LEEYAM
°•°•°•🌟•°•°•°"Heto na! Ano na Yam? Truth or Dare?"
Hindi ako nakasagot kaagad dahil kinakabahan na ako sa maaring mangyari sa akin. Shete! Sana hindi nalang ako sumali.
"Ahh ehh, truth." Mga ilang minuto ko pa iyan nabigkas. Napataas naman sila ng kilay ngunit ngumisi lang ako sa kanila dahil pinili ko iyan para makaiwas ako sa hiya at gulo. Playsafe lang ako.
"Ay killjoy ka naman, friend." Sabi ni Sunsine at kita kong lungkut-lungkotan sila sa akin.
"Ano ba kayo, sana dare nalang ang tawag nito, may choice kaya na truth." Sita ko sa kanila.
"Oh heto na nga ang tanong ko para sa'yo Yam. Pero bago 'yan ay may bagong rules tayo. Kapag truth ang pinili ng isa sa atin, lahat ng kasali ay may tig-iisang tanong sa kanya." Nakangising wika ni Sunshine at nagpalakpakan naman sina Garey at Miggy.
Hala, pinagkakaisahan nila ako.
"Hala grave naman. Sana sinabi mo 'yan kanina para hindi na ako sumali," komento ko.
"Friend, mas grabe kaya ang dare niyo sa akin kanina. Muntik na nga akong mawalan ng malay. So para fair sa lahat ay naisip ko iyan. Sa tingin ko naman ay agree naman sila oh," sagot kaagad niya sa akin kaya tumango nalang ako at ngumuso ngunit wala paring effect.
"Malaki ba ang dinadala ni Jeremy?" Nagsalubong ang kilay ko sa tanong ni Sunshine.
"Seryoso ka?" Paninigurado ko baka namali lang ang rinig ko.
"Oo naman, curios lang ako."
"Hala, ano ka ba. Hindi ko pa nakita." Alibi ko nalang kahit nakita ko na. Naalala ko tuloy 'yong naliligo siya sa banyo at doon ko na kita ang ipinagmamalaki niyang dragon.
"Ba't ka napatulala riyan? May naalala ka noh. Hindi mo kami madadaan sa ganyan." Tinaasan ako ng kilay ni Sunshine noong tiningnan ko siya.
"Oo, inaamin ko na. May ipagmamalaki siya." Pag-amin ko nalang habang napakagat sa aking labi.
"Gaano kalaki? Please be specific." Karagdagang tanong niya sa akin.
"Sumusubra ka na Sunshine, sabi mo na tig-isa lang ang tanong. Kaya hindi na counted iyan." Seryoso kong tugon at napanguso nalang siya.
"Ay so gano'n," hindi ko nalang siya pinansin.
"Tanong ko naman Yam. Sino ang mas masarap humalik? Si pinsan o si Jeremy?" Ibinaling ko ang tingin kay Garey. Namula ako sa tanong niya. Naalala ko kasi na ilang beses na yata kaming naghalikan ni Jeremy habang kay Rald naman ay smack lang.
"Ahh si Jeremy," nahihiyang sagot ko hanggang inaasar na nila ako.
"Sa akin naman Yam, sa tingin mo may gusto na sa iyo si Jeremy?" Hindi ako nakasagot. Hindi ko alam ang sagot kasi base sa nakikita ko ay parang may gusto at parang hindi.
"Ewan ko, siguro oo. Siguro hindi rin." Tumango nalang sila.
Pagkatapos niyon ay ako na ang nagpaikot sa bote at tumama naman ito kay Miggy.
"Dare," sabi niya kaagad.
"Humanda ka," mabilis na wika ni Sunshine at napapansin kong kinakabahan na si Miggy.
"Hala, tahimik lang ako rito." Sagot naman niya.
"Hmm, heto na ang dare mo. Isigaw mo 'Joseph crush kita' dali," namula si Miggy at naiiling.
"Hala, grabe kayo baka sugurin ako ng girlfriend niya." Nakangiwi niyang sabi sa amin.
"Hay nako, crush lang naman. Wag kang mag-alala. Back-up mo kami rito."
BINABASA MO ANG
Ikaw Ang Aking Bituin (BxB) (MPREG)
RomantikBxB | MPREG Ang kwentong ito ay umiikot sa buhay ni Yam. Siya'y isang tao na may malalim na pinagdaanan sa nakaraan. Karanasang nakaukit pa rin sa kanyang puso't isipan hanggang ngayon. Kamusta na kaya ang buhay niya ngayon? Aayon na kaya sa kanya a...