa kanya.
Napakagat ako sa aking labi nang masilayan ko si ate sa labas na humahagulgol sa kakaiyak.
Lubos akong nasaktan sa aking nakita ni hindi ko kayang tingnan ang estado ni ate ngayon. Sobrang kahiyaan ang lumukob sa akin. But I need to compose myself, to make things right.
"Ate," nanginginig na bungad ko sa kanya. Mas lalong sumikip ang aking puso sa nakita ko sa mukha ni ate. Bakas sa kanyang mukha ang kalungkutan.
"Ate, napakabait mong kapatid sa akin pero nakagawa ako ng kasalan sa iyo. Alam kong na-dissapoint ka sa akin at alam kong ang ginawa ko ay sobrang nakakahiya. Nandito ako ate parahumingi ng tawad. Sana mapatawad mo ako, kung hindi man ngayon ay sana sa tamang panahon sa napakalaking kamalian na aking nagawa. It's my fault ate. Nagpadala ako sa tukso at sa aking nararamdaman. Walang kasalanan si Jeremy ate, nasa akin ang sisi." Agad kong niyakap si ate nang humarap siya sa akin at hindi ko na rin maiwasang umiyak.
"Alam mo Yam, gusto kitang sampalin pero hindi ko magawa dahil sobrang mahal kita na kapatid." Wika niya na nagpahigpit lalo ng aking dibdib.
"Lubos akong nasaktan at nadismaya sa aking nasaksihan. Yam, alam ko namang may lihim kang pagtingin sa kasintahan ko base sa napapansin ko pero hindi ko mawari na aabot sa ganito. Sobrang sakit palang napagtaksilan." Dagdag pa ni ate na nagpahagulgol sa akin.
"Yam, kahit lubos akong nasaktan ay masaya akong umamin ka sa iyong nagawang kamalian. Mahirap man magpatawad, pero hindi ko matiis ang aking sarili. Yam, pinapatawad na kita at ngayon ay magbalot kana dahil this is the last time na magtatrabaho ka kay Jeremy. Iuuwi na kita sa bahay." Napatango ako at mas lalong humigpit ang aming pagyayakapan.
Hindi ako makapaniwala na mapapatawad ako nang mabilis ni ate at nakaramdam naman ako ng kaginhawaan subalit nakaukit parin sa aking isipan ang aking maling nagawa. Nahihiya parin ako.
"Thank you ate Jessie," masayang wika ko saka kami kumalas.
Dumaan ang mga araw ay nakatatak pa rin sa aking isipan ang aking maling nagawa. Hindi ko pa nakakausap si Jeremy pagkatapos akong patawarin ni ate. Hindi rin sumasagot sa aking tawag. Gusto ko lang namang humingi ng tawad sa kanya.
Habang ako'y nagmuni-muni ay biglang may nagtakip ng aking mata.
"Hulaan mo kung sino ako?" Kahit iniba ang boses ng nagtakip ay kilala ko pa rin ito.
"Ano kaba Sunshine, tanggalin mo nga iyan." Sita ko sa kanya.
"Ay grabe ka friend, nahulaan mo agad." Pagmamaktol niya at saka umupo sa tabi ko.
"Hay nako Sunshine kahit palakihin at ibahin mo pa ang boses mo ay bakla pa rin pakinggan," I replied at patuloy pa rin sa pagtingin sa kawalan.
"Bwiset ka friend, oh sha! Miss na miss na kitang bakla ka. Pumasok kana kasi. Tatlong araw kanang absent." Napatingin naman ako sa kanya at agad ko siyang niyakap.
"Miss na miss din kita Sunshine at sila ni Garey at Miggy," sabi ko. "Hindi ko pa kaya. Ginugulo pa rin ang aking isipan sa nagawa ko. Sa tingin ko ay hindi ko pa kayang makita si Jeremy kahit sa kalooban ko ay gusto ko na siyang makausap para humingi ng tawad." Pagdadalamhati ko.
"Ikaw naman kasi, ba't ba kasi ang landi at rupok mo." Binatukan ko siya sa ulo.
Baklang to! Grabe makapagsalita.
"Ano ka ba Sunshine, kaibigan pa ba kita? Ang sakit nang sinabi mo ha." Segunda ko at inirapan siya.
"Ano ka ba, para na rin matauhan ka noh. Pero joke lang friend, inaasar lang kita. Kaya peace na ha." Agad naman siyang nag-peace sign at ngumuso.
Ay! Ano bayan hindi bagay.
"Sunshine, huwag kanang magganyan. Hindi kaaya-ayang tingnan. Nagmukha kang aso. Hahahaha." Humahalakhak ako. Nagantihan din kita.
"Ay grabe ka friend. Below the belt ha! Oo na pangit ako pero mas pangit ka! Tas ang landi mo." Seryosong sabi niya at tinaasan ako ng kilay na may pa roll eyes pa.
"Ano kaba friend hindi ka mabiro. Oh, sorry po." Sabay peace sign at syempre hindi ako ngumuso baka magantihan ako. Kaya ngumiti lang ako.
"Friend, napapansin kong dumistansiya ng kaunti sa akin si ate Jessie. Parang may nakalagay na harang. Ganoon ang na-feel ko kahit pinapansin naman ako ni ate. Parang may mali eh." Naging seryoso ang aking mukha. Palagi kasi itong gumugulo sa aking isipan.
"Gano'n talaga iyan friend, give her time. Maybe nagdadalamhati pa ang ate mo. Atleast pinapansin ka pa rin niya." Motivate niya sa akin.
"Maraming salamat talaga friend. Tama ka, papasok na ako bukas." Buo na ang aking isip. Bahala na ang tadhana.
I need to talk to Jeremy to clarify things at para rin humingi ng tawad.
Kinabukasan, maaga akong nagising subalit dama ko parin ang lungkot at hiya.
"Good morning ate Belle, kuya Francis, at ate Jessie." Nakangiting bungad ko sa kanila, dapat goodvibes lang ako ngayon at hindi na iisipan ang negative thoughts.
"Good morning, Yam," sabay na wika nina ate Belle at kuya Francis.
"Good morning, Yam. Una na ako sa inyo ha dahil may importanteng gagawin pa ako." Agad na umalis at lumabas si ate. Biglang lumungkot ang aking mukha.
Iniiwasan ba ako ni ate?
Walang gana akong nakaupo sa armchair dito sa classroom. Wala pang gaanong estudyante dahil maaga akong nakarating.
Mas nalungkot ako dahil hindi pa rin dumating si Jeremy na katabi ko.
Asan kaya ang lalaking iyon? Bakit kaya siya hindi pumasok? Ang sabi sa akin ni Miggy ay present siya noong nakaraang araw pero ngayon lang liban. Bad timing naman, siguro okay na ito para iwas stress na rin. Baka bukas ay papasok na siya.
Sumapit na ang araw na Huwebes at dismayado pa rin ako dahil liban siya.
Bakit kaya hanggang ngayon ay liban pa rin siya?
Nahihiya naman akong kausapin si ate patungkol rito. Sabi rin ng mga barkada ni Jeremy ay hindi nila alam kung nasaan siya, kaya napagdesisyunan ko nalang na pumunta sa apartment pagkatapos ng klase ko.
"Saan ka pupunta, Yam?" Napalingon naman ako sa lalaking tumawag sa akin.
"Ikaw pala Rald. Ah pupuntahan ko si
Jeremy sa apartment na inuupahan niya." Mahinahon kong sagot.
"Ahhh, samahan kita. Tutal hindi naman ako busy. Okay lang ba?" Tumango ako.
"Ano kaba, okay lang. Tara na!" Agad kong hinawakan ang kaliwang kamay niya at agad hinila, nagulat nalang ako't hindi ko siya mahila-hila.
"Oh, tara na at bakit ganyan ang itsura mo?" Nagtatakang tanong ko at tinaasan siya ng kilay.
"Wala, tara na!" Wika niya at nagulantang ako dahil ako pa ang nahila niya.
Ay grabe ka Rald! Higpit naman ng pagkahawak mo.
Nanlaki ang mata ko dahil late kong na-realized kung bakit ganoon nalang ang inakto niya, kaya ang ginawa ko ay binatawan ko ang pagkahawak pero patuloy pa rin niya itong hinahawakan.
Napangisi nalang ako. Chancing pa more Rald at huli ka.
"Owh, bakit ka nakangisi?" Kita sa kanyang mukha ang naguguluhan, pero mas ngumisi lang ako.
"Wala, tara na!" Ako na ang humila sa kanya kaso 'di ko siya mahila. Napatingin ako sa kanya agad at ngumuso naman siya. Ang cute.
"Kinilig ka yata eh," pabulong na sabi niya, may pabulong pa eh narinig ko naman. Kinilig ako shete! Yumuko ako dahil namumula na ang aking mukha.
"Kapal!" Tanging sabi ko nalang at tumakbo nang mabilis. Mabuti nalang nagawa kong kumalas sa paghakakahawak niya.
"Anyare Yam?" Sigaw niya sa akin, hindi ko nalang siya pinansin.
"Dalian mo!" I said.
BINABASA MO ANG
Ikaw Ang Aking Bituin (BxB) (MPREG)
RomanceBxB | MPREG Ang kwentong ito ay umiikot sa buhay ni Yam. Siya'y isang tao na may malalim na pinagdaanan sa nakaraan. Karanasang nakaukit pa rin sa kanyang puso't isipan hanggang ngayon. Kamusta na kaya ang buhay niya ngayon? Aayon na kaya sa kanya a...
