LEEYAM
°•°•°•🌟•°•°•°"Friend, sumama ka bukas ha. May pa-victory party ang team natin sa isang beach. Invited tayong magkakaibigan. Ang saya kaya nun." Bungad kaagad sa amin ni Sunshine dito sa loob ng cafeteria.
"Ahh friend, hindi siguro ako makakasama. Alam niyo naman kung bakit diba, grounded ako." Malungkot na ani ko sa kanila. Sa totoo lang ay gusto kong sumama.
"Friend nakiusap na kami sa ate mo, pinayagan ka niya. Kaya wag kanang malungkot diyan," biglang nabuhayan ako.
"Talaga? Baka prank lang iyan ha," ngumuso nalang ako kasi baka ini-etchos lang nila ako.
"Oo nga friend, hindi ito prank. Promise mamatay man si Sunshine," maligalig na sabi sa akin ni Garey. Hindi rin nakaligtas sa akin ang matalim na tingin ni Sunshine kay Garey.
"Grabeh ka, dinamay mo pa ako. Inaano ba kita." Pagmamaktol ni Sunshine.
"Binibiro lang kita, friend. Sorry."
Kinabukasan ay ang araw ng victory party. Kasalukuyan akong nagsha-shower. Ninanamnam ko ang bawat patak ng tubig papunta sa aking katawan.
Hindi ako makapaniwala na pinayagan ako ni ate noong tinanong ko siya ulit. Naninigurado lang talaga ako.
"Pinayagan kita Yam, pero hindi ibig sabihin napatawad na kita. Naawa lang ako sa iyo. Yun lang yon." Iyan ang sabi ni ate.
Ang lamig pa rin ng trato sa akin nina kuya at ate. I tried naman to be a better person sa mga nagdaang araw. Siguro, need ko pang maging patient.
Lalambot at lalambot rin ang kanilang puso. Mapapatawid rin nila ako nang buo soon.
Mabuti nalang talaga si ate Jessie ay sobra-sobra ang pag-asikaso niya sa akin. Sobrang nagpapasalamat ako sa kanya.
"Friend dali kana. Teka, bakit ang tagal mong maligo riyan? May ginagawa kang kababalaghan noh?" Rinig kong sigaw ni Sunshine sa labas ng pintuan ng bathroom at hindi ko naman maiwasang mapailing.
Grabe ka Sunshine, ganito lang ako maligo. Medyo matagal idagdag pa na ang lamig.
"Oo na friend, tapos na ako. Wait kalang nang kaunti. Oh ito na ako, lalabas na." Agad na akong lumabas ng nakadamit na.
"Tara go na," excited lang siguro itong kaibigan ko.
Nasa loob na kami ng kotse ni Garey. Taray marunong pala siyang magmaneho.
Sobra akong nagagalak sa beach party na ito dahil magkakasama kaming apat na magkakaibigan. I'm excited sa kung ano ang gagawin namin doon.
Sobrang maaga pa naman kung kaya hindi ko maiwasang makaidlip sa byahe.
Naalimpungatan nalang ako dahil may narinig akong tunog na may kumukuha ng litrato.
Agad kong naibuka ang aking mata at nanlaki ito dahil nakangisi si Sunshine sa akin.
Shete, may ghad!
"Ang cute mo palang matulog," sabi ni Sunshine
"Loko! E-delete mo iyan friend. Ang pangit ko riyan. Tarantado ka!" Bulyaw ko sa kanya. Siguro ang pangit ko sa picture.
"No, ayaw ko," pagmamaktol niya.
Kaya wala na akong nagawa, ayaw magpatalo eh.
Ngumuso nalang ako sa kanya pero nabigla nalang ako dahil kinunan na naman ako ng litrato. Kaya bumalik nalang ako sa pag-idlip dahil may dalawang oras pa ang byahe namin.
Ang layo naman kasi ng beach na iyon.
Sila ay naka-joyride samantalang ako lang ata ang inaantok.
Alas diyes nang umaga nang makarating kami sa venue. Agad kaming nakapasok dahil bayad na ang entrance fee namin. Libre napala kami at pati narin sa magiging kwarto namin.
BINABASA MO ANG
Ikaw Ang Aking Bituin (BxB) (MPREG)
RomanceBxB | MPREG Ang kwentong ito ay umiikot sa buhay ni Yam. Siya'y isang tao na may malalim na pinagdaanan sa nakaraan. Karanasang nakaukit pa rin sa kanyang puso't isipan hanggang ngayon. Kamusta na kaya ang buhay niya ngayon? Aayon na kaya sa kanya a...