LEEYAM
°•°•°•🌟•°•°•°
Alas sais ng gabi ako nakarating sa apartment. Pagkabukas ko ng pinto ay agad bumungad sa aking harapan ang mukha ng aking amo na hindi maipinta."Where have you been? Bakit ginabi ka?" Tanong niya at agad nagtaas ng kilay na tila galit pero dama ko namang nag-alaala siya.
"Sa mall boss, inaya ako ng isang kaibigan pero tapos ko na pong gawin lahat ng gawain dito bago ako pumayag at sumama." Mahinahong wika ko sabay peace sign.
Nakita kong bumukas ang kanyang bibig kaya bago pa siya makapagsalita ay hinablot ko ang kanyang kamay saka hinila papunta sa sofa.
"Upo muna tayo boss, doon ka nalang magpatuloy na magsalita." Agad kong sabi habang hila-hila ko siya.
Napapagod na kasi akong tumayo at sa wakas nakaupo na rin. Nakahinga ako nang malalim dahil nalasap ko ang kaginhawaan na aking inaasam.
"Your hand!" Sita niya at biglang nagsalubong ang kanyang kilay nang tiningnan ko siya.
Ay grabe itong boyfriend ni ate ang sungit-sungit.
Tiningnan ko ang aking kanang kamay at doon ko napagtantong nakahawak pa pala ako sa kamay niya.
"Ay! Sorry, hindi ko namalayan," nahihiyang sabi ko sabay alis ng aking kamay. Napayuko ako sa kahiyaan.
"Ikaw baks, paraparaan ka na mahawakan ako," wika niya na mapang-asar.
Napatingin ako kaagad sa kanya. Tinawag na naman niya akong baks na nagpairita sa akin. Nanggigil na ako sa kanya. Sarap niyang kurutin sa tagiliran. Alam kong baks ako pero may pangalan naman ako at ang lakas naman niyang mang-asar.
"Kapal naman ng mukha mo boss," medyo galit na sagot ko sa kanya at hindi ko mawari na kaya kong sagut-sagotin ng ganito ang aking amo.
"Sa gwapo kong 'to," sabay turo sa kanyang mukha at mapang asar na nakangiti.
"Baka nga-" pagputol ko sa sinabi niya sa pamamagitan ng paglagay ng daliri ko sa mapupulang labi niya.
Ayan na naman siya at susumbatan na naman niya ako na pinapantasyahan at pinagnanasaan ko raw siya.
"Alam ko na ang isusumbat mo sa akin boss. Sawa na akong marinig 'yan." Seryoso kong sabi.
"Ang kapal talaga ng mukha at ang sungit pa. Hindi kayo bagay ni ate," ang bulong kong wika na may tunog ng pagkabitter at kasabay niyon ay inilayo ko na ang aking daliri.
Napansin kong gumalaw ang adams apple niya. Shete, ang hot tingnan. Stop, Jeremy baka hindi ko mapigilan ang sarili ko.
Hindi ko mawari kung bakit dama ko pa rin ang lambot ng kanyang labi. Shete! Hindi ko mapigilang mapalunok ng sarili kong laway.
Nararamdaman ko nalang na may kamay na biglang nag-angat sa baba ko at nang nasilayan ko ang kanyang mukha. Hindi ako mapalagay sa mga tingin niyang may diin at napakatulis na para itong isang galit na tigre. Habang nagtagal ay palapit nang palapit ang kanyang mukha.
"Ano'ng binulong mo?" Galit na wika niya na parang umuusok na ang tainga at ilong niya.
Maya-maya ay hinablot niya ang damit sa may dibdib ko at hinila niya ito nang marahas. Mga limang inches nalang ang agwat naming dalawa na ikanailang ko.
"Ah ehhhh ang bulong ko. Ang kapal ng mukha mo p-pe-ro sobrang gwapo niyo po boss. Hi-hindi kayo bagay boss dahil tao kayo na lubos ang pagmamahalan," nauutal na sabi ko at biglang nag-iba ang anyo ng mukha niya saka ngumisi.
"Buti alam mo baks. Next time, umayos ka! Kung hindi malilintikan ka sa akin," pagbabanta niya sa akin saka pwersang itinulak ang aking dibdib at napasandal ako sa dulo ng sofa.
"Ouch," medyo uminda ako sa sakit sa aking likuran.
Grabe naman siya makatulak.
Hindi ko mawari na ganito pala ang kanyang ugali dahil noong unang pagtatagpo namin ay isa siyang maamo at hindi makikitaan ng pagkasungit. Kaibahan ngayon na nang-aasar at napakasungit.
Gayon pa man, gusto ko pa rin ang ugali niya kahit ang sungit at suplado. Unti-unti ko namang nakilala kung sino talaga siya kaya inaamin kong gusto ko pa rin siya kahit nasa process na ako nang pagmo-move on. Pero I know my limitations na hanggang katulong na lamang ako.
Sobrang hirap din sa akin na tumira kasama siya. Kailangan kong pigilin ang aking damdamin dahil ayaw kong makagawa ng ikakasira ng aking pagkatao. Pero may mga times na ang hirap kontrolin lalo na kapag inaasar ako ni Jeremy.
"Sino naman yang kaibigan na kasama mo?" Mahinahong tanong niya pero may diin noong nabanggit ang salitang kasama.
"Si Rald," direkta kong sagot. Habang umayos ako sa pag upo.
"Rald? Is it Gerald?" Follow up question niya na ikinatango ko.
"Magkaibigan pala kayo ni Gerald." Gulat niyang sabi.
"Yah, magkaibigan kami noong highschool." Paliwanag ko.
"Ano naman ang ginawa niyo?" Nagtatakang tanong niya at doon nangunot ang noo ko.
"Lumabas lang kami tas ang ginawa na--min teka nga boss. Ba't ang dami mong tanong? Nanay ba kita?" Naiinis na wika ko sabay iwas ng tingin sa kan'ya.
Napabalik ako nang tingin sa kanya nang may parang sinasabi siya pero ang hina ng boses parang pabulong.
"Anong pong sabi mo boss?" Nagtatakang tanong ko sa kanya at naka ngisi lang ito.
Ano siya? Isang baliw! Maybe isa ito sa mga ugali niya na natuklasan ko ngayon.
"Nevermind that, ang punto ko lang ay ako ang boss mo kaya dapat sabihin mo sa akin kung saan ka pupunta dahil you are my responsibility. Paano kung may nangyaring masama sa iyo. Panigurado, ako ang sisihin ng mga kapatid mo na pinapabayaan kita. What did you do? Hindi ka nagpaalam sa akin kung saang lupalop ka nagpunta ni hindi ka man lang ka nag-text sa akin. Dahil sa ginawa mo ay paparusahan kita." Mahabang paliwanag niya at ang seryoso ng kanyang mukha. Nakakrus rin ang kanyang kamay na ikinayuko ko.
Parang sinampal ako sa mga sinabi niya. Ang dali-dali ko pa namang sumagot-sagot sa kanya.
"Sorry po boss at hindi na po ito mauulit," sinserong paumanhin ko at napangiti ako nang kaunti nang makita kong tumango siya sa akin.
"Ano po ang parusa mo, boss?" Tanong ko sa kanya.
"You can't easily get out without my consent kaya dapat ipaalam mo sa akin kung sino ang kasama mo at mag-uumpisa kanang maging personal assistant," sagot niya.
"Masusunod po boss, paano naman ang gawain ko rito?" Tanong ko sa kanya habang napakamot sa aking batok.
"That's your problem, baks." Tanging sagot niya at napakagat ako sa ibabang labi. Tumango nalang ako sa kanya.
Kahit medyo pagod ang aking katawan ay naghanda ako ng kakainin niya dahil tungkulin ko ito bilang isang katulong. Medyo busog pa naman ako. Saka nalang ako kakain kapag tapos na siya.
Alas diyes ng gabi ay hindi parin ako makatulog. Tabi pa rin kami sa pagtulog pero may boundary pa rin ng unan. Baka ano naman ang masabi niya sa akin na hindi maganda.
Bumangon nalang ako at tumungo sa may bintana. Pakabukas ko ay sumalubong agad sa akin ang malamig na ihip ng hangin.
Ang lamig and refreshing kaya napahawak naman ako sa magkabila kong balikat. Iba pa rin ang preskong hangin na tumatama sa aking katawan.
Tanaw na tanaw ko na naman ang magagandang ilaw ng mga buildings, bahay, at kung anu-ano pang nagbibigay ng ilaw.
Tumingala naman ako sa langit. Medyo makulimlim pero may bituin parin akong nakikita. Kumikislap at kumukutitaptitap. Nakakagaan talaga ng loob kapag ginagawa ko ito.
Naalala ko na naman si Bitu and I really miss him.
"Alam mo bang napapaginipan kita noong nakaraang araw. Sobrang na miss kita. Sana gabayan mo ako palagi sa mga desisyon ko sa buhay," ang sabi ko habang nakatanaw sa itaas.
Siya ang bituing nagligtas sa akin at siya rin ang una kong minahal noong bata pa ako. Kahit isa lang iyong puppy love kung tawagin ay tumatak pa rin iyon sa aking puso.
Maya-maya ay umiiyak na akong nakasulyap sa mga bituin hanggang dinalaw ako ng antok.
BINABASA MO ANG
Ikaw Ang Aking Bituin (BxB) (MPREG)
RomanceBxB | MPREG Ang kwentong ito ay umiikot sa buhay ni Yam. Siya'y isang tao na may malalim na pinagdaanan sa nakaraan. Karanasang nakaukit pa rin sa kanyang puso't isipan hanggang ngayon. Kamusta na kaya ang buhay niya ngayon? Aayon na kaya sa kanya a...