S1 - Chapter 39: Larawan

287 21 0
                                    

LEEYAM
°•°•°•🌟•°•°•°

Hindi ko gaanong nagalaw ang pagkaing kinakain ko dahil kinakabahan na ako sa mga titig sa akin nina ate Jessie at ate Belle.

Tanging tunog lang ng kubyertos ang maririnig. Focus na focus sila sa pagkain habang ako naman ay biglang nagulantang sa ginawa ng boyfriend ko.

Noong una ay okay lang pero kalaunan ay parang iba na. Naiilang na ako sa kanyang ginagawa.

Medyo nakikiliti na ako sa ginawang paghimas ni Jeremy sa hita ko. Paminsan minsan ay umaabot na ito sa singit ko.

Shete lang talaga! Mabuti nalang nakokontrol ko pa ang aking sarili.

Mabilis kong sinita ang kamay niya sa pamamagitan ng pagpitik nito.

"Umayos ka, please." Bulong ko sa kanya. I'm sure na siya lamang ang makakarinig ng binigkas ko.

"Anyways, ano nga ba ang ipinunta mo rito Jeremy?" Tanong kaagad ni ate kay Jeremy noong natapos na silang lahat kumain maliban lang sa akin. Kaya patuloy pa akong sumusobo kinakain ko.

Shete! Todo na ang kaba ko.

Dapat ako ang magsabi sa kanila, hindi siya.

"Ipapaalam k-" hindi ko na siya pinatapos. Mabilis kong tinampal ang hita niya pero may nasagi talaga akong kakaiba.

Agad siyang napatingin sa akin na parang may natamaan akong kakaiba sa kanya. Tinaasan ko nalang siya ng kilay saka idinako kaagad kay ate ang tingin.

Baka mahalata kami.

"Ano ang ipapalam mo sa amin, Jeremy?" Mapanuri si ate na nakatingin sa boyfriend ko.

"Ah-" inilagay ko ang aking kamay sa hita niya at naglalakbay ito papunta sa kanyang singit.

Sige subukan mo, kukurutin ko talaga ang singit mo.

Natahimik si Jeremy sa ginawa ko.

"Anong nangyari sayo? Namumula na iyang tainga mo." Puna ni ate Belle. Naiilang na si Jeremy sa ginawa ko. Nandoon pa rin kasi ang kamay ko.

Shete! Ang likot ng kamay ko.

"Ate Belle, kuya Francis, at ate Jessie." Huminga muna ako bago ko tinapos ang sasabihin ko.

"B-boyfriend ko po s-si-si si Jeremy." Nasabi ko rin, pero kinabahan talaga ako. Nagsilabasan na rin ang pawis sa mukha ko.

Natakot ako sa magiging sasabihin ni ate, kaya hinawakan ko ang kamay ng aking boyfriend nang mahigpit. Randam ko rin ang mahigpit na paghawak ni Jeremy.

Pilit rin ang pagngiti ko kay ate at kinakaya kong makipagtinginan sa kanya kahit naiilang na ako.

Nagulat nalang akong pumalakpak si ate Jessie. Kaya roon natuon ang atensiyon namin.

"Congratulations Yam, masaya ako for you. Sinasabi ko na nga bang sa kanya ka mapupunta bunso. Na kayo ang magkakatuluyan." Nakangiti si ate habang patuloy pa rin sa pagpalakpak.

"What do you think ate and kuya? Diba itinadhana naman sila?" Napanganga nalang ako sa sinabi ni ate.

"Ehem!" Iyan ang sagot ni ate Belle kaya agad nalipat ang atensiyon namin.

Kinabahan ako dahil tinaasan ako ni ate Belle ng kilay.

"Sinasabi ko nga ba, may namamagitan sa inyong dalawa. Hmm, wala na akong magagawa pa riyan. Ang kalagiyahan ni Yam ay kaligayahan na rin namin kahit na ginalit niyo akong dalawa ha. Nako Jeremy, subukan mo lang magloko. Malilintikan ka talaga sa amin." Nakingising wika ni ate.

Ikaw Ang Aking Bituin (BxB) (MPREG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon