LEEYAM
°•°•°•🌟•°•°•°Nakahinga ako nang maluwag noong natapos ang landian moments nila. May biglang tumawag sa cellphone ni Jeremy kaya lumabas siya para sagutin ito. Kaya naging matiwasay ang pagkain ko ng hapunan at tila tumahimik rin dito sa hapagkainan.
"Yam?" Tawag ni ate Jessie sa akin at agad naman akong napatingin sa kanya.
"Yes ate." Sagot ko at ngumiti.
"May sasabihin akong importante sa iyo. Nasabi ko na rin ito kay ate at kuya. Ikaw nalang ang hinihintay namin," seryosong sabi ni ate Jessie at bigla akong na-curious.
"Ano iyon ate?"
"Huwag kang mabibigla Yam ha, but Tita Amanda said to us na hindi na siya makakatulong sa iyong pag-aaral dahil may malaking problema silang kinakaharap ngayon. Humihingi rin si Tita ng paumanhin sa iyo, bunso." Mahinahong sabi sa akin ni ate na ikinalungkot ng mukha ko.
"Naiintindihan ko si Tita, ate. Kaya huwag na kayong mag-alala dahil hahanap nalang ako ng solusyon para sa pag-aaral ko. Pakisabi na rin kay Tita na lubos ko siyang naintindihan." Tugon ko kay ate nang mahinahon kahit nalungkot ako para sa aking pag-aaral at kay Tita rin.
"Huwag ka nang maghanap Yam dahil nakahanap na ako ng paraan para sa pag-aaral mo. May offer ako sayo para hindi na natin iyan problemahin." Masayang sabi ni ate kaya biglang sumigla ang diwa ko.
"Talaga ate, ano ba yang offer mo?" Magiliw na tanong ko.
"Okay lang ba sa iyo na maging katulong? Okay rin ba sayo na paminsan-minsang maging personal assistant ka ng magiging amo mo?" Tanong ni ate na ikinatango ko kaagad.
"Okay na okay sa akin ate." Magiliw kong sagot na ikinatuwa ni ate.
"Tapos doon kana rin titira sa apartment kasama siya. Hindi naman ito makakaepekto sa iyong pag-aaral, Yam. Malapit lang din ito sa school mo. Siya na rin ang nagsabi sa amin na siya na ang magbabayad ng lahat ng school fees mo at may sahod ka ring matatangap pang-allowance, oh diba perfect." Masayang paliwanag ni ate sa akin na ikinangiti naming lahat.
"Bakit ka naiyak Yam?" Tanong ni ate Belle sa akin.
"Tears of joy ate. Masayang masaya lang ako. Maraming salamat. Mahal na mahal ko kayo. Tinatanggap ko na po ang offer ate Jessie." Madamdamin kong wika habang pinupunasan ko ang aking luha gamit ang kaliwang kamay.
"Walang anu man, bunso. It's our obligation dahil nakakatanda mo kaming kapatid. We will find ways para sa pag-aaral ng bunso namin. We are happy na makakapag-aral ka pa rin. You know bunso, hindi ka na rin gaanong magugulat sa amo dahil kilala mo siya." Madamdamin ring tugon ni ate at agad akong lumapit sa kanya. Binigyan ko siya nang mahigpit na yakap at pati narin si ate Belle at kuya Francis.
"Sino po ba ang amo ko ate?" Curious kong tanong dahil kilala ko daw.
"Ang boyfriend ko, Yam." Pinanlakihan ako ng mata at biglang nawalan ng lakas sa narinig ko kay ate.
"Oh napano ka Yam?" Tanong ni ate Belle nang makita niyang tila namutla ako.
"Okay lang ako ate. Nabigla lang ako. Hindi ko inaasahang si Jeremy pala ang magiging amo ko." Mahina kong pahayag kay ate Belle.
Ate, bakit ngayon mo lang sinabi na siya pala ang amo ko? Paano na ang pagmo-move on process ko nito na tinanggap ko na ang offer.
Naiiyak nalang ako sa isipan dahil tiyak akong mahihirapan ako nito na mag-move on.
"Sure ka ate na siya talaga ang amo ko?" Paninigurado ko. Baka binibiro lang ako ni ate.
"Oo Yam, kaya nga tinanong ko kayo kanina kung magkakakilala kayo. Nang sumagot ang boyfriend ko na magkaklase kayo ay mas lalong napanatag ang aming kalooban. Mabuti nalang naghahanap si babe ko ng katulong o personal assistant dahil magiging busy na siya sa pagiging varsity player ng larong basketball kaya inirekomenda kita kaagad sa kanya." Paliwanag niya sa akin na ikinatango ko na may halong lungkot.
"Alam niyo bang, bukas ko palang sana ipapakilala sa inyo ang boyfriend ko dahil busy nga siya ngayon at kita naman natin. Pero nagpumilit ako kaya ayon wala na siyang nagawat at biglang nawalan ng mood kaninang umaga. Idagdag pa na namumoblema siya sa kanyang apartment. Kaya noong nagkita kami matapos ang klase ay agad kong sinabing may kapatid akong pwede maging katulong o personal assistant." Pagkuwento ni ate sa aming lahat. Kaya pala masungit si Jeremy kanina at hindi ako pinapansin dahil wala sa mood.
Naikuwento rin sa amin ni ate ang love story nila. Kung paano sila nagkilala at paano umabot ng kalahating buwan ang relasyon nila ngayon kahit patago lang ang kanilang relasyon. Na tanging kami lang ang nakaka-alam. Na labis kong ikinalungkot at minabuti ko nalang na hindi gaanong dinggin nang mabuti dahil sumisikip ang dibdib ko.
Kaya pala hindi ko napansing nag-usap o nagkita sila sa pageant o sa paaralan.
Napabuntong hininga nalang ako, sana kayanin ko ito at malabanan ang temptasyon. Wala na akong magagawa at nakapayag na ako. Nakakahiya naman sa kapatid ko kung tatangihan ko naman ang oportunidad.
"By the way Yam, ngayon kana lilipat at mag impake na tayo, sa bagay tapos na tayong kumain. Yan kasi ang pakiusap ni babe sa amin kanina. Para na rin masanay at maka-adjust ka na agad kasi bukas na bukas magsisimula kanang magtatrabaho sa kanya." Seryosong sabi ni ate na ikinakunot naman ng noo ko.
"Agad-agad? Pwede bukas nalang?" Pangungumbinsi ko at ngumuso sa kanila. Hindi pa kasi ako ready.
"Bunso? Ngayon ang sinabi ni babe. Narinig mo naman ang sinabi ko, diba. Kaya tara na, mag impake na tayo. Wag kanang magreklamo riyan, bunso." Madamdaming wika ni ate at agad niya akong nilapitan saka niyakap. Kaya tumango nalang ako dahil wala na akong choice.
Nang natapos kaming mag-impake ni ate Jessie kasama si ate Belle. Agad kaming bumaba papunta sa living room. Pagkarating namin doon ay agad kong niyakap ang mga kapatid ko simula kay kuya Francis, ate Belle, at kay kuya este ate Jessie.
Nag group hug na rin kami at sumali ang boyfriend ni ate na ikanagulat ko.
"Mami-miss ko kayo." Mangiyakngiyak kong sabi. Pagkatapos ay tinulungan ako ni kuya Francis na dalhin ang mga gamit ko at sinamahan din kami ni ate Jessie palabas.
Pagkalabas namin ng pintuan ay agad namang bumuhos ang ulan at lumakas nang lumakas. Napaka-wrong timing pero tila umayon sa akin ang panahon. Hindi ko maitagong mapangiti dahil bukas pa ako lilipat.
Napagpasyahan namin na bukas nalang ako lilipat at si Jeremy naman ay dito muna magpapagabi sa amin.
Samakatuwid, naging maayos ang aking pagtulog kahit sobrang lamig ng gabi dahil sa pagbuhos ng ulan.
Dahan-dahan kong inimulat ang aking mata dahil naalimpungatan ako sa narinig na malakas na tunog. Nang maibuka ko nang buo ang aking mata ay tila naguguluhan ako.
Huh! Bakit naman tumunog ang alarm clock ko. Ang pagkakaalala ko kagabi ay hindi ko naman ito ginalaw.
Tinungo ng aking kamay ang alarm clock at pinatay ito. Argh, gusto ko pang matulog. Ang ganda pa naman ng panaginip ko. Nakakabwiset naman ng umaga.
Muntik na kaya kaming magkahalikan ng lalaki sa panaginip ko, kainis talaga. First kiss ko pa sana iyon. Panira, kahit man lang sa panaginip ko makuha ang first kiss ko. Magiging masaya na ako. Sabihin na nating napaka-hopeless ko na.
Sinubukan kong bumalik sa pagkatulog pero kahit anong pilit ko at makailang posisyon sa pagtulog ay hindi na ako inantok. Napabuntong hininga na lang ako saka nagdasal. Pagkatapos ay inayos ko na ang aking kama at tinungo ang banyo.
Pagkapasok ko ay agad na akong nanghilamos at saka nag-toothbrush na rin. Nabigla naman ako dahil namalayan kong nakabukas ang ilaw at parang nakabukas rin ang shower kaya tinungo ko ito.
"Ayy Palaka!" Tili ko at nagulat sa aking nakita.
BINABASA MO ANG
Ikaw Ang Aking Bituin (BxB) (MPREG)
RomanceBxB | MPREG Ang kwentong ito ay umiikot sa buhay ni Yam. Siya'y isang tao na may malalim na pinagdaanan sa nakaraan. Karanasang nakaukit pa rin sa kanyang puso't isipan hanggang ngayon. Kamusta na kaya ang buhay niya ngayon? Aayon na kaya sa kanya a...