LEEYAM
°•°•°•🌟•°•°•°
Nang makababa na ako sa tapat ng bahay namin ay labis ang pagkabusangot ng aking mukha."Arte-arte mo kasi friend, ayan tuloy nahulog at nabasag ang phone mo." Ngumuso nalang ako kay Sunshine sa katangahan ko.
"Oo na, napakacareless ko. Anyways, Salamat talaga Sunshine at Rick sa paghatid sa akin."
"No worries Yam, see you soon." Mabilis na tugon ni Rick sa akin na labis kong ikinailing pero hindi ko nalang ipinahalata at ngumiti nalang sa kanya.
"See you soon," agad kong ikinaway ang aking kamay nang lumisan na sila sa aking harapan.
Pagkawala nila sa aking paningin ay bumalik agad ang ukit ng aking mukha. Naging matamlay ulit dahil sobra akong naghihinayang at nalungkot dahil mahalaga sa akin iyon.
Ang arte ko kasi. Si Rick naman kasi, pinapahawak niya naman ako sa bandang tiyan pero nagmaktol ako saka aksidenteng naihagis ko ang phone kaya nabasag at nagkapiraso-piraso ito.
Nakakabadtrip talaga.
Nang makapasok na ako ay agad akong pumunta kay ate Belle na nasa counter ng karinderya namin.
Nagpaaalam ako kay ate na hindi muna ako tutulong sa karinderya. Mabuti nalang pinayagan niya ako kaya agad akong pumasok sa aking silid at nag-dive. Hindi ko makontrol ang aking sarili at nagpakawala ng maraming tampal sa aking higaan dahil sa emsoyon na aking nararamdaman.
Hanggang inayos ko ang aking higa nang mapagod ako at tulalang nakatingin sa pader.
Bibili nalang ako ng bagong phone pag nakaipon na ako.
Napabuntong hininga nalang ako sa aking naisip.
Hanggang bigla akong nabuhayan nang maalala kong may extra phone pala ang boyfriend ko. Yung pinahiram niya sa akin noong naging katulong niya ako kaya hihiramin ko nalang iyon.
"Yam bumaba kana," tawag sa akin ni ate Jessie kaso nawalan pa rin ako ng gana kahit may naisip na akong solusyon.
"Baba na ate," walang kabuhay-buhay na tugon ko saka mabagal na kumilos para bumaba.
"Oh, napano ka Yam?" Puna agad sa akin ni ate Belle. Kahit pinilit kong hindi ipahalata sa kanila ngunit mababakas parin sa aking mukha ang sobrang paghihinayang sa nasira kong phone.
"Inaway kaba ng boyfriend mo?" Nagulat ako saglit nang sinabi iyan ni ate kaso marahan lang ang pag-iling ko.
"Hindi naman ate Belle, amh kasi nasira ang phone ko." Pag-amin ko saka ngumuso sa kanila.
"Kaya pala, wala ka sa mood." Tumango nalang ako at itinuon ang pansin sa pagkain.
"Bunso, may pinaglumaan akong phone na keypad. Baka gusto mo? Gumagana pa naman iyon Yam. Iyon nalang ang gamitin mo pansamantala." Agad akong napatingin kay kuya Francis at bakas na bakas ang mabilis na pag-iba ng ukit ng aking mukha na tila napawi ang lungkot na naramdan at napalitan kaginhawaan na nagbigay sa akin ng ngiti.
"Salamat kuya," maligayang wika ko. Mabilis kong nilapitan si kuya at niyakap nang mahigpit.
"Yam?" Tawag sa akin ni ate nang matapos na kaming kumain. Mabuti nalang talaga bumalik ang gana kong kumain.
"Ate Belle?"
"May sasabihin kami sa iyong importante, bunso. Makinig kang mabuti dahil isa itong mahalagang balita." Seryosong wika ni ate na kumuha nang husto sa atensiyon ko. Tila nagbigay din ito ng kaba na hindi ko maipaliwanag.
"Ano ang gusto mong maunang marinig, bunso? Bad news or good news?" Dagdag pa ni ate Belle kung kaya mas lalo akong kinabahan at mas itinuon ang tingin kay ate.
![](https://img.wattpad.com/cover/250568028-288-k496712.jpg)
BINABASA MO ANG
Ikaw Ang Aking Bituin (BxB) (MPREG)
RomanceBxB | MPREG Ang kwentong ito ay umiikot sa buhay ni Yam. Siya'y isang tao na may malalim na pinagdaanan sa nakaraan. Karanasang nakaukit pa rin sa kanyang puso't isipan hanggang ngayon. Kamusta na kaya ang buhay niya ngayon? Aayon na kaya sa kanya a...