LEEYAM
°•°•°•🌟•°•°•°Natatawa nalang ako sa lalaking ito dahil kanina pa siya ngiti nang ngiti. Ewan ko ba kung napano ba itong si Jeremy.
Siguro iniisip pa rin niya ang ginawa ko kanina lamang. Naalala ko tuloy iyon. Napangiti nalang ako habang nakatingin sa daan na tinatahak ng sasakyan sa pagbabalik tanaw ko sa pangyayari kanina.
Nang matapos kong tawagan si ate na magpaalam na mamaya pa akong gabi makakauwi ay may pumasok bigla sa aking isipan.
Isang ideya na gusto kong gawin at sumilay sa aking mukha ang malawak kong ngisi.
"Jeremy, baby?" Pagbanggit ko palang ay napangiwi na ako sa aking isipan. Nasilayan kong hindi siya makapaniwala sa winika ko sa kanya.
Napangiti ako nang malapad nang ngumisi siya na tila kumagat sa aking pain. Nasaksihan ko ring nagtaas baba ang adams apple niya na ikinaaliw ko.
Shete! Ang hot. Nagdadalawang isip nalang ako sa aking gagawin.
"Baby, masaya yata kung marami tayo diba, the more the merrier." Nagdiwang ako nang bigla nalang nag-iba ang mukha niya na tila nagtataka siyang nakatingin sa akin.
"Hmm, that's nice pero mas maganda if tayong dalawa lang." Napangisi ako dahil naging epektibo na ang plano ko.
"Ahh, ganoon ba baby." Tumango siya na ikinakinang ng mata ko.
"Pa'no na 'to? Tinawagan ko na sila, ang mga kaibigan ko. Pupunta na sila rito maya-maya lamang, baby." Biglang bumagasak ang balikat niya.
"What! Seriously? Hindi mo man lang sinabi sa akin kaagad." Pagtaas ng boses niya tila seryoso na siyang nakatingin sa akin. Tumaas din ang isang kilay niya.
"Sorry baby, boring naman kasi kung tayo lang dalawa." Tiningnan niya ako nang masama na parang nagbabanta siya sa akin.
"Are you saying na boring ako? Na boring akong kasama? Ganoon ba iyon, baby?" Tanong niya sa akin at kita ko ang pagsalubong ng kanyang kilay. Nagulat rin ako dahil tinawag niya akong baby na ikinatawa ng aking isipan.
"Hindi naman sa gano-"
"Sino ba yang inimbita mong sasama sa atin?" Pagsingit niya at hindi nalang ako nakatapos sa aking sasabihin.
Para mas epektibo, huminga ako nang malalim. Pagkatapos tinitigan ang kanyang mukha na mahirap ipinta.
"Garey, Sunshine, Miggy, and Gera-" Pinutol niya naman.
"No! Tawagan mo ulit sila. Sabihin mong hindi na tayo matutuloy." Diin niyang sabi. Umiling-iling nalang ako para mas makumbinsi siya.
"Bakit?"
"Baby, gusto ko tayo lang dalawa. Just the two of us. 'Yong walang istorbo." Seryoso niyang sabi na tila galit na talaga siya sa akin na parang umuusok ang kanyang tainga habang nagsasalita siya.
"Hala, nakakahiya. Sigurado akong paparating na sila rito. Please, wag nalang. Hindi nalang kita susundin."
"You're making me insane. Mamili ka, baby. You'll call them right away or I'll kiss you." Pinanlakihan ako ng mata sa banta niya at tila kinabahan. Pero buo pa rin ang loob ko.
"Sige nga, baby. Kaya mo ba?" Panghahamon ko. Hindi ako makapaniwala sa aking sarili na nagawa kong maghamon.
"Are you challenging me?" Tumango ako kaagad at mabilis akong lumapit sa kinaruruonan niya. Walang sabi-sabing hinila ko kaagad ang batok niya pababa, ilang inches nalang ang agwat ng mukha namin.
Ang wild ko na, ako pa ba ito?
Nasaksihan kong pinanlakihan siya nang mata. Hindi rin nakalampas sa akin ang pagtaas baba ng kanyang adams apple.
BINABASA MO ANG
Ikaw Ang Aking Bituin (BxB) (MPREG)
Lãng mạnBxB | MPREG Ang kwentong ito ay umiikot sa buhay ni Yam. Siya'y isang tao na may malalim na pinagdaanan sa nakaraan. Karanasang nakaukit pa rin sa kanyang puso't isipan hanggang ngayon. Kamusta na kaya ang buhay niya ngayon? Aayon na kaya sa kanya a...