S1 - Chapter 31: Hangover

301 23 2
                                    

LEEYAM
°•°•°•🌟•°•°•°

Marahan, maingat, at malumanay. Iyan ang masasabi ko sa paggalaw ng aming labi noong maglapat ito. Sumabay siya sa bawat ritmong aking ginagawa ni walang kilos ng pagtutol at pagkailang na tila nagugustuhan niya ang bawat galaw ng aking labi.

Base sa pagtugon niya ay lasing na rin talaga siya hanggang nangibabaw na nga siya sa akin. Ako'y nagpaubaya na sa kanya. Siya na ang gumalaw at ako naman ay sumusunod sa kanyang ritmo.

Ang malumanay na halikan namin ay naging maalab at marahas dahil nakadama ako ng sakit sa aking ibabang labi. Kinagat niya ito para maipasok ang kanyang dila. Ginalugad nito ang loob ng bibig ko hanggang magtagpo ang aming dila at nakipag-espadahan na nga ito.

Kakaibang kiliti ang dumako at nararamdaman ko. Masarap kahit nalalasahan ko pa ang lasa ng beer. Ito ang pinakaunang torrid kiss sa buong buhay ko at dala pa ng kalasingan. Nagawa pa namin ito nang walang hiya sa isa't isa ni walang ilangan.

Namalayan ko nalang na nasa loob na ako ng kwarto niya. Nakahiga ako habang pinagmamasadan siyang tinatanggal ang kanyang damit at hinuhubad ang kanyang pang-ibaba hanggang dinaganan niya kaagad ako.

Mainit, sobrang init ng paglapat ng aming hubo't hubad na katawan.

Mabigat ang katawan niya pero kinaya ko.

Mabato ang abs niya na damang dama ko.

Medyo malabo na rin ang aking paningin sa kamunduhang ito.

Kaagad niya akong sinunggaban ulit na tila wala nang bukas hanggang gumalaw na ang kanyang labi pababa papunta sa baba ko at mas bumaba pa sa aking leeg. Doon tumigil ang kanyang halik at marahas pa rin ito.

Napapaungol nalang ako nang impit sa ginawa niya. Malikot at may kakaiba siyang ginawa na para bang sinisip niya ito.

"Jeremy," impit na ungol ko.

Mas pinaghusayan pa niya ang ginawa niya at naging intense ang bawat galaw. Napaungol ako ulit dahil hindi ko namalayang napunta na pala siya sa aking dibdib nang naramdaman ko ang paghalik niya sa magkabila kong utong.

Hindi ko maipaliwanag ang sarap at kiliti na aking nararamdaman sa ginagawa niyang pagsakop at paglakbay sa aking katawan.

Dama ko na rin ang naghuhumindig niyang pagkalalaki na tumutusok sa aking hita.

"Ahh, Jeremy!" impit na ungol ko.

"Yes baby, just moan my name."

Napangiwi nalang ako nang may daliring naglakbay at pumasok sa iniingatan ko. Doon ko napagtantong hinahanda na niya pala ito. Isa na naging dalawa hanggang naging tatlo. Napadaing ako sa matinding sakit at hindi ko na mapigilan ang malakas na ungol.

"Anong gina-ga-gawa mo Jeremy?"

"Preparing you."

"Papasukin mo ba ako?"

"Yes, baby. I will own you."

"Just be gentle."

"I will baby."

Nagulat nalang ako nang sinagad niya nang walang pasabi-sabi.

"Ahh!" Napasigaw ako nang malakas sa sobrang sakit dahil binigla niya iyon.

Agad akong nabalikwas at mabilis na napakapit nalang sa pang-upo ko.

"Aray ko po, ang sakit ng pagkalaglag ko." Daing ko.

Ilang sandali ay napakapit ako sa aking dibdib dahil mabuti na lamang paniginip lang pala ang pag-angkin niya sa akin.

Sinugurado kong wala talagang nangyari sa akin kaya dinama ko ang aking pang-upo ulit. Nakahinga ako nang maluwag dahil hindi ito mahapdi. Sadyang masakit lang ito dahil sa pagkalalag ko sa kama.

Kalaunan ay sumakit na rin ang aking ulo. Hangover is real. Ganito pala ang mararamdaman.

Shete rin kasi ang panaginip na iyon. Hindi ko maisip na magagawa ko ang ganoong kamunduhan sa kanya. Hindi ko hinangad na may mangyaring ganoon sa amin.

Paika-ika akong pumunta sa loob ng banyo. Malakas yata ang pagkabagsak ko.

Nanghilamos ako at nagmugmog para mahimasmasan man lang nang kaunti, dama ko pa rin kasi ang sakit ng ulo ko.

Ngayon ko pa nawari na hindi ko pala kwarto ito. Ang tanga ko dahil ngayon ko palang napansin.

Napatakip nalang ako sa aking bibig. I'm still naked pala.

Nasaan si Jeremy? Hindi ko siya nakita. Hindi ko kasi namalayan ito dahil dala ng hangover na nagkapagbibigay sa akin ng matinding sakit ng ulo.

Mabuti nalang talaga walang nangyari sa akin. I mean sa amin na naangkin niya ako dahil kung meron man ay hindi ko mapapatawad ang aking sarili at makokonsensiya rin ako kapag nagkataon.

Agad kong hinanap ang damit ko at mabilisang sinuot kaagad ito. Kinuha ko ang cellphone ko at nagulantang nalang ako sa nakita ko. Kita ko na maraming texts and missed calls galing kina ate, kuya, Sunhine, Garey, Miggy, at Rald.

Napakagat ako ng aking labi at nanginginig na. Napakalaking pagkakamali ang aking nagawa. Naging emosyonal na ako at patuloy ang panginginig habang hawak-hawak ang cellphone ko.

Nakalimutan kong mag-text sa kapatid ko kagabi. Tanga ko talaga. Bakit ko hindi naisip na mag-text man lang?

Patay talaga ako nito.

Napakagat nalang ako ng aking labi dahil naka-silent mode pala ito kung kaya wala akong narinig na may nag-text at nag-call sa akin.

Hindi rin nila alam kung sinong kaibigan ang kasama ko. Hindi ko pinaalam kung sino kaya ang sama-sama ko na.

Minabuti kong hindi na ituloy ang pagbasa ng mga mensahe dahil dinudurog lamang nito ang puso ko at baka rin mawalan pa ako ng malay sa kabang aabutin.

It's four thirty three in the morning. Agaran kong nilisan ang apartment ni Jeremy at mabuti nalang may dumaan na tricycle. Pinasakay ako nito kaagad.

Dala-dala ko ang matinding kaba habang papauwi na ako. Naging tulala na rin ako at muntik na rin akong lumagpas sa bahay namin.

Nang makabayad na ako at nakababa ay mas lalo akong kinabahan nang nasilayan ko na ang tapat ng bahay namin. Nasa tarangkahan na ako, nagdadalawang isip na pumasok. Mayroon akong spare key kung kaya makakapasok talaga ako ngunit hindi ko yata kaya.

Ngayon ko lang ito nagawa sa kapatid ko at natatakot ako sa ano mang gawin nila sa akin. Kaya natigilan at naestatwa pa ako sa labas ng ilang mga minuto. Tulalang iniisip kung ano ang gagawin kong alibi o aamin ba sa aking nagawang malaking kasalan.

May ilang porsiyento pa yata ako ng tapang dahil nagawa ko pang makapasok sa tarangkahan kahit uneasy ako. Marahan lang aking galaw. Iwas na iwas na makagawa ng tunog kahit mahina ay iniiwasan ko. Ganito na ako kataranta.

Minabuti ko nalang ipagpatuloy iyon dahil nilalamig na rin ako. Mahina parin ang paglakad ko sa daan. Para akong may gagawing masama sa inakto ko.

Habang papasok ay naisipan ko pang bumalik at tumakbo nalang palabas pero hindi ko iyon sinunod dahil matagumpay akong nakapasok sa loob without making any necessary noise.

Nakahinga nalang ako nang maluwang dahil wala akong nadatnan na tao sa living room namin. Nakapatay pa ang ilaw, siguro tulog pa sila. Napangiti ako nang kaunti.

Dahan-dahan din akong umakyat papunta sa kwarto ko at alam kong hindi ako nakagawa ng anumang tunog subalit natigilan ako nang bumakas ang ilaw at may narinig akong yapak ng isang tao.

Nagulantang at nablangko ako kung ano ang aking gagawin.

"Saan ka galing? BAKIT NGAYON KA LANG NAKAUWI?" Galit na galit na sigaw sa akin.

"A-a-at-te," nauutal kong wika ni hindi ako makatingin sa kanya at hindi rin makagawang makapagsalita nang tuwid.

Ikaw Ang Aking Bituin (BxB) (MPREG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon