LEEYAM
°•°•°•🌟•°•°•°
Isang may kalakasang katok ang aking narinig habang ako ay nakadungaw sa bintana ng aking kwarto. Subalit hindi ko iyon pinansin at patuloy lang nakatuon ang tingin sa tanawing palagi kong tinitingnan sa mga araw na dumaan.
Tatlong araw!
Tatlong araw na akong nagkukulong sa aking kwarto. Pinili kong mapag-isa at sa mga araw na iyon randam kong nag-aalala na rin sila sa akin kasi napapansin na nila na hindi na ako sumasabay na kumain at mas pinili nalang na dito sa kwarto kumain. Kaso sa mga dumaang araw ay paunti-unti akong nawawalan ng ganang kumain.
Kapag kinakausap rin nila ako ay wala ako sa sarili at hindi makakonekta agad sa kanilang sinasabi sa akin na tila may sarili akong mundo. Napapansin nila ang malalaki kong eye bags at hindi ko maitatangging sa bawat gabing lumipas ay palagi akong umiiyak. Hindi nakakatulog at masasabi kong pinapabayaan ko na ang aking sarili.
Hindi ko lang maiwasang manghina at mawalan ng gana sa katotohanang nalaman ko. Puro hinanakit ang sama ng loob ang lumukob akin.
Hindi ko alam kung ano ang nagawa kong kamalian kung bakit naranasan ko ang ganito.
"Yam?" Tawag sa akin ni ate nang mabuksan ni ate ang pinto. Nang maramdaman kong malapit na si ate sa kinatatayuan ko ay mabilis ko namang pinahiran ang aking luhang umaagos.
Ngumiti ako at agad humarap kay ate. Nababanaag ko na sobra na ang pag-alala ni ate.
Nang makita niya ang pilit kong ngiti ay agad niya akong niyakap nang mahigpit. Dama ko ang ang luha niyang umagos sa balikat ko.
"Ate," wika ko at hindi ko na maitago ang aking nararamdaman. Umiyak ako at mas hinigpitan ang aking pagyakap sa aking kapatid.
Kailangan ko ng isang yakap.
Kailangan ko ng isang masasandalan.
Kailangan ko si ate sa mga oras na ito at nang tila umayos ng kaunti ang aking naramdaman ay saka ko sinabi kay ate ang lahat-lahat.
Medyo gumaan ang aking pakiramdam matapos kong mailabas ang kinikimkim ko.
"Anong gagawin mo ngayon, Yam?" Madamdaming tanong sa akin ni ate.
"Hindi ko pa alam, ate." Mahina kong tugon at isinandal ko ang aking ulo sa kaliwang balikat ni ate.
Matapos niyon ay pinili kong manahimik at ipinikit ang aking mata. Hindi na rin nag- abala si ate at pinabayaan ako hanggang ako'y nakatulog.
Dapit-hapon na noong ako'y magising. Medyo umayos na ang aking nararamdaman at napagdesisyunan kong pumunta roon sa ilog.
Ilang minuto rin ang aking nilakad at inaalala ang daan papunta sa ilog.
Ano na kaya ang itsura ng ilog?
Maganda pa kaya?
Nang makarating ako roon ay namangha at tila nawala ang mga iniisip ko dahil nakuha nito ang aking atensyon. Mas lalong gumanda ang aking nakita dahil na rin sa repleksyon ng paglubog ng araw. Malinis, malinaw, at kumikintab ang tubig. Naging kulay kahel rin ang tubig kaya namangha ako sa nasaksihan ko.
Agad naman akong umupo sa isang bato. Dinama ko rin ang paligid. Masarap, payapa, maganda ang ihip ng hangin, at nakakaayos sa pakiramdam ang huni ng mga ibon.
Hindi ko pinalagpas ang pagkakataon na damhin ang sandaling ito at agad kong ipinikit ang aking mata hanggang may naalala ako na bigla-bigla lamang pumasok sa aking isipan.
"Wow, ang ganda." Namangha ako sa aking nakita. Ang ganda ng ilog, maganda ang formations ng mga bato at napakalinaw ng tubig.
BINABASA MO ANG
Ikaw Ang Aking Bituin (BxB) (MPREG)
RomanceBxB | MPREG Ang kwentong ito ay umiikot sa buhay ni Yam. Siya'y isang tao na may malalim na pinagdaanan sa nakaraan. Karanasang nakaukit pa rin sa kanyang puso't isipan hanggang ngayon. Kamusta na kaya ang buhay niya ngayon? Aayon na kaya sa kanya a...
