LEEYAM
°•°•°•🌟•°•°•°Dapit-hapon noong makauwi ako galing sa bahay nila Sunshine. Hindi rin nawala ang ngiti sa aking labi na kanina pa sumisilay.
Pagkapasok ko sa karinderya ay nadatnan ko si ate Belle kasama si kuya Jessie este ate Jessie. Ayaw niya palang tinatawag na kuya. Isa rin kasing crossdresser si ate Jessie.
Abalang-abala sila sa karinderya kaya tumulong narin ako. Marami pa kasing dumadagsang customers.
Itong karinderya ay sobrang mahalaga sa amin dahil maraming nabuong ala-ala rito simula noong itayo ito ng aming magulang. Ito rin ay nagsilbing ala-ala at pamana nila sa amin.
Na miss ko tuloy, sina mama at papa.
Si ate Belle na ang namamalakad ng karinderyang ito noong lumisan na sa mundo ang aming mga magulang four years ago due to a car accident. Kaya heto todo kayod kaming magkakapatid na magtulungan.
Alam naming magkakapatid na, ate Belle sacrificed a lot and did everything to save this karinderya noong bumabangon kami sa pagkawala ng magulang namin.
On that time, ate was still studying pero namangha kami sa dedication at hardwork na ibinigay niya rito kaya tumulong din kami na ibangon ito. We are also thankful kay Aling Bea na matagal na nagtatrabaho dito sa karinderya namin at hindi kami iniwan.
Now, ate Belle was a graduate ng kursong HRM kaya mas lalong umayos ang karinderya namin. We are very proud sa na achieved ng aming ate. We really loved our ate so much.
Inunat ko ang aking katawan nang maka-upo ako. Sobrang napagod ako today. Sa dami pa naman ng customers kanina. Pero nandoon pa rin ang ngiti sa aking labi na hindi man lang nawala.
Pagsapit ng alas syete ng gabi ay nagsimula na kaming magligpit at magsara.
After naming matapos ng hapunan ng mga kapatid ko ay agad akong tumungo sa likurang bahagi ng aming bahay. Palagi ako rito at nagsilbing tambayan din palagi kapag malungkot o need ko ng peace of mind.
Isa itong harden. Magaganda at mayayabong ang bulaklak dito. Napakapeaceful ang lugar para sa akin.
Umupo ako sa isang bench na gawa sa kahoy pagkarating ko. Tahimik lang ako habang dinama ang paligid. Hindi ko maitagong na-miss ko ngayon ang mga magulang ko.
"Ang ganda, ganda tingnan ng mga bituin sa langit," sabi ko sa aking sarili. Napangiti rin ako dahil hindi masama ang panahon at walang ulap na tumatabon sa mga bituin.
Kapag tiningnan ko ang mga bituin sa langit na kumikislap. Napapawi ang mga mumunting lungkot na aking dinadala. Nagpapagaan nito ang aking kalooban. Na parang isang gamot na inaayos ang pakiramdam ko.
"Sabi na nga ba. Nandito ka lang," bungad sa akin ni ate Belle. Hindi ko namalayang katabi ko na pala siya habang ako ay nakatuon lamang sa mga bituin sa langit na namamangha.
"Bunso?" Pagkuha ni ate ng atensyon ko.
"Yes, ate." Patuloy parin akong nakatingala sa langit.
"Nagtext pala sa akin ang organizer ng sinalihan mo. This Saturday na matutuloy," mahinahong sabi niya na nagpagulat sa akin. Agad ko naman siyang tiningnan at gumuhit ang ngiti sa aking labi.
"Akala ko hindi na 'yan matutuloy, ate. Mabuti nalang, laking tulong nito sa pasukan," sambit ko sa kanya.
Tama, makakatulong ito sa akin. Tatlo kaming mag-aaral sa darating na pasukan. Ako na incoming Grade 11 student. Si ate Jessie na incoming Grade 12 student at si Kuya Francis na incoming second year college student sa kursong engineer. Silang dalawa ay may scholarship at pati narin si Sunshine pero sad to say hindi ako nakapasa at nakakuha.
BINABASA MO ANG
Ikaw Ang Aking Bituin (BxB) (MPREG)
RomanceBxB | MPREG Ang kwentong ito ay umiikot sa buhay ni Yam. Siya'y isang tao na may malalim na pinagdaanan sa nakaraan. Karanasang nakaukit pa rin sa kanyang puso't isipan hanggang ngayon. Kamusta na kaya ang buhay niya ngayon? Aayon na kaya sa kanya a...